jump to navigation

swerte Hulyo 30, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

sa bansa nating puno ng kamalasan, meron din namang mangilan ngilan na matatawag na “swerte”…sa pera andyan ang Tan,Zobel de Ayala,Sy,Lopez,Gokongwei at marami pang iba…hindi pa kabilang dito ang mga pulitikong nakikinabang sa ating witholding tax (bwiseeet!).

kaya siguro nagsulputan rin ang mga negosyong “pampaswerte” dahil na rin sa karamihan ng tao ay gustong magkaron nito..naalala ko pa nga yung nanay ko dati nag alaga ng “fortune plant”..kadiri itsura ng halaman na to! parang mga buhay na gulaman..dadasalan mo pa ata saka ipamimigay yung ibang parte sa mga kaibigan mo…yung kapatid ko naman bumili ng “fortune lobster” pero hindi naman siguro dahil sa gusto nyang swertihin sa pamamagitan nun…gusto lang namin palakihin yun para makain.. kaya lang wala pang 6 months dedo na…meron ding mga nagbebenta ng lucky charms sa malls pati na rin yung sa feng shui..kadalasan ang nagbebenta ang syang sinuswerte. syempre sa kanila napupunta ang pera mo..at ikaw naman na nakasuot ng inaakala mong pampaswerte ay maho-holdap lang sa cubao. (swerte mo na kapag iniwan kang buhay)

wala rin naman kasiguruhan ang mga pampaswerteng yan…kailangan mo rin samahan ng sipag at tyaga..gaya ng maraming pinoy na nagsisipag at nagtatyagang pumila para makataya sa LOTTO…

pero minsan higit sa kayamanan meron ding matatawag na swerte sa hitsura…cute,pogi,gwapo,maganda,sexy macho…sabi nga nila..nasa dugo lang yan..kung ano ang puno ay sya ring bunga..(hindi applicable sa fil-foreign combination dahil meron talaga pangit na couples pero maganda ang kinalabasan)…kadalasan eh nagiging models o artista…sumisikat,yumayaman na ang puhunan ay mukha at katawan lang…haaay ikaw na ang maging isang Piolo Pascual..kung ako man lumugar sa kanya malamang hirap din ako magkasyota dahil sa daming aplikante..langyang buhay yan! kahit hindi kagalingang kumanta eh grabe ang tilian ng mga babae,baklang litaw at baklang tago pati mga matrona nagsilabasan na…at ito namang si Oyo Boy na hindi naman gwapo at ang tanging pagkakakilanlan lang ay anak sya ng aking idolo na si Vic Sotto eh puro magaganda ang nabibingwit na chikas…nuknukan ng swerte ang walanghiya! siguro may agimat tong mokong na to…

at syempre maswerte ang nagbabasa ng post na ito.. hindi man kayo kasingswerte ng mga taong nabanggit ko at least hindi kayo malas…may kakilala ba kayong pulubing nagba-blog?

isang kiss naman dyan pampaswerte :D

About these ads

Mga Puna»

1. EDS - Hulyo 30, 2007

Ako swerte kse kahit contact lens na lang gamit ko para makakita nakakapagbasa pa rin ako ng nakakatuwang posts tulad ng syo…Sabi syo tambay na ako dito eh…

2. Jhed - Hulyo 30, 2007

Swerte. Naku, kailangan ko yata ng maraming ganyan. Saan pwedeng makabili nun?

3. † alleicarg † - Hulyo 31, 2007

waa

hehe!!

4. alia - Hulyo 31, 2007

i tagged you!

5. kc - Hulyo 31, 2007

nakakaaliw talaga ang mga posts mo gasti. haha. napaisip tuloy ako..swerte nga ako kasi nakauwi ako sa bahay ng buo ang katawan. ayun lang..harhar*tamad pa rin mag-log in*

6. Poli - Agosto 1, 2007

Haha! Ako hindi ako mahilig sa mga pampaswerte pero yung nanay ko ubod ng hilig.

Bumibili siya ng kung anu-anong crystals, pusa na tumataas-baba ang kamay at yung palaka na may mga coins sa bunganga! Hehe!

7. vin - Hulyo 11, 2008

sabi ng matatanda pag mag eexam maglagay daw ng barya sa loob ng sapatos… ginawa ko yun..pero may mga bagsak pa din ako… =(

pero swerte din… kasi ung classmate ko dati, tinamaan ng kidlat sa paa dahil sa barya..

pero syempre hindi totoo un.

ang gusto ko lang naman talaga sabihin e idol ko din si vic sotto…

at oO binabasa ko lahat ng mga entries mo… kasi binabayaran ako sa opisina para magbasa ng mga blogs. haha!

gasti: haha! grabe after almost 1 year may bagong nadagdag na comment rito..ayos ah talagang binalikan mo pa yung lumang entries ko…ingat ka dyan baka mahuli ka ng boss mo.

8. quea - Agosto 8, 2008

kahit alam ko na natural born lucky me and my baby sa business marami parin akong pampaswerte nasa paniniwala talaga yan.

9. joy - Setyembre 15, 2008

i think im not swerte lagi kasi akong minamalas s luv lfe he3………kailangan ko talaga c swerte cnu kaya sya sana makilala ko sya pra swerte din ako!!!!!!!!!

hehehehehe……….

gasti: parating na siguro yung swerte na inaantay mo baka natrapik lang.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers

%d bloggers like this: