masarap Hunyo 27, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments.7 comments
ano ba ang mas masarap yung “bawal” o yung “libre” ?
masarap gawin ang bawal, lalo na pag gusto mo ito gawin…kadalasan eh magulang natin ang nagbabawal..minsan naman eh bf/gf/asawa o di kaya’y mga doctor…
andaming bawal gawin, andaming bawal kainin…magbibigay ako ng example.
from parents.
bawal magpagabi (may curfew)
bawal pumunta doon (kapag barkada gimik)
bawal sumabat sa usapan ng matatanda (wag epal)
bawal magkasyota (strict ang parents ko eh)
from doctors.
bawal ang pork,beans etc. (daming bawal na pagkain)
bawal masyado magkikilos
bawal ang sobrang pagkalungkot o pagkatuwa
from gf/bf/asawa.
bawal makihalubilo sa opposite sex (landian na ang tawag dun)
bawal tumingin sa iba (lalo na pag kasama sya)
bawal yumakap,humalik at makipagjugjugan sa iba (wag na wag kang magpapahuli sa akto)
napakaraming bawal..pero bakit paulit ulit mo pa rin ginagawa? masarap ba?!
kapag libre masarap din..libreng pagkain,libreng oras,libreng laro,libreng pamasahe,libreng panonood ng sine, libreng sex ![]()
“palibre naman!” bukambibig ng mga kaibigan natin kapag naamoy nilang may pera ka…para silang mga holdaper/pulubi/naglalambing na friend na may money tracker…ibang klase!
ayos din ang libreng laro…san ka pa?! unlimited games for free…tapos libreng pamasahe pag may nakasabay ka na kakilala mo lalo na pag matagal kayo hindi nagkita…saka sa part ng babaeng nililigawan laging libre pamasahe yan, libre panood ng sine na rin saka libreng tsibog! (aminin!).
masarap talaga kapag libre…masarap din ang bawal
ano mas masarap ngyon?!
chicboy Hunyo 25, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments, self review.4 comments
“paglaki nitong batang to marami syang paiiyakin na babae“
ayos di ba? eto kadalasan ang sinasabi ng mga matatanda sa mga sanggol o batang lalaki na wala pang muwang sa kamunduhan…cute na cute sila kapag bata ka at nagkakaroon nga sila ng prediksyon na maraming babae ang dadaan sayong buhay…di ko lang masyado alam kung compliment ba talaga yun o isang babala sa mga sanggol na babae na magiging kasabayan nya paglaki… kapag bata ka ok lang na mambabae…tama ba?
masarap maging bata…care-free, worry-free..kapag may gusto makuha.. iiyak ka lang tapos na ang problema..at kapag may gustung-gusto ka makuha..iiyak ka ng mas malakas
(spoiled brat).
madaling solusyunan ang bawat problema…marami kang free time at hindi ka magsasawa o mabo-bored man lang kahit na paulit-ulit pa ang ginagawa mo sa maghapon…gigising-kakain ng almusal-makikipaglaro ng teks sa kalsada, magjolen-uuwi para kumain ng tanghalian-lalabas ulit at makikipagpatintero-tumbang preso-moro moro-kalog tansan-tantsing…at kapag dumilim na eh saka kayo maglalaro ng taguan(gaya ngyon)…uuwi ka lang dahil sa gutom ka na at hindi dahil sa nakakaramdam ka ng pagod…kakain ng hapunan at matutulog..kadalasan ang pinoproblema ko lang eh kung ano ang mabisang pamato na gagamitin ko sa teks (kukulayan ko ba ng pentelpen/bolpen o babasain ko tapos patutuyuin?)…paano ako makakadilihensya ng pambili ng chichirya saka tau-tauhan? hmmm…isip isip…hanggang sa makatulog.
kaya lang hindi naman pwedeng hindi ka lumaki…wala naman siguro satin na gustong maging unano…gusto natin maging normal…gusto nating maranasan kung pano makipaglaro ang mga matatanda…kung paano maglaro ng apoy.
kapag ang lalaki madaming tsiks…
chicboy/pabling/babaero pwede rin tawaging idol/master(teach me master)/gwapo/maanghang/fafa
kapag ang babae madaming boylets…
malandi/pokpok/haliparot/bitch pwede ring dyosa/maganda/maalindog/mahaba ang hair/hot mama
depende sa tumitingin
Mr. Dj Hunyo 15, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments.4 comments
mahilig ka ba makinig ng radio?
Nung estudyante pa lang ako, madaling araw pa lang bukas na radyo sa bahay namin..nka-AM agad mas nauuna pa nga ang balita bago kami makapag almusal…naalala ko pa sila Rey Langit at ang boses nyang tila baga eh nanggaling sa ilalim ng lupa…parang may sinusitis kapag nagsasalita..mala-kapre!, si Tiya Dely naalala ko lang pangalan nya..(ano nga ba binabalita nito?) pero lagi ko din syang naririnig noon, si Kuya Cesar naman (Sumalangit Nawa) eh kakaiba ang approach..imbis na mabilisan ang paghahatid ng balita eh ginawa nyang ubod ng bagal..eto lang siguro ang kaisa-isang dj na may ganung style…bumenta pa! nagkapelikula pa nga ..naalala ko pa noon nag-try sya maging commentator sa isang basketball game..”Ay na-shoot na pala”..di sya makahabol sa bilis ng mga pangyayari
pano pa kaya kung sa karera ng kabayo sya maging commentator? wehehe!, si Deo Macalma ok din..”Ayon sa aking bubuwit” tapos biglang may sesegway na pagbati sa kakilala or magbibigay ng advertisement..bitin na bitin ka na sa kanyang blind item dahil sa ganitong style..itago na lang natin sya sa initials na..
tapos si Mike Enriquez para sakin ang pinakamagaling na endorser sa radyo…malinaw na malinaw nyang isusubo sayo ang mga advertisements nya kahit na parang barado ang ilong nya kapag nagsasalita…
ngyon ibang Dj na ang kadalasan eh naririnig ko…ang tambalan nila Nicole Hiyala at Kris Tsuper na mas kilala sa kanilang alias na “Balasubas at Balahura”…masarap lang pakinggan ang mga kalokohan nito tuwing umaga nakakahawa sila tumawa…may mga advises din sila na minsan matino naman pero kadalasan eh puro makukulit…non-stop na kulitan pag magkasama sila…trip ko yung mga naughty hirits nila! pampakiliti sa umaga…
malaking tulong talaga ang radyo sa mga taong bored…mas ok pa nga to minsan kesa tv kasi hindi nakaka-stress sa mata..ganito rin lang ang libangan ng mga jeepney drivers,taxi driver, fx driver at kahit sino pang nilalang na nakakapag drive…pag wala nito, ang boring naman ng byahe mo…
dito rin sa office na kinahihimlayan ko ngyon eh sobraaang tahimik..buti na lang at may built-in radio itong cellphone ko kaya nakakapag sound trip pa rin kahit papano..kung wala pa nito eh malamang mapapadalas ang siesta/tulog ko nang nakaupo..
famous lines from tambalan “balasubas at balahura”
una magdasal ka para mabuhay ka, pangalawa mag toothbrush ka para mabuhay din ang iba.
corrected by!
based on experience
hiatus :D Hunyo 12, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments.5 comments
wala lang! nakiki-hiatus lang ![]()
eto lang ang kasarapan kapag graduate ka na…no more assignments,quizzes, no thesis, no periodical exam, no warfreak profs…yun nga lang no allowance rin..pero ok lang masarap naman feeling ng sumusweldo
…ang nakakalungkot lang eh wala ka ng 2 months vacation period! meron ka lang 10 sick leave at 10 vacation leave na kadalasan eh hindi mo naman magamit ng isang bagsak dahil sa ka-busyhan sa trabaho…yun lang! pati barkada mo bihira mo na makikita..
masarap ang pakiramdam kapag may holiday…walang pasok! naalala ko tuloy dati sinabi ng pinsan ko sakin nung nag aaral pa lang ako..”makakabisado mo mga petsa ng holidays pag nagtrabaho ka”. ngyon alam ko na! pag badtrip ka, titingin ka lang sa kalendaryo at maghahanap ng kulay pula maliban sa araw ng linggo at magsisimula ka ng magplano ng lakwatsa..salamat din kay Madam president dahil sa nakaugalian nyang pag urong ng holidays para dumikit ito sa sabado at linggo
(ayos!).
bakit kaya dumarami ang mga walang kwentang e-mails na narereceive ko araw-araw…potek! karamihan endorsements ng “viagra” eh di ko naman kelangan nun…bata pa naman ako at tigasin! tuwing umaga tuloy ako bura ng bura sa mga yun…
kelan kaya ako makakaalis sa mission 4 ng “Devil May Cry 3″…nakakaburaot na!
eye ball Hunyo 7, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments, self review.10 comments
ikaw? naranasan mo na ba makipag-eb? naging syota mo ba yung ka-eb mo? nag sex ba kayo?
tanungin nyo yung mga ermat at erpat nyo kung naranasan ba nila makipag-eb…malamang hindi!
noong unang panahon..wala pang internet..uso pa ang pakikipag-penpal..sulat dito sulat doon..umaasang may magtatyaga na sulatan ka pabalik na magpapatibok ng iyong puso at magpapainit sa malalamig mong mga gabi at kung suswertihin pa si inday, maaari din syang mahango sa kahirapan.. tapos nagkaroon ng telepono, wan to sawang tawagan naman..kesehodang uminit ang tenga mo sa pagbababad sa telepono eh oks lang basta makausap mo si labidabs mo…”hello pwede po makipag-phonepal?”. badtrip yang mga ganyan dahil madalas eh madaling araw pa mambubulahaw..mga walang magawa sa buhay..makikipag-phone sex lang naman..sus! magtikol kayo mag isa nyo! at syempre sa panahon ngyon…normal na lang yang mga eb na yan…sa chat, sa online groups,sa txt at sa blogging world yakang yaka na kahit ng mga elem. students na makipag-eb…ang gara ng buhay! exciting! ingat lamang po tayo sa mga manloloko..madami nagkalat dyan! sayang lang oras at pera nyo…dapat kilalanin nyo muna maigi mga kakatagpuin nyo para maiwasan ang “maling akala”…dami na namatay dyan.
na-try ko na din makipag-eb pero yung maramihan (community gathering)..masaya naman pero parang nangangapa ka sa ugali ng isa’t isa..first time mo maririnig ang mga boses nila na yung iba eh sobraaang layo sa itsura nila..matatawa ka na lang
meron ding mga photogenic..di mo halos makilala dahil ibang anyo na sa personal..galing talaga ng photoshop!…
napapasama din ako sa mga barkada ko dati kapag nakikipag-meet sila..minsan naman tinataguan yung ka-eb kasi *chaka nyang bading kakahiya, ulong naging nguso..minsan naman type mo tapos yung chic naman ang may ayaw sayo
ika nga ni Kuya Kim..”Ang buhay ay weder weder lang”…mas mabisa pa rin kung meron webcam yung kausap mo..at least kita mo na agad hilatsa ng pagmumukha nya at kung bu-bwenasin ka pa baka pati katawan..(*alingawngaw sa chatroom..”may nagsho-show ba dito?” pa-view naman! o kaya pa-mirror na lang)…
may naka-chat ako dati super-friendly,maganda,maputi at malambing…yun ay base sa kanyang “maalindog na display image”…mga isang linggo pa lang kami magkachat eh bigla nya kong niyaya na makipag-meet sa cubao…tapos bahala na kung san motel kami pumunta basta ako magbayad..nyek! 2fast 2furious (cubao drift). syempre pinag isipan ko muna maigi (hindi ako pakipot, sigurista lang!)…maganda kasi eh mahirap paniwalaan…kaya nagdalawang isip ako..buti na lang pala at di ako pumayag..isang araw nag online sya..may aaminin daw sya sakin..biglang may lumitaw na “Accept Invitation” button sa monitor ko..nagulat na lang ako nung makita ko yung kausap ko..isang lalaki…waaaah! chicsilog pala! (*this guy is in-love w/ you pare! bading na bading sayo!) nagsimula na ang confession…bakla sya pero tago lang..di halata! gusto nyang lumuhod sakin…magaling daw sya!..at kung ano-ano pang pampakiliting usapan na hindi na angkop kung ita-type ko pa dito sa aking ‘child-friendly site’ (kahit ikaw pa ang pinakamagaling na pornstar sa buong mundo, hindi kita papatulan)..wala akong hilig sa iskrimahan..hindi naman sa galit ako sa bakla, may mga kaibigan din akong ganun pero ibang usapan na yang jugjugan..”No thanks!”.
tanong ko sagot ko.
[tanong]ikaw naniniwala ka ba sa “love at first sight”?
[sagot] sus! kalokohan! libog lang yan!
[tanong]kapag sinabihan ka ng “Fuck you ka!” magagalit ka ba o matatawa?
[sagot] ang tanga mo! bumalik ka nga sa grade 1.
red carpet Hunyo 5, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments.9 comments
kapanahunan na naman ng paglalambingan…
tag ulan na! pasukan na! makaka-silip/silay na naman sa mga crushes…bakit kaya ganun pag nag aaral ka gusto mo na mag-work pero pag nagtatrabaho ka na..gusto mo naman bumalik sa pag aaral..(pag aaral nga ba or pagsilay ulit?)…anyways basta gusto mo bumalik sa school.
ano na kaya itsura ng mga titser ko nung elem? nung hayskul? nung college?..ano na kaya itsura ng PUP ngyon? “Mga batchmates reunion naman tayo!”
masarap mag aral..masarap pumasok sa school..masarap ang burger,siomai,siopao,kwek-kwek,pisbol,squidbol,hotdog,footlong at lugaw.
top 5 “sana bukas ulit!” moments.
- absent ang prof
- dumating ang checker at wala pa sa classroom ang prof (uwian na!)
- biglang bumagyo signal no. 3 or 4 or 5. mga 5:30am ng madaling araw habang ikaw ay naghahanda na pumasok.
- nakatabi mo sa “jeep na makembot” ang crush mo
- sakto pamasahe lang pera mo nung pumasok ka sa iskul tapos nakapulot ka ng 500 pesos.
June 4, 2007. red carpet premiere ng “Silip” sa SM megamall cinema 10..
syempre..alam na! pumunta ako kasama ang aking butihing officemate para makisilip..mga 5:30 pa lang andun na kami eh 7:30 pa start kaya ikot-ikot muna…sa aming paglalakbay ay namataan namin si lovi poe (sisilip rin kaya?)…di siguro..mukhang nag window shop lang eh..6:30 pumunta na kami sa location at ayun nakalatag na ang “red carpet” pero inaayos pa lang yung stage-like na lugar ng pagsisilipan..kaunti pa lang ang tao pwedeng pwede ka makapwesto sa unahan abot kamay mo lang ang mga sisilipan ![]()
pero dahil sa kabagalan umandar ng oras/katamaran maghintay…umuwi na lang din kami.
sayang?! ok lang yun..madami naman next time (pampalubag loob).
bumili na lang ako ng chicharon bulaklak bago ako umalis ng mega at balut naman pagdating ko sa kanto malapit sa bahay namin..
7:30pm nasa bahay na ko..(nagkasilipan na siguro dun). magkakuliti sana kayo!

