jump to navigation

ka-blog! Mayo 28, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
8 comments

to all the blogs i read before…
kung tutuusin baguhan pa din ako sa pagbo-blog kahit 2005 pa ko nag member..di naman ako lagi nagpo-post kadalasan pa eh puro pics lang nilalagay ko…(binura ko na yung iba)

recently lang din ako na-adik maghanap ng mababasa..mabuti na lang ginawa ko yun! kadalasan tuloy ako tumatawa mag isa dito sa office na parang sementeryo tuwing umaga…nadagdagan din ang mga imaginary friends ko sa list na dati rati ay tatlo lang (isa na lang active sa kanila ngyon)..

hindi na ko gagawa ng mga paborito kong blogs dito kasi matindi ang kompetisyon..kita nyo naman 16 lang nasa list ko..2 dyan pa dyan inactive…baka magtampo naman yung 4 kapag hindi ko naisama sa top 10..ang importante naman eh lahat kayo nakaimpluwensya sa pagsusulat ko (uu pati ikaw na nagbabasa na hindi nag iiwan ng comment dito)…salamat sa mga nakakatawang entries,sa mga helpful links,sa mga seryosong topic na ginawang katatawanan, at sa mga advises…
at higit sa lahat maraming salamat sa Seiko Films sa pagpo-prodyus ng pelikulang Silip na ipapalabas sa June 6.
————————————-
special thanks to the following…
dickies for my jeans and shirt,adidas for my shoes,darlington for my socks and bench hipster for my brief…
————————————
meron isang kwento na bumabagabag pa din sa isipan ko simula ng marinig ko mula sa isang kaibigan nung hayskul..ganito yun(kunyari re-enactment)

isang eksena sa bakuran ng kapitbahay ng friend ko..nahuli sya ng nanay nya na “kinakana/niyayari” ang kanilang kambing.
nanay nya:anong ginagawa mo dyan? (pasigaw).
nahuling lalaki: mas ok na tong ganito inay kesa naman sa mag-drugs ako.

What the f*ck?! bakit ganun? totoo kaya yun? potek! eh para ka na ring naka-drugs nun para magawa yung mga ganung bagay eh…

“ang dog style ay hindi lang gawain ng mga aso”

who am I? Mayo 23, 2007

Posted by gasti in self review.
9 comments

kasalukuyan naghahanap ng ka-weirdohan sa katawan…

who am I? galing ng movie na to! action packed..one of my favorite jacky chan movies..pero hindi tungkol dun ang post na ito :D
ako si [insert ur name here] nangangakong magsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang ang aking sasabihin..(redundant) so help me God.
describe urself. karaniwang tanong pag mag aaply ka ng work…nakakaburaot na..paulit ulit ang tanong..iba-iba naman sagot ko..madalas kabarberuhan lang para makaakit ng kumpanya na maghire sakin…(mabuti na lamang at may nauto)..

balik tanaw…
who is your crush?. isa lamang sa mga 20+ questions na sinagutan ko sa slambuk noong elem. at hayskul..ewan ko lang kung uso pa ba ito ngyon…masaya to lalo na kung magkakabukingan..kunyari top secret lang mga laman nun..pero pagtalikod mo..pinabasa nya na yung laman sa iba pa nyang friends..pwede mo din pasagutan sa crush mo yung slambuk mo para kiligin ka at makaisip ng strategy sa pagpapapansin o kaya naman para malaman mo kung sino ang type nya na uumpisahan mong siraan/layuan/batukan/suntukin/patayin…(wag na sana mauwi dun)..
hayskul lyf oh my hayskul lyf ay walang kasing saya…dito ko unang naranasan na mapingot ng titser,kaldagan ng CAT officer, mamilosopo, ma-blind date, mahuling nangongopya, manghabol ng mga estudyante para ilagay sa “marriage booth” kapag foundation day, maukaan at magpagupit ng 5 x 10(sinumpa ko na sa sarili ko na hindi ko na ulit gagawin yun),mahipuan ng bading (eeew!),maglagay ng gel sa buhok,tumambay para sumilay at mag cutting classes para manood ng porn.

kainan na!. hindi naman sa mapili ako sa pagkain..lahat naman tayo eh may inaayawang kainin.
eto ang sakin..

  • alamang – amoy pa lang yoko na..sabi nila ito raw ang nagpapasarap sa kare-kare..pero iba ang pananaw ko..masarap ang kare-kare kahit wala nito.
  • adobong pusit – maitim eh! magaling naman ako magprito ng pusit…ok na yun!
  • sardinas – ayoko sa malansang isda.
  • kilawin – kahit ano pa yan..di ko trip pero baka mapatikim din ako nito balang araw kapag natyempuhang lasing.

mabagal ako kumain..di ko alam kung kelan nagsimula pero dati rati naman eh mabilis.
mabilis ako maglakad..minsan parang gusto ko unahan lahat ng kasabay ko pauwi (parang karera).
mabilis ako mainis kapag tinatalo ako ng comp. sa nilalaro kong basketball game..kakapikon!
pag natalo ako sa bilyar, mapapanaginipan ko pa yun hanggang sa pagtulog ko..lalo na kung naubos pera ko.
dati rati. sabi ko sarili ko na hindi ako iinom ng alak lalo na beer kasi di ko trip ang amoy..yoko magyosi kasi mausok nakakaubo..pagsabak ko sa college natuto agad ako uminom ng beer..kelangan eh sa ngalan ng pakikisama..ng lumaon ay nasarapan na rin ako..nakakamiss din yung mahilo hilo ka sa kalasingan.. basta wag lang magtatawag ng uwak..pero yosi kahit subok hindi talaga..sabi nila nakakataba daw ang beer kaya naengganyo ako..pansin ko lang mga nagsabi sakin nun puro malalaki ang tyan :D sagwa naman kung tyan lang tataba sakin…
mas trip ko magbasa ng tabloid kesa broadsheet kasi kahit madami nakasulat dun kaunti lang trip ko basahin..saka inaabangan ko lagi ang mga kwento ng letter sender sa Dr. Love.

“ako nga pala si [enter nickname here] and you are?”..ganito ang eksena kapag garapalan na makipagkilala ka sa isang type mong chiching..”have we met before?” gasgas na linya ng mga suitor wannabe..hehe! hindi ko nasubukan gawin mga bagay na ganyan kasi takot ako maboljak(dati) ligaw tingin na lang..pasilay-silay..tamang istok lang..

“You had me at hello”…familiar sa line? sana ganito na lang lagi para everybody happy! :)

hello
.-lionel ritchie
Tell me how to win your heart
For I haven’t got a clue
But let me start by saying … I love you

knowledge power Mayo 21, 2007

Posted by gasti in kahihiyan.
4 comments

Lord bigyan Mo po ako ng lakas…at talino

tapos na ang weekends kaya balik sa dating routine…blogging sa office este work pala.
bangon.tulala.kain.sipilyo.upo sa trono.ligo.bihis.larga!

(hikab) teka nga makaidlip muna…nabitin yung tulog ko eh!
Maya-maya pa..”Ma! sa tabi na lang po”..buti na lang nagising na ko..malapit na din pala ko bumaba.
hindi makalabas yung babae..hindi kasi makayanan ni lola ang pagbukas ng pinto..”lakasan nyo lang po lola”..dandyaraan to the rescue na si super lolo..after 5 yrs nabuksan naman..(naisip ko lang..hirap na sila kasi matanda na.)

Eto na bababa na rin ako..”Ma! sa kanto lang ho..” Ayan nagkagulo na madami pala akong fans este madami pala ko kasabay na bababa..puro babae..syempre ako na magbubukas..pa-gentleman effect…

Arrrgh bakit ayaw bumukas..isa pa..Yaaaah!..(lumitaw ang kaunting ugat at litid)..ayaw pa din! teka teka..easy lang kaya ko to! pagtingin ko sa likuran ko..naka tuwad na sila lahat..ang cute! ay ano ba yun?! :D kelangan ko na pala mabuksan ang pinto..eto na..eto na! umaapaw… lakas hataw..TODO LAKAS! (colt 45)..may kasama pang dasal…KABLAG! halos warakin ko na yung pinto sa ginawa ko pero sa kasawiang palad bigo pa din…

nang biglang may maglakas loob na magsalita..”iho naka-lock pa”..umaygad! (bakit hindi ko agad napansin yun)..walanjong lola to ni-lock pala kanina hindi agad nagsalita..

dali-dali akong lumabas ng hindi lumilingon..sana walang nakakilala sakin :D

election 07 Mayo 15, 2007

Posted by gasti in bakasyon stories.
3 comments

tapos na rin ang botohan…sa wakas! tahimik na ang paligid..wala ng mga campaign jingle na maririnig sa kalsada radyo at tv…(buti naman!) dami na namang nagkalat na election garbage na nakadikit sa pader..puro mukha na pinotoshop lang naman para magmukhang kagalang galang at makamasa..mga ngiting aso!

8:30 nagising..pupungas pungas pa ligo na agad wala ng kainan..(di ko type yung almusal na nakahanda eh)…buong pamilya sugod na sa eskwelahan!..gaya ng dati, may mga nagbibigay pa rin ng flyers sa mismong araw ng eleksyon…2nd time ko pa lang bumoto :D

tingin ako agad sa list of registered voters sa may pinto para hanapin yung pangalan ko..nakita ko naman agad kasama ng mga iba pang angkan namin..(pati lola kong namayapa na eh nasa listahan pa din..haha!)

pagpasok ko sa loob..antay antay lng ng instructions sa teacher..”sige pirma ka dito”, ako naman etong masunuring bata..pirma naman agad kahit nakita kong ‘administrative supervisor ‘ yung pinapirmahan sakin :) ..ayan kasi inuna tsismisan eh..pamali-mali tuloy! saka nya lang napansin nung napirmahan ko na..pinapirmahan ulit sakin yung ‘voters signature’..tapos nung ok na..nilagyan na ko ng walang kamatayang indelible ink na hanggang sa mga sumandaling ito ay hindi ko pa rin nabubura..(andami kasi nilagay eh)..mukha tuloy ako namatayan ng kuko.

eto na botohan na..feeling ko talaga nag exam ako at puro matatanda ang classmates ko :D
natagalan pa ko sa pagpili ng party list..isa lang pala pipiliin pero 90+ ang choices! (san ka pa?!)
ako nga pinakahuling lumabas samin lahat eh! haha! sineryoso masyado..
at ang pinale! hulog sa balota ang papel at uwian na..

pero bago umuwi kumain muna ko ng lugaw at shomai sa may palengke..kagutom bumoto!

(hindi ko na ilalagay dito kung sino mga binoto ko) basta…
hindi ako nagtanim ng gulay sa senado,
hindi ako bumoto ng dragon kasi bad ako eh..mahirap ng malagot! :D
hindi ako bumoto ng singer na na-link kay madam auring
hindi rin ako bumoto ng tagapagligtas kuno
at lalong hindi ako bumoto ng korekto!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 75 other followers