swerte Hulyo 30, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments.9 comments
sa bansa nating puno ng kamalasan, meron din namang mangilan ngilan na matatawag na “swerte”…sa pera andyan ang Tan,Zobel de Ayala,Sy,Lopez,Gokongwei at marami pang iba…hindi pa kabilang dito ang mga pulitikong nakikinabang sa ating witholding tax (bwiseeet!).
kaya siguro nagsulputan rin ang mga negosyong “pampaswerte” dahil na rin sa karamihan ng tao ay gustong magkaron nito..naalala ko pa nga yung nanay ko dati nag alaga ng “fortune plant”..kadiri itsura ng halaman na to! parang mga buhay na gulaman..dadasalan mo pa ata saka ipamimigay yung ibang parte sa mga kaibigan mo…yung kapatid ko naman bumili ng “fortune lobster” pero hindi naman siguro dahil sa gusto nyang swertihin sa pamamagitan nun…gusto lang namin palakihin yun para makain.. kaya lang wala pang 6 months dedo na…meron ding mga nagbebenta ng lucky charms sa malls pati na rin yung sa feng shui..kadalasan ang nagbebenta ang syang sinuswerte. syempre sa kanila napupunta ang pera mo..at ikaw naman na nakasuot ng inaakala mong pampaswerte ay maho-holdap lang sa cubao. (swerte mo na kapag iniwan kang buhay)
wala rin naman kasiguruhan ang mga pampaswerteng yan…kailangan mo rin samahan ng sipag at tyaga..gaya ng maraming pinoy na nagsisipag at nagtatyagang pumila para makataya sa LOTTO…
pero minsan higit sa kayamanan meron ding matatawag na swerte sa hitsura…cute,pogi,gwapo,maganda,sexy macho…sabi nga nila..nasa dugo lang yan..kung ano ang puno ay sya ring bunga..(hindi applicable sa fil-foreign combination dahil meron talaga pangit na couples pero maganda ang kinalabasan)…kadalasan eh nagiging models o artista…sumisikat,yumayaman na ang puhunan ay mukha at katawan lang…haaay ikaw na ang maging isang Piolo Pascual..kung ako man lumugar sa kanya malamang hirap din ako magkasyota dahil sa daming aplikante..langyang buhay yan! kahit hindi kagalingang kumanta eh grabe ang tilian ng mga babae,baklang litaw at baklang tago pati mga matrona nagsilabasan na…at ito namang si Oyo Boy na hindi naman gwapo at ang tanging pagkakakilanlan lang ay anak sya ng aking idolo na si Vic Sotto eh puro magaganda ang nabibingwit na chikas…nuknukan ng swerte ang walanghiya! siguro may agimat tong mokong na to…
at syempre maswerte ang nagbabasa ng post na ito.. hindi man kayo kasingswerte ng mga taong nabanggit ko at least hindi kayo malas…may kakilala ba kayong pulubing nagba-blog?
isang kiss naman dyan pampaswerte
liars go to heaven Hulyo 23, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments.13 comments
wala kang kasalanan hanggat walang ebidensya,walang testigo,walang nagrereklamo…pero bakit karamihan ng mga holdaper na nahuli ng pulis ay nagsasabing inosente sila? mga rapist na positibong kinilala ng biktima ay nagsasabing tulog sila o out of town nung mangyari ang insidente…at kahit na nakuhanan pa ng video sa aktong pagnanakaw ay magsisinungaling pa rin at sasabihing “hindi ako yan”.
naalala ko tuloy dati yung classmate ko na nagpapasuntok sakin.
gapruns – uy suntukin mo nga ako dito sa braso para mawala antok ko.
gasti- sigurado ka ha! wag ka iiyak pag nilakasan ko
gapruns – sige ok lang..bilis na!
..right straight,right hook,right uppercut,right cross…*gazelle punch. (ewan ko lng kung hindi ka pa magising dyan)
gasti - o ano masakit ba?
gapruns - hindi naman masakit eh! hahaha!
kinabukasan pag pasok namin nakita ko yung braso nya…kulay violet na yung parteng sinuntok ko..(akala ko ba hindi masakit?).
may mga pa-conservative effect din ako na classmate dati na kapag may usapang kaberdehan ay bigla na lang eeksena ng “ay ano yan? di ko alam yan..wala pa kong muwang..bata pa ko! hihihi!” tapos magugulat ka na lang mga ilang buwan eh buntis na…aysus!
eto pa ang isang kwentong hindi ko malimutan mula sa isang classmate ko nung hayskul.
hindi namin mawari kung ano ang trip ng lalaking ito..kilos bading,asal bading at ngiting bading pero kapag may kasamang babae eh nagmumukha naman syang manyak na barako..minsan tinanong namin sya kung nagma-masturbate ba sya..
curious boys – uy pare nagjajakol ka ba?
brokeback boy – paminsan minsan lang..syempre normal nman yun eh!
curious boys – (hmmm..lalaki nga ata ah) eh ano naman iniimagine mo kapag nagjajakol ka?
brokeback boy – ah eh wala…wala ako iniimagine.
curious boys - toinks! pwede ba yun? ano yun pader lang kaharap at pinagpapantasyahan mo? baliw!
brokeback boy – kasi kapag may inimagine nako kasalanan na kay Lord yun..masama yung pagnasahan mo yung kapwa mo kahit sa isip lang.
kung sadyang tanga ka, maniniwala ka sa ganitong palusot.
mas ok nga siguro kung mala-pinochio ang tao kapag nagsisinungaling pero imbes na ilong ang lumalaki..etits kapag sa lalaki, boobs naman sa babae…at least kapag nagsinungaling ka masisiyahan pa kapartner mo.
everybody lies…that’s the truth!
mabisang lunas Hulyo 19, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments.19 comments
kahapon ang aking “day off” sa buhay opisina…hindi dahil sa gusto ko pero dahil tinablan ako ng sakit…nakakabugnot lang sa bahay kaya naisipan ko na pumasok ngyon…kain/nood tv/laro ng ps2/bantay bata/tulog/mag assemble ng aquarium..ganyan lang ang buhay ko kahapon…pahinga sa computer dahil wala kami nun sa bahay…
“wag ka muna maligo ngyon ah! aalis muna ko at papupuntahin ko dito yung magtatawas sayo”. yan ang sabi ng nanay ko.
“OK lang ako Ma! uminom nako ng gamot kanina”
para sa mga walang muwang sa albularyo, hindi lang para sa kili-kili na may putok ang tawas, mabisa rin (daw) ito na pantuklas sa kung ano mang nilalang ang iyong nagambala at nagti-trip sayo…at pag natukoy na ang salarin sa bigla mong panghihina saka ka na bibigyan ng seremonyas at kung anik anik na dahon..naalala ko tuloy dati nung mga bata pa lang kami, nanay ko mismo ang nagtatawas samin..nagpapatak ng kandila sa isang palanggana na may laman na tubig kasabay ng isang dasal…nag eenjoy pa kami panoorin yun (may halong kaba parang suspense thriller) habang nag aabang kung ano ang magiging artwork ni mama…pag may nabuo ng hugis ang patak na kandila mag iisip na sya kung ano nga ba yung nabuo nya.. dwende,kapre,tikbalang basta kung anong engkanto ang kahalintulad nung mga patak, yun na ang may kasalanan…ewan ko ba pero pag tinitingnan ko yun dati eh isa lang ang kahalintulad nun para sakin…puting ebak.
hindi ko talaga pinapaniwalaan ang ganitong sistema ng panggagamot pero wala naman ako magawa noon kasi bata pa ako..pero hanggang ngyon eh ganun pa rin ang gusto ng nanay ko..laking probinsya kasi kaya maraming pinaniniwalaan…kaya kapag nagsasabi na syang “magbihis ka na at pupunta tayo sa albularyo” o kaya naman ay “tara ipapatawas na kita” eh sasabihin ko ng “OK nako Ma! magaling nako”…naniniwala naman ako sa bisa ng gamot at pahinga kapag may sakit…hanggat maaari nga eh ayaw ko uminom ng gamot kasi baka maadik ako kaya kadalasan eh inom ako ng inom ng tubig at kumakain ng madaming prutas tapos eh matutulog…solve nako dyan.
ang isa pang kinagisnan ko eh yung bisa ng laway kapag nabati ka..hindi ito yung ordinaryong greetings ah kasi kapag “nabati ka” (maliwanag yan ah nabati hindi nagbati) ng kung sinong nilalang na gutom o masyadong naaliw sayo eh bigla ka na lang magsusuka,sasama pakiramdam,mahihilo..walang ibang gamot ang makagagaling sayo kahit saang lupalop na drugstore ka pa maghanap…ang gamot lang dyan eh “laway”. laway na ipapahid sa tyan ng bata o kaya eh matanda…pag nalawayan ka na, gagaling ka na! olrayt! (kadiri ba?!). kaya para maiwasan ang bagsik ng “pagkabati” mainam na maglawayan muna kayo bago mag usap.
maraming nagkalat na engkanto sa paligid…pag may kabute,may dwende..pag may punso,may nuno at kapag umuulan habang umaaraw, may kinakasal na tikbalang..(tenten tenen..tenten tenen). kayraming dapat iwasan pero hindi mo naman nakikita…kapag sumakit ang talampakan ko, baka daw may naapakan ako dwende..ang labo! ano gagawin ko lumutang sa ere? kapag may madaanan kang punso mag tabi-tabi ka..bakit kamo? para daw hindi ka mapagtripan dahil sa kawalang galang..dapat talaga ganito “tabi-tabi po nuno” kelangan may “po”. aysus! mga langgam lang naman ang makakarinig sayo.
katwiran ng mga nakakatanda..”theres no harm in trying” maniwala ka,wala naman mawawala sayo…baka nga gumaling ka pa..
transformers Hulyo 11, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments.15 comments
ooops! hindi ito yung pelikula..hindi ko pa rin napapanood yun kaya walang kinalaman itong post na ito sa mga robots…tungkol ito sa pagbabago physically and emotionally ng mga tao.
pansinin ang mga napili kong pictures.
before: cute little girl after: talented little boy
before: Lanky member of “The Hunks” after: A pregnant chunk of lard
before: sexy pinay actress after: dodong charing
before: Photogenic babe after: Photoshopped calendar babe
before: macho gwapito matinee idol after: zsa zsa zaturnah
eto ang pinale…evolution ni michael jackson
ilan lang sila sa mga real life transformers…
wala naman masama sa pagbabago..nasa satin na rin yun kung ano gusto natin gawin sa sarili natin, sa katawan natin lalo na kung ito ang makakapagpasaya satin…”mind your own business” ika nga…hindi naman tama na baguhin mo ang sarili mo dahil yun ang gusto ng ibang tao…you are the author and the driver of your own life…
++++++++++++++++++++++++++
panaginip.
naglalakad ako kasama ang kapatid ko nang mapansin kong nawawala na pala ang wallet ko at may slash na yung bulsa ko..(weird kasi nakapambahay shorts lang ako at hindi kasya ang wallet ko sa bulsa nun kung meron nga bulsa) bumalik ako sa mga dinaanan namin at nakita ko naman ang wallet ko..naroon pa rin ang pera ko pero nawawala na yung atm, sss id, tin id pati na rin ang 2 timezone cards ko..ang lupit! (akala ko talaga totoo buti na lang nagising ako..salamat sa mga naglalampungang pusa sa bubong namin)
nung makatulog ulit ako na-meet ko naman si ann curtis (di ko rin alam kung paano nangyari to) tuwang tuwa sya nakikipagkwentuhan sakin with matching pahampas hampas pa sa balikat ko…at sa huli bago kami maghiwalay ng landas eh binigay nya sakin yung celfon no. nya..potek! badtrip lang nakalimutan ko yung mga numero pagkagising ko (tatayaan ko pa naman sana sa lotto).
boys talk Hulyo 9, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments.13 comments
paunang salita: wag po sanang magalit sakin ang mga kababaihang makakabasa nito. Amen.
pag naalala ko mga biruan namin ng mga barkada ko…lalo na yung mga batikang tsikboy (di ako kasama run) tungkol sa tsiks laging nababanggit ang mga linyang ito.
“ang mga babae minamahal yan hindi sinasaktan“. -goodboy/playboy
“mga pards ang babae parang ulam yan halimbawa kare-kare..kahit anong sarap nyan kapag inaraw araw mo masusuya ka rin. ” -master palikero
“ang mga babae daw parang tsinelas..may indoor at may outdoor” -boy himas
“kapag ang palay na ang lumapit sa manok hindi mo pa ba tutukain?” -chicmagnet [sagot ni boy himas: pare depende sa klase ng palay]
“kapag ang palay naging bigas..may bumayo” – title ng isang pinoy film (wala lang naisingit ko lang..hehe!)
“masyado kasi malaki ang puso ko eh kaya kapag ibinigay ko sa isa baka ma-suffocate kaya dini-divide ko” -loverboy
kadalasan mauuwi sa tawanan, kantyawan, buyuan ang ganitong usapan. katuwaan lang di naman kelangan seryosohin…may kanya-kanya tayong pananaw sa buhay..payuhan mo man sila lahat..sila pa din ang may pakialam sa buhay nila…
sample yan ng boys talk…counterpart ng girls talk.
sa pagkakaintindi ko sa girls talk kaya hindi kami pwede makisali dahil…minsan tungkol sa katawang babae gaya ng masakit ang ganun,bakit ganito, normal ba yung ganyan..basta related sa katawan ng babae na wala kaming maisasagot. pwede ring tungkol sa crush o kinahuhumalingang guy na hindi pwede malaman ng lalaki lalo na kung ikaw yung involved or kakilala mo..kadalasan naman ay tungkol sa kikay stuffs na babae lang talaga ang makakaintindi..pwede rin naman nilang pag usapan ang tungkol sa sex/pagtatalik/pulot-gata na lalong hindi pwedeng sabihin sa lalaki dahil sa baka masabihan silang bastos,malandi,pokpok..pinapangalagaan lang ang image nila na mahinhin kuno (nasa loob ang kulo)…at syempre hindi mawawala ang tsismisan tungkol sa kinaiinisan nilang girl or group of girls.
to all the girls I loved before
who travelled in and out my door
Im glad they came along
I dedicate this song
to all the girls I loved before
pet lover Hulyo 3, 2007
Posted by gasti in muni-muni moments.3 comments
simula bata pa lang kami ng mga kapatid ko ay mahilig na kami mag alaga ng kung anu-ano…siguro kasabay ng matuto kami bumasa at sumulat ay natuto rin kami manghuli ng tutubi, maghanap ng panabong na gagamba, mag organize ng wrestling match ng mga salagubang at uwang w/ the help of bazooka bubble gum, mandakma ng tipaklong at mandadangkal, ultimo langgam eh inalagaan namin ng kapatid ko sa isang garapon…
pagkatapos namin mabinyagan (matuli) ay medyo nag mature na kami…syempre binata na! nagsimula na kami magkaroon ng aquarium na sa pagkakatanda ko eh may laman na japanese carp…noon yun syempre ngyon patay na lahat…walang tumagal na isda sa mga inalagaan namin..di pa kasi kami masyado bihasa sa pag aalaga ng isda…sumubok din kami mag alaga ng dagang kosta at hamsters na naparami namin…sobra! kada buwan ata eh may nanganganak..ang lupit pala makipagyarian ng daga..fast and furious (patalikod rin naman)…nakapagbenta pa nga kami sa mga kalapit bahay namin dahil sa sobrang dami na nila.. kaya lang dumating ang araw na sinalakay kami ng pesteng “gigantic daga” yung mga tipong singlaki ng pusa..kaya gabi-gabi eh may namamatay sa mga dagang kosta at hamster namin…wala kaming nagawa kahit pa pinatibay namin ang kulungan nila (may kasama pang dasal bago matulog)…wa epek! patay sila lahat…walang natira! yung iba siguro eh nakatakas..sayang lang pero hindi pa rin kami sumuko..nagsimula kami mag alaga ng love birds..dumayo pa kami sa aranque market para dun..mura kasi! sinubukan ko sya turuan magsalita pero iniputan nya lang ako…nabadtrip siguro kasi hindi naman talaga nagsasalita ang love bird eh pinipilit ko pa…kaya iba na lang tinuro ko sa kanya…kung papano nya yariin yung kalabtim nya! lumipas ang ilang buwan ng hindi nya pa rin nayari ang kalabtim nya…sadyang torpe ata talaga yung nabili naming ibon…namatay na lang na virgin pa yung babaeng ibon tapos sumunod agad yung lalaki..nagpakalunod ata sa inuman…
eto na naman kami ng kapatid ko..nag brainstorming..(ano na naman ang susunod na alagaan natin kuya?!)…dapat yung matibay..hindi lumilipad, hindi lumalangoy…hmm..balik sa petshop…bumili kami ng chameleon…matibay nga yung itsura nakakatakot naman hawakan…maselan pa sa pagkain..sabi nung pinagbilhan ko eh pakainin ng prutas at insekto kaya ayun ginawa ko…isang buwan lang ata ang tinagal namatay rin…para kasing hindi kumakain..ewan ko lang..yun ang teorya ko kaya sya namatay…ano pa kaya ang pwede maalagaan? hmmm…dumating ang kaarawan ng ate ko..debut nya..nakalimutan ko na kung ano iniregalo ko sa kanya pero ang kapatid ko may pinlano na pala..pag uwi nya galing school may dala syang pagong(soft- shelled turtle)..ate happy bday!
…singlaki lang ng lumang piso ang pagong na yun..nagkakahalaga ng 40 pesos..di pa kami nakuntento sa isa..inipon namin ang tira sa mga baon namin at bumili pa kami ng 2 green turtle..at isang local pagong(kulay brown)…napalaki namin sila lahat…pero yung soft shelled turtle eh nalagutan na rin ng hininga after 3 years..nalason siguro sa tubig na nakaligtaan namin linisin ng 2 linggo..(ikaw ba naman ang uminom ng sarili mong ihi at ebak malamang tepok ka rin)..sa ngyon naka-7 yrs na ata yung mga pagong na natitira…pero hindi pa dun natatapos ang aming pagiging pet lover…nung pyesta samin sumali kami sa “bunutan ng sisiw”…naswertihan naman na makapanalo kami ng sisiw na kulay green at baby bibe…kaya lang naapakan yun ng lasing kong tiyuhin..wasak! labas ang mga internal organs..naawa naman samin ang nanay ko kaya bumili sya ng pugo sa palengke…hindi itlog ha..yung mismong pugo..ginawan pa kami ng improvised kulungan…pero hindi rin nagtagal dedo rin sila…nakatungaga na naman kami ng kapatid ko sa may pintuan nang biglang may bumagsak galing sa himpapawid..paniki pala! dali-daling dinakma ng kapatid ko at isinilid sa bird cage…instant pet!
pinakain namin sya ng saging at iba pang gulay…ewan ko kung nag enjoy sya sa pag stay sa bahay namin kahit isang linggo lang ang tinagal nya..kung may natuwa man iyon ang nanay ko dahil ayaw nya alagaan namin yun…siguro dahil na rin sa likas na mahilig kami mag alaga ng isda ay bumili ulit kami ng maaalagaan..dati nga nung may palaisdaan pa sa tabing bahay namin eh nasisiyahan na kami mag alaga ng gurame,bulig,martiniko, hito pati talangka walang kawala…wala pa aquarium noon kaya sa isang garapon o palanggana lang namin sila inaalagaan…karamihan din sa inalagaan namin noon ay namatay..nasobrahan ata sa himas…pati fortune lobster eh walang fortune samin dahil hindi rin nagtatagal…
kahapon lang bumili pa ako ng “tangerine” isang uri ng cyclid…singlaki ng hinlalaki ko worth 60 pesos tapos bumili na rin ako ng pump…dalawa kasi aquarium namin yung isa walang laman kaya nilagyan ko..pero hindi naman nag iisa yung tangerine eh sinamahan ko sya ng mga 15 feeders(kataba)
nasita pa nga ako sa bahay eh kasi hindi naman daw ata feasible na bumili ako ng pump na 160 pesos para lang sa isang isda..pero syempre wala na sila magagawa nabili ko na eh…saka na lang ako bibili ng makakasama nya…kung nag aalaga rin kayo ng isda malamang pamilyar kayo sa rainbow shark,dragon fin,angel fish saka tiger barb aka zebra fish…yun ang mga alaga namin sa isa pang aquarium..sila yung survivor…yung iba kasi eh nagpatayan saka meron ding mga tumalon…
teka baka isipin nyo na ito lang mga alaga namin..syempre meron din kami aso at pusa..sarap kaya magkatuta diba? ang cute-cute…saka kuting..nice pussy..kung pwede lang mag bonsai ng aso at pusa eh ginawa ko na..yung 2 aso sa bahay ay binigay lang samin at isang pusa na bigla na lang pumasok sa bahay namin nung bagyong Milenyo at inampon na lang ng nanay ko..swerte daw sabi nya…pero ngyon eh sinusumpa na nya dahil malimit na magnakaw ng pagkain sa mesa at umihi sa kusina…
siguro kung totoong may pokemon nag alaga na rin kami nun…
