jump to navigation

magic kahihiyan Agosto 28, 2007

Posted by gasti in kahihiyan.
12 comments

kapag may bertdeyan, may inuman at kantahan.
linggo ng hapon.
“…hapi bertdey to you” sabay ihip ng number 5 candle ng anak ni bayaw…ayos tsibugan na!. pagkatapos kumain ng mga tsikiting na bisita..pinaalis na namin sila at naglatag ng maliit na mesa na naglalaman ng pulutan (inihaw na tilapya, pritong balat ng manok,pansit bihon, at lechon kawali)..yum yum! syempre hindi mawawala ang bote ng san mig beer at pitsel na naglalaman ng sandamukal na yelo at colt 45..ngyong araw din na ito mabibinyagan ang bagong biling magic sing nila. *ehem ehem! mukhang mapapalaban na naman ako neto.

ayoko talagang kumanta kasi nandon din ang nanay at tatay ko…at isa pa busy ako sa pandaraya ko bilang tanggero. “Oh tagay mo na yan pre! antagal naman nyan..”, “di baleng magtagal ang kamay sa suso, wag lang sa baso”. *sabay bulong kay bayaw.(pre mukhang di na ata kaya..pulang pula na ang loko..susuka na naman to mamaya. hehe!).

“Oy kumanta ka naman..wag na mahiya..tayo tayo lang naman magkakarinigan dito eh”. buyo ng tatay ko. “mamaya na po tay! hindi pako lasing”. (ganyan lagi palusot ko kapag di ko trip kumanta). pinagpatuloy ko lang ang pag inom hanggang sa dumating ang oras na ako na lang ang hindi kumakanta..”Ano ba yan?! kanina ka pa naghahanap ng kanta dyan sa song book wala ka pa ring mapili.” Opo eto na nga eh nakapili na ko ng dalawa.

isinalang agad nila yung napili ko para wala daw ako kawala…aysus!
pagkatapos ko sentensyahan ang kantang “you decorated my life” akala ko ay lusot na ako..nang biglang lumabas ang score…”28″ arekup! partida na duet pa kami nun. wala ng mas sasama pa sa score ko.. kaylupit naman ng hinayupak na magic sing na ito.. (parang gusto ko ibato yung mic pagkakita ko ng score sabay uwi sa bahay namin. ) ang ipinagtataka ko lang eh bakit matataas ang score na nakukuha ng ibang kumakanta samantalang wala naman sila sa tono. ang matindi pa nung time na pumiyok ang erpat ko eh binigyan sya ng score na “93″.the highest score nung gabing yun. wow! hanep! pano ngyari yun?

sinubukan ko ulit kumanta (eto na sana ang pambawi)..at ang ikalawang kantang sinentensyahan ko naman ay ang makabagbag damdaming “just the way you are”…maayos naman ang lahat at wala namang bumato sakin ng baso o sumigaw ng “umuwi ka na lang!” habang kumakanta.. ok na sana ang lahat maliban sa score kong “21″…(ilayo nyo na sakin yang letseng mic na yan at baka maibato ko na talaga..). yun na ang huli kong kinanta..ayoko ng dagdagan pa ang kahihiyan ko.
———-

lunes ng hapon. (sa bahay namin)
kantahan na naman…hiniram kasi ni bebi yung magic sing (nabitin sa pagkanta nung sunday dahil puro barakong lasing ang nagsipagkantahan). sa isip-isip ko naman…baka dito sa bahay mas mataas na ang score ko.
bago pa man simulan ang kantahan in-adjust muna namin ang level ng pag-score..ayos! 3 levels lang pala yun at nasa 2nd level na yung scoring. kaya naman pala karamihan ng score na lumabas nung gabi eh puro mabababa…*amature singer level activated.

walang inuman dito sa bahay kaya sa tingin ko eh konti lang ang confidence level ko kumanta (50% minus 30% confidence level(dahil sa kahihiyan kagabi) = 20% garalgal at mahinang boses)..pagkatapos ko paglamayan ang kantang “you decorated my life” part 2. binigyan ako ni magic sing ng score na “76″..ayos nag improve na! madami-dami rin akong nakanta pero sumatutal eh puro palakol lang naman ang score ko kaya tinigilan ko na.

self assessment:
mahina ang boses
kulang sa tyempo
laging bitin ang pagbirit

“alamo mas maganda boses mo kapag walang mic” -bebi.
palagay ko nga rin.

a love story Agosto 22, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
12 comments

mahirap version.

suitor: Pasensya ka na ito lang nakayanan ko eh! (sabay abot ng pansit bihon na nasa plastic na supot) mahirap lang ako..alam mo yan..pero ipinapangako ko sayo na mamahalin kita ng tapat at higit pa sa buhay ko..magsusumikap ako para mabigyan ka ng maginhawang pamumuhay..bubusugin kita ng aking nag uumapaw na pagmamahal, ipagsisibak kita ng kahoy,didiligan ko ang iyong hardin,ipagluluto kita,ipaglalaba, pati pamamalantsa ay ako na rin ang gagawa…pagsisilbihan kita habang ako ay nabubuhay..handa akong maghintay kahit abutin pa ng taon..mahalin mo lang ako.

mayaman version.

suitor: Pasensya na yan lang ang nakayanan ko eh! (sabay abot ng susi ng isang mamahaling kotse)…mayaman ako, gwapo, macho, matalino,simpatiko..kelangan pa bang i-memorize yan?..alam mo namang lapitin ako ng babae kaya wag ka sanang magseselos kung sakaling makita mo kong may kasamang iba..pero ipinapangako ko sayo na ikaw ang No. 1 sa puso ko at magbubuhay reyna ka sa piling ko.. bubusugin kita ng mga pagkaing hindi mo pa natitikman, magsasawa ka sa mga pagkain sa 10 restaurant na pag aari ko, hindi ka na muling magugutom pa…hindi mo na rin kelangan maglaba,magplantsa,magluto,maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay dahil meron na akong 15 katulong sa aking mansyon..sabihin mo lang kung kulang pa at dadagdagan ko..ako lamang ang tanging pagsisilbihan mo…wala ng iba pa. siguraduhin mo na lagi kang maganda, sexy at bagong ligo kapag uuwi ako..wag ka mag alala bibigyan kita ng pera para ma-maintain yang kutis mo…pwede ka magpa-schedule ng appointment kay Belo o sa Calayan couples..sabihin mo lang ang pangalan ko at bibigyan ka pa nila ng VIP treatment..ako ang most sought after bachelor sa bansa ngyon..good catch nga daw sabi ng nakararami! I’m the complete package! bibigyan kita hanggang bukas para makapag decide..see yah!

kapag lalaki ka at salat sa salapi, suntok sa buwan kung manliligaw ka ng mayamang chiching..malamang eh basted ka kaya hindi mo na lang itutuloy ang plano mo.

kapag babae ka naman at salat rin sa salapi, mas nanaisin mo ng sumama sa isang mayaman na manliligaw..kahit nga minsan (or kadalasan) eh panget o kaya oldies na ay may chance pa rin.

bibihira naman talaga yung mga love story na happy ending…yung tipong everybody’s happy..malabo yan! lalo na kapag iisang babae lang ang nililigawan nyo…parang sugal kasi yan..may nananalo, may natatalo. ang importante lang eh hindi ka maubusan ng pangtaya.

eh ano namn ngyon kung madaming beses ka na nabasted? sa oras na makadagit ka ng isang magandang chiching, titingalain at iidolohin ka pa rin ng mga kalalakihan at makakalimutan mo na ang iyong pagkasawi sa ibang babae.

kung ikaw naman ay kilalang tsikboy at madami ng dumaang tsiks sa pototoy mo ay hindi ka pa rin dapat magsaya dahil balang araw makakatagpo ka ng katapat mo na magpapayuko at mag aalis ng kayabangan mo sa katawan.

kung iisipin mo nga naman..hindi naman lahat ng palagiang nababasted ay panget at hindi rin lahat ng tsikboy ay gwapo.

kantahan naman. Agosto 16, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
9 comments

sadyang adik ang mga pinoy sa pagkanta kaya nga malakas ang benta ng magic sing ngyon kahit pa mahal ang benta nito..dumarami na rin ang KTV rooms sa mga beerhouse at kahit mga karinderya ay naglalagay na rin ng videoke machines para mas makaakit ng customer..

 

napapakanta ka kapag masaya ka, kapag malungkot ka o kaya kapag hindi mo mapalabas ang tigasing ebak sa pwet mo..ako minsan lang ako kumanta..minsan nga sa isip lang..nagbabasa ng lyrics at kakantahin sa utak..haayy ang swabe naman pala ng boses ko..minsan kumakanta rin ako sa banyo..”pag mulat ng mata..diretso sa kubeta..magbatibot..magbatibot..”

 

malakas ang loob ko kumanta kapag nakainom ng alak…mas maganda nga raw boses ko kapag nakainom eh (siguro lasing na rin yung mga listeners)…pag sa bahay namin eh hindi ako kumakanta ng naka-mic..di ko lang talaga trip kapag may mga kamag anak na listeners…uulanin ako ng komento tyak yun! lalo na ngyon nahuhulaan ko na ang sasabihin nila..”oh ngyon lang kita narinig kumanta ah..may hidden talent ka pala..mabuti pang itago mo na lang yan”. isa pa naman ako sa malakas mang asar sa mga kumakanta ng sintunado ang boses lalo na sa mga trying hard na bumirit tapos pipiyok.. saka yung mga total performer pag kumanta w/ matching hand gestures and facial expression na para bang nasa singing contest ka pero kumakanta ka lang sa worlds of fun.. “Charing nailad ko sa buing..Charing kasakit sa kasingkasing..Charing nailad ko sa buing..Charing nihalok pa sa akong aping…Si dodong charing”.

may boses palaka, ipis,alulong ng aso, manok,parang nire-reyp,basag na bote,basag ang pula,o kaya naman eh boses na parang umuutot lang….kahit ano pang boses ang meron ka…kakanta at kakanta ka pa rin..kahit walang bayad dahil gusto mo…dahil adik ka..at dahil na rin gusto mo lang ilabas kung ano man ang meron ka sa loob..gets?! haay! kapag ganitong umuulan parang mas masarap kumanta..

 

madilim..malamig..walang pasok..kapiling mo ang iyong iniirog..walang ibang tao sa bahay..dumiretso kayo sa kwarto…lumuhod sya sa harapan mo..at nagsimula ng kumanta.
*I like to move it move it..I like to move it move it..I like to move it move it..You like to..move it!

tara suntukan tayo! Agosto 13, 2007

Posted by gasti in balitang isports.
13 comments

Mabuhay Philippines…ipagbunyi ang lahing Pinoy (World Cup of Boxing 5-1).
exciting talaga manood ng boxing..astig ang mga laban 2 decision fight at yung 4 na huli eh puro knockout na..
proud to be pinoy talaga! sorry mexicans..it’s now our turn to rule the world of boxing.

domingo: sino ka ba talaga? Roman o Juarez? gulo mo!
Roman: mukhang malaki ang kargada mo pre! pahipo naman

Beranza: viva mexico! kili-kili power!
Gabi: Etong sayo hinayupak ka! immune nako sa mga putok..

Banal: Panis! hanggang dyan ka lang pala..iyakin! bhelat!
Cardenas: waaah isusumbong kita sa nanay ko!

Gorres: Oooops onting ilag baka ma-headbutt mo na naman ako.
Ortiz: Tado ka! ikaw nang uulo sakin eh..gamot sa bukol meron ka?
Ref: Haay kaygwapo naman pala ni Gorres up-close..nice legs din.

Peñalosa: Tenk Yu Lord! maniniwala na ako ngyon sa himala

Bautista: Ref thekka lannng..hinnddi phaako lasheeeeng..khaya koo phaaaa…zzzz…

parang gusto ko iganti si boom boom sa pagkakatalo nya (pero parang hindi rin)…hindi kasi pang superbantamweight ang timbang ko..hehe! saka mukhang kurimaw yung Ponce..halimaw talaga! kahit si Pacquiao may tulog dun.

sana dumami pa ang mga magigiting nating boksingero..kelangan natin mag recruit ng mga basag ulo sa Tondo saka ng mga halang ang kaluluwa na pariwara na ang buhay…o kaya kargador sa palengke o construction worker…at least dito sa boxing patas ang laban..pareho ng timbang at hindi masyado nagkakalayo ang height…di gaya ng basketball na pinaglalaruan lang tayo ng mga higante.

nga pala naalala ko ang isang linyang binitiwan ni Korina Sanchez nung nakikipag usap sya sa dalawang sports analyst..”Ano yung southpaw?!” haha! obvious naman kasing walang alam sa boxing eh pilit pa ring kinukuha ng ch. 2 na mag host..nagmukha tuloy syang mangmang at syunga-syunga.

basta driver, sweet lover Agosto 7, 2007

Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments, self review.
15 comments

ito na ang kalimitang nakikita ko simula nung nasa elementarya pa lang ako at sumasakay na ng trycycle o jeepney sa pagpasok 1.50 petot lang ata pamasahe sa jeep nun..di ko maintindihan kung bakit nila nasabing sweet sila eh karamihan naman ng driver eh walang modo at masyado hapet sa pasahero..pano naging sweet yun? sa sobrang dami ko na experiences sa pagsakay sa jeep na may barumbadong driver eh kulang ang otso oras ko dito sa opisina para ikwento pa lahat yun..

isang insidente na hindi ko makalimutan eh noong nasa elementarya pa lang ako mga grade 4 ata (hindi pa ko tuli) eh sumakay ako sa jeep na magara naman ang itsura hindi katulad ng jeep na sarao na may kabayong kinakalawang..mabilis naman ang takbo nito at may “cool sounds” tapos biglang may sumakay na magandang chiching na tantya ko eh college student na noon..hindi pa man din sya nakakaupo eh biglang pinaharurot na ng gagong driver ang jeep..sakto biglang kandong sakin nung chiching kasi ako nasa tapat nya (kesa naman dumausdos sya papunta sa harap eh mas pinili na lang siguro nya kumandong sakin).. hindi naman siguro gusto nya lang makalibre sa pamasahe kaya nya nagawa yun..pero na-outbalance kasi sya dahil naka skirt na hapit lang sya at naka heels pa…alam kong naka heels kasi natapakan nya rin yung kaawa-awang kong paa…naka tsinelas lang kasi ako nung oras na yun.. hindi naman nagtagal ang pagkakakalong nya sakin..after 2 minutes lumipat na sya sa tabi ko at nag-sorry..syempre sabi ko ok lang (next time ulit! :D ). pagtingin ko sa kundoktor eh ngingiti ngiti lang sakin na para bang nakakaloko ang itsura…ganyan ba ang sweet driver? kalokohan!

pagsapit ko ng college, naadik ako sumakay sa mga mabibilis na jeep (gawa sa morales motors)..dahil sa lagi ako late sa pagpasok ito lagi ang sinasakyan ko..”patok” na jeep ang tawag sa kanila..harurot kung harurot talaga..gumegewang pa at hayok sa pag overtake ng ibang sasakyan..ito rin ang kinahuhumalingang sakyan ng mga chikas dun sa school namin…pag uwian grupo grupong mag aabang ng mga patok ang mga estudyante..pati mga umuuwing construction worker eh kasama na rin…
mabilis na byahe + cool sounds + chikas = byaheng walang katulad.
dito ko narealize na sweet nga ang mga driver..isama mo na rin ang mga kundoktor dahil lagi silang nagsasakay ng mgandang chikas sa harapan ng jeep…bola kung bola talaga…kadalasan eh nagiging syota pa nila..syempre hatid sundo.
(ingat ka ha! bukas ulit..same time, same jeepney!)

di ko rin alam kung bakit driver ang na-asawa ng tita ko…dati rati eh masaya naman sila pero dumating ang time na sobrang dalang na lang umuwi sa bahay nila..ultimo pasko at bagong taon ay hindi man lang nagpapakita. laging excuse eh nasa out of town (family driver kasi)…pero isang beses nakita ko mismo ang tito ko..may kalong na batang lalaki at may kasamang ibang babae…nung kinwento ko yun sa nanay ko hindi na sya nagulat…alam na pala nilang may “kabit” ang tito ko..pati yung tita ko alam na rin nya…sa ngyon sa pagkakaalam ko, 3 na panganay nung driver na yun..(sweet lover nga eh noh!).. nangako na syang magbabago..dahil wala na syang trabaho ngyon..isa na syang house husband.

pasintabi sa ibang driver na makakabasa nito..hindi ko naman sinabing pare-pareho kayong luku-luko..yun nga lang karamihan eh bastos,walang modo, tarantado, gago! sige magtaas kayo ng singil sa pamasahe..gawin nyo ng sampung piso sarado ang minimum fare! tutal eh hindi naman kayo marunong magsukli ng tama!

cleaning time Agosto 6, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
11 comments

makalipas ang mahigit isang dekada naisipan ko na magpalinis ng ngipin (para maiba naman). biglaan pa. kasi napasama lang ako sa pinsan ko na magpapabunot ng ngipin…dahil sa wala naman talaga sira ang ngipin ko at naisip kong gastos na naman ito eh! atras abante ako..bukod kasi sa plano kong maglinis ng aquarium at maglaro ng ps2 maghapon ay wala na akong ibang naisip gawin..pero sige na nga sandali lang naman siguro..para malaman ko na rin kung meron mga butas ngipin ko at makapagpapasta na rin..

mas alam ng pinsan ko yung lugar dahil nakapagpabunot na yung kapatid nya dati doon kaya pinaubaya ko na sa kanya ang aming paglalakbay..(hindi ko lang din kasi naintindihan yung instructions ng nanay ko)..buti naman at nakarating rin kami kaagad mga 2:30pm..kami ang first customers! yey!(dapat ba talaga masaya? bakit parang kinabahan ako.)

nang umupo na ko sa aking trono biglang nagtilian ang mga kababaihan..grabe ang hiyawan nila na para bang mapapatid ang mga litid nila sa pagsigaw…kung para sakin lang ang mga tiliang iyon ay masaya na sana ako.. pero hindi eh! para kanila Sam Milby at Piolo Pascual yun! habang kumakanta sila sa Wowowee..mga pinagpalang lawit talaga..habang enjoy na enjoy silang pinaghahalikan at pinagyayakap ng mga chikababes ay heto naman ako at nakanganga at nag aantay ng tooth fairy.

may pagka-Madam Auring din pala yung dentistang napuntahan namin kasi nahulaan nya na matagal na ako hindi nakapagpalinis ng ngipin unang kita nya pa lang…(partida na kaka-toothbrush ko lang :D ). kaya ayun medyo napagsabihan ako ng tamang stroke ng pagsisipilyo at iba pang beauty tips para maalagaan ko ang ngipin ko.
(linis-mumog-kalkal-mumog-kudkod-kayod-mumog ulit…) madugong paglilinis ang ngyari dahil sa tuwing mumog ko ay may kasamang dugo..pero normal naman daw yun..sa wakas nakaraos rin! pagtingin ko sa pinsan ko masaya pa rin sya..enjoy na enjoy syang laruin ang umuugang ngipin nya sa harapan na para bang isang pitik ko na lang ay matatanggal na…

“Nakakatakot magpabunot..masakit yan! ingats!” yan ang mga sinabi ko sa kanya bago sya maupo sa trono…matapang na bata..nakukuha pang ngumiti habang binubunutan..ibang klase!

eto na ang pinakamalungkot na part…ang bayaran.. 300 pesos sa pagpapalinis (sa pagkain sana..nabusog pa ako). pagka-check nya sa mga files nya napansin nyang wala pa pala ako ni-isang record ng pagdalaw sa clinic nya. (ako lang ang wala sa pamilya namin)..

sige sa susunod magpapalinis ulit ako kahit ako na lang mag isa..at least alam ko na kung san yung clinic at hindi ko na rin kasama yung 6 yrs old kong pinsan.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 74 other followers