jump to navigation

malaking tv Mayo 2, 2013

Posted by gasti in to whom it may concern.
Tags:
6 comments

may binili kaming tv nung December. may kasama ng home theater at wall mount. alam nyo naman kapag mga ganyang buwan maraming SALE. bukod pa yung mga 3-day sale sa shopping mall na tuwing sweldo nagsusulputan. last month lang namin sya ginamit nung lumipat kami ng bahay. at last week lang kami nakabili ng external HD para maayos mapanooran ng mga movies.

satisfied naman ako sa laki na 42 inch. maganda ang resolution lalo na kung maganda ang nadownload mong movie. yung sound depende rin sa file na pinasok mo. may malakas, may mahina at sa hindi ko malamang dahilan, meron ding walang sound. meron ding hindi nag-play (unsupported file). at yung isa pang nakakadismaya eh bigla na lang tumitigil at nagrereset na movie kapag more than 2 hours yung pinapanood mo. nasubukan ko na yan sa superman, the hobbit (considering, nagpromote pa sila ng movie na to. ), lord of the rings at harry potter. sablay talaga yung internal movie player nya.  (more…)

one at a time Abril 24, 2013

Posted by gasti in pampakiliti, pampaswerte.
Tags: , ,
6 comments

nagdalawang isip muna ako sa taas at sa baba kung gagawan ko ba ng entry itong babaeng ito. mahirap na. may mga lalaki kasing pag nakita nila yung crush mo eh nagiging crush na rin nila. walang ganunan. bihira ako umamin na may crush eh. yung iba minahal ko agad.  from Kristine Hermosa to Angel Locsin to Anne Curtis. lahat yan dumaan kay Oyo Boy Sotto pero wala akong pakialam. naka-move on na ako.

magandang mukha, check.

magandang hubog ng katawan, check.

malaki ang boobs, check.

matambok na pwet, check.

makinis na balat, let me check.

(more…)

trying to get the feeling again Abril 22, 2013

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
7 comments

uunahan ko na kayo. hindi tungkol sa love story ito. wala pa akong time para magpost ng mga ganyan. saka isa pa, hindi ko na nga rin alam kung papano ko ba sisimulan itong pagbabalik ko sa pagbablog eh. gusto ko kasi pagkatapos nito dire-diretso na. hindi lang ididikit, ibaon na agad. pareho lang tayo mabibitin nyan eh.

let’s just say na ngyon lang ulit ako nagkainteres magsulat talaga. marami naman sana pagkakataon noon pero nawalan lang ako ng gana. siguro kasunod na nito yung pagja-jogging sa tabing ilog at sa sportscenter. saka yung pagpupush up sa umaga para tubuan ng manboobs at crunches naman para maglabasan ang mga pandesal sa tyan. kelangan maagapan ko na dahil mukhang 2 months preggy na yung sakin. pero good news na rin dahil nag gain ako ng 20 pounds from last year. isipin nyo na lang yung katawan ni Nonito Donaire kapag official weigh in.  same weight minus the muscles. haha!

speaking of Nonito, isama na rin natin si Pacquiao, Hawaian Punch Villoria, at yung latest kahit hindi naman sya ka-level ng una kong nabanggit, si Boom Boom. sunod sunod ang talo nila. naubos na ang mga idol ko at nakakainip maghintay ng kung kelan sila makabalik ng ring para makabawi sa pagkatalo nila. makapanood na nga lang ng basketball.

speaking of basketball, panalo Barangay Ginebra kanina kaya pasok na sila sa Semis. kahit papano nakapag cheer din. habang hawak ang antenna dahil malabo ang signal. para paraan lang yan.

nanonood din ako ng NBA. at sa tingin ko, malaki ang chance ng Miami Heat na makapag champion ulit. iba talaga kapag may sapi ang player. saka pag maraming haters.

bago ko nga pala tapusin ang entry na to, gusto ko lang magpasalamat sa mga napadpad dito kahit matagal na walang update. pati dun sa researcher ng Jessica Soho na naghahanap ng old skul na laruan. sayang at hindi ko agad nabuksan yung blog at email ko. siguro hindi pa ito yung tamang panahon para makita nyo ang mukha ko sa tv. joke!

oh! nagulat kayo noh? Setyembre 3, 2012

Posted by gasti in bakasyon stories, to whom it may concern.
7 comments

akala nyo si Paulo Avelino? nagkakamali kayo mga girls! easy lang kayo dyan. ako lang to si Gasti Houtenco. nagbabalik makalipas ang ilang buwang pagbabakasyon sa blogging. buti na lang napanaginipan ko kagabi kung ano yung password ko.

psensya na. matagal na kasi akong kinukulit ng mga anak kong sumali sa Mr. Pogi eh! ewan ko ba kung anong pinagkakain ng mga yun. nasobrahan na yata ng sopas sa iskul.

little girl: Daddy dapat sumali ka dyan sa Mr. Pogi kasi ang pogi mo. Dali na Daddy! sali ka na!

gasti: o sya sige mag a-audition na ako bukas.

little girl: Yess! Woooh! Go Daddy! Go Daddy!

little boy: Galingan mo Daddy! Chi-cheer ka namin. ang pogi mo talaga!

ansaveeeeH???! hahaha! natatawa na lang ako sa mga kalokohan nito eh. age requirement pa lang hindi na ako papasa. lols! nakakabwisit pa nga panoorin minsan yung ibang contestant na wala naman talent sa pagkanta pero nagpipilit pa. siguro nga kasi mas gugustuhin mo ng magmukhang tanga habang kumakanta kesa naman mag effort pang sumayaw na mukhang retarded ka rin.

hindi ko alam kung san ako magsisimula at kung ano ba dapat ko ikwento. saka hindi ko nga rin alam kung may mga kaibigan pa ko dito. friends? asan na kayo? pagsaluhan natin itong dala kong pansit. huhuhu!

simulan ko ang update ko sa latest na lugar na napuntahan ko. tutal naman eh yung last entry ko ay tungkol rin sa bakasyon. lubusin ko na ang paglalamyerda. onti na lang magiging travel blog na to at mafi-feature na ko ni Jessica Soho.

Bohol is the place to be. gandang lugar. hindi lang pampamilya, pang isports pa. first time ko sumakay ng zipline. antaas at ang layo pa ng narating! mga 14 seconds. haha! sulit na sulit ang bayad na 350 pesos sa ganda ng view. bilib din ako sa anak kong babae na sumama sakin mag zipline. 3 yeras old pa lang sya pero game na game sa lahat. parang naka-modess lang. buti hindi nagmana kay misis na takot sa mga mataas na lugar at mabilis na rides. eh kahit ferris wheel nga iniyakan nun eh eto pa kayang zipline? ayun magkasama silang tagakuha ng litrato ng anak kong lalaki na isa ring takot sumakay.

syempre hindi kumpleto yung bisita mo sa Bohol kapag hindi mo masilayan ang Chocolate Hills. sayang nga lang at umuulan at madami extra sa paligid kaya hindi ako nakapag jumpshot. buti na lang nakakita ako ng rainbow. konek?

nasilayan ko rin ang tarsier. shy type pala sila at bawal hipuin. madali daw kasi mastress at may suicidal tendencies. mga loser pala amputs. sabi ko na nagdadrugs yang mga yan eh. pero nakakainggit din sila. marami kasi ang gustong magpapicture. daming magagandang babae ang lumalapit. minsan akmang hahalikan pa sila. dadakmain. sasakmalin. at aanuhin. may namataan pa kong magandang chiching na nagbabantay sa isa sa mga tarsier. muntikan na nga ako kumapit sa puno at pandilatan ko yung mga turista run para ako na lang sana ang babantayan nya. gusto ko nga sya kausapin at sabihing sya na ang pinakamagandang babae na tagabantay ng tarsier sa buong mundo tapos saka ako magpapapicture sa kanya.  mas magandang souvenir sana yun kesa makatabi ng mukha ko yung tarsier na lulong sa drugs.pero kelangan kong sumunod agad kay misis at baka hanapin ako. mahirap na.

kumain din kami habang nakasakay sa isang cruise ship! along Loboc River. ganun kami kasosyal. pinagkasya namin ang cruise ship sa ilog. hindi rin makakalimutan ang eksenang “Excuse Me – sabay hawi sa aming lahat na nakapila” ng isang mala matronang tourist guide ng mga foreigner. akala nya yata Hawi Boy sya at hindi guide. dami tuloy nabwisit sa kanya.

ganda rin ng beach. sa sobrang pino ng buhangin, kumain ako ng konti. joke. naglagay lang ako sa bote ng mineral para remembrance. tapos syempre may mga foreigner na naman. napansin ko lang dati pa na bisyo na talaga nilang magpalit ng damit sa tabi-tabi. at hindi lang sa ibang tabi ha. sa tabi ko mismo. mukha ba akong bastusin? hindi naman sa ayaw kong may naghuhubad sa tabi ko lalo na at maganda at seksi naman yung nanggaganun sakin pero kasi sana next time yung wala naman kasamang boyfriend. nakaka ano kasi eh. wag ganun. nagulat talaga ako nung hinubad nung babae yung damit nya at pang ibaba na tuwalya lamang ang takip. pati yung bra at panty pinalitan nya sa harap ko. kitang kita ko kung pano nya hinubad at sinuot yung mga pamalit nya. ng hindi sinasadya. oo! hindi ko sinasadya. biktima lang ako ng mga pagkakataon.

pagkatapos magpalit ni babae, yung lalake naman ang nagbihis. sinabuyan ko sya ng buhangin sabay sigaw ng “Not here! asshole! Shooo! Shooo!” . syempre sa isip ko lang yan. hehehe!

gaya ng inaasahan, paglusong nila ng dagat, dun na sila naglaplapan. how romantic.

yung last na pinuntahan namin yung Zoo na may malaking phyton at others. picture-picture at uwian na rin. nothing much to share. maganda sana kung hindi pa nakakain yung sawa para agresibo sa kulungan pero busog eh. kaya antukin sila lahat.

sarap talaga mamasyal. magastos nga lang kaya ito na rin siguro yung huling bakasyon namin for this year.

———

it’s been a long while pero gusto ko pa rin pala magblog. may next entry pa ko. :)

effortless Pebrero 15, 2012

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
17 comments

kamusta naman ang Valentines Day nyo? naipost nyo na ba sa facebook ang mga pictures? naitag na ba ang dapat i-tag? nai-share na ba ang mga piling-piling love songs sa youtube? kayo na ba? naano mo ba? ok fine.

ang saya kahapon. love is in the air talaga. atleast nakapagpahinga naman ang mga mata at tenga ko sa Whitney Houston songs at updates ng kamatayan nya. I mean. kelangan ba talaga interviewhin ang mga local singers natin para tanungin kung anong naging impluwensya nya sa kanila? napakawalang sense.

inagahan ko ang uwi kahapon. paniguradong matraffic na pag ginabi ka eh. andami ko pa rin nakasalubong na babaeng may bitbit ng isang boquet ng calachuchi. sosyalin. ikaw na ang may galante at thoughtful na boyfriend. ganda mo teh! haba ng hair. meron ding mga lalaki na may bitbit na bulaklak at naghahagilap ng address ng opisina ng gf nila. surprisean ito. hindi ko talaga maiwasang hindi matawa eh. naisip ko kung ganoon din ba ako dati? naalala ko dati may time rin na hindi ako magkandaugaga sa pagbitbit ng 2 dosenang roses sa matitipuno kong mga braso. (kelangan imention ang matipuno for cinematic effect. chos!) may time rin na muntikan ko ng bawasan yung isang boquet na hawak ko at bigyan ng bulaklak yung magandang babaeng nakasabay ko sa jeep na walang ka-date. minsan naman nung tight ang budget, 100 grams na lang ng chicharon bulaklak naiuwi ko. may valentines card, chocolates, at kung anu-ano pang materyal na bagay na hahaluan mo ng mga pambobola para maaya mo sya makipag ano pagkatapos ng dinner. nakakatawa talaga eh. effort kung effort. magbibigay ka ng flower para patikimin ka ng flower. bibigyan mo sya ng chocolates, para ganahan sya kainin ka. gagandahan mo ang bihis mo, para maatat syang hubaran ka. give and take lang yan.

this time wala talagang nangyari. walang pera. maniniwala ka ba kung sabihin ko sayong sampung piso na lang laman ng bulsa ko ngyon at kelangan ko antayin magkalaman yung ATM ko para lang makauwi sa bahay. ganyan ako kadukha sa mga panahon na to. walang flowers, chocolates o kahit chicharon wala din. pero hindi naman ako nalungkot. hindi naman ako babae. obviously, wala akong kunsensya. joke! akala ko lang kasi hindi na papansinin ni misis yung mga ganyan. sabihin na nating biro pero malamang half meant yun na nag expect sya na meron ako surprise. langya! kelangan ko tuloy bumawi mamaya. ang hirap talaga manghula ng mood ng babae.

siguro naman hindi na overpricing ang drama ng mga bulaklak ngyon. at sana lang hindi dinuguan ang kakainin ko mamaya.

suntukan daw Pebrero 2, 2012

Posted by gasti in balitang isports, muni-muni moments.
12 comments

as usual, wala na namang nangyari sa negosasyon ng pinakaaabangang laban ng lahat. kalimutan na natin ang Pacquiao vs. Mayweather ngyong darating na May 5 o baka kahit sa November wala na rin mangyari. mahirap talaga yung nasosobrahan ka na ng yabang at bilib sa sarili.

Mayweather vs. Cotto sa darating na May 5. hindi na rin masama dahil gusto ko rin makita kung ano mangyari sa laban na yan. ang hindi maganda ay yung matitirang pagpipilian ni Paquiao. medyo obvious ng si Timothy Bradley ang ipapartner sa kanya ni Bob Arum. yung mukhang ninja turtle na yan na mahilig mang headbutt. kakaumay.

mas gusto ko pa panoorin yung mga laban ni Nonito Donaire Jr. sa totoo lang, astig manuntok. astig sa porma. at astig sumagot sa mga interview. sana maabot nya rin yung kasikatan ni Pacquiao dahil magaling din naman sya.

medyo nilalayo ko muna ang utak ko sa trabaho ngyon dahil pakiramdam ko eh umoonti na ang sperm count ko. ewan ko ba rito sa kumpanya namin kung bakit hindi pa nagdadagdag ng empleyado. utang na loob naman. dati 6 kami. nagsabi sila na maghire pa ng 2. hanggang sa magsipagresign na yung dalawang kasama ko walang dumating na kapalit. naalala ko tuloy yung mga palaro sa kids party na “the boat is sinking. what shall we do?”. Group yourselves into four! naknampepe yan. nakakabaog.

ayoko na talaga magpost ng tungkol sa trabaho dito sa blog sa totoo lang. isa dahil baka matunton na ko ng boss ko at pangalawa dahil wala rin naman pagbabago mangyari. kaya nga sana sa susunod, ikwento ko naman kung gaano ako kasaya sa nilipatan kong work. na kung gaano kagaganda mga kaopisina ko at kung gaano ako kagana pumasok dahil sa malaki ang sinasahod ko at may inuman session pa after office hours. gusto ko na magbagong buhay. kelangan ko na magbisyo.

papasukin ko sana ang pagboboxing kaya lang baka ma-comatose ako pag binayagan ako ng kalaban . kawawa naman ang pamilya ko.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 74 other followers