jump to navigation

putukan na! Disyembre 28, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
18 comments

presenting…my year end blog report.

last working day na namin for this year. 4 days na naman ang bakasyon at next year na ulit ako makakapagblog kaya halina at samahan nyo akong sariwain ang nakaraan. ready ka na ba? ipuputok ko na ha! :)

kung papansinin mo ang mga entries ko this year, marami na ang nawawalang posts..mga ilang buwan na nabakante dahil sa paglilipat ng blog from blogger acct. to wordpress…mga entries na sinadya kong burahin para makaiwas sa anumang sakuna na maaaring idulot nito. kahit anong ingat ang ginawa ko..kahit ano pang palusot ang pinakawalan ko in the end sumingaw pa rin. buking. maraming nagtatanong sakin dati kung bakit daw ako nagtatago..ano nga ba ang sikreto ko? simple lang. ayoko ng moderator.

malaki na ko.(kung ayaw mo maniwala ipapakita ko pa sayo) may tamang isip kahit minsan ay bumabaluktot. blog ko to. mahirap magsulat kung lagi mo na lang iisipin ang reaksyon ng mambabasa mo at lalo na ng kumander mo. marami akong gustong isulat pero kapag naalala kong may magagalit at outside de-kulambo/talk-to-the-hand ang eksena pag uwi ko sa bahay, di ko na lang tinutuloy. hindi lahat ng tao ay open-minded.

kung meron man ako pinaka-memorable post na nagawa this year..yun ay ang “buking!”…wala na sya sa archive ngyon at marahil ang ilan sa inyo ay nabasa pa yun bago ko burahin..inulan ako ng hate comments dyan..hehe! isasama ko na rin ang post ko tungkol sa kasinungalingan (liars go to heaven) at ang mga usapang barako na naglalaman ng mga pamatay na quotes. lahat naman ng isinusulat natin ay nagiging memorable dahil ganun naman talaga ang purpose ng pagsusulat..para mabalikan mo ang nakaraan. maalala ang mga kalokohang pinaggagawa mo noon..hindi mo na maitatama ang maling nagawa na pero maiiwasan mo ng gawin ulit yun.

patapos na ang taon. goodbye 2007. di natin alam kung ano mangyayari..ayokong manghula..ayokong magsalita ng tapos…walang kasiguraduhan ang pagba-blog ko lalo na kung makahanap ako ng ibang trabaho na maraming restrictions sa susunod na taon. kahit ano pa ang mangyari hahayaan ko na lang na bukas itong blog na ito sa publiko. pugante days are over.

happy new year to all! putukan na! putukan na! sa labas lang ha wag sa loob magpaputok..matagal pa fathers day.

signing off. gasti

tapos na? Disyembre 27, 2007

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
12 comments

tapos na ang countdown ng christmas. nagsiuwi na ang mga bisita..ang mga inaanak ay naabutan na ng mga regalo…nabuksan ko na rin ang mga regalong ibinigay sakin…andito nako opisina at nagba-blog/work. tapos na nga.

uu ngyon lang ako pumasok ulit dahil nagkasakit ako. pa-birthday na sakin yun. ang ubo at sipon na nung 24 pa sumapi sa katawan ko..liliwanagin ko lang, hindi naman ako nakaratay sa higaan buong araw. hindi ko matitiis na hindi makigulo sa mga tao lalo na kapag b-day ko..bakit ba kasi ako dinapuan ng sakit? ano ba naman yung magpintura ka ng bakod at gate simula alas dose ng tanghali hanggang alas sais ng hapon habang tumutulo ang sipon mong malabnaw…andami ko ngang fans na taimtim na nanonood sakin habang nagpipintura eh..nakakita ka na ba ng nagpipintura na may hawak na brush sa kanang kamay at panyong gusgusin sa kaliwang kamay? ako lang yun…pahid dito..singhot dyan. hanggang sa makatapos ako ng first coating..lols.

andaming bisita..lahat halos ng kamag anak ko eh pumunta sa bahay namin…mabuti na lamang at marami ring pagkain na nakahanda kaya nabusog naman sila lahat. umuwi silang lahat na may ngiti sa kanilang mga labi at may take-home na pagkain. at sa ngyon nga tapos na ang pasko pero ang kinakain namin eh amoy pasko pa rin…hindi maubos ubos ang laman ng ref..nagcheck ako kahapon kung nadagdagan ba ang timbang ko at ayun nga…6 pounds heavier! pero payat pa rin tingnan. malakas lang loob ko maghubad dahil alam kong wala namang papansin kundi mga aso ng kapitbahay na sabik sa katawan kong tigasin. mabuti na lamang at hindi malaki ang tyan ko kundi lalo ng masagwa tingnan.

maliban sa gundam robot na regalong natanggap ko mula sa akin. bumili lang ako ng isang t-shirt. (na hindi ko naman naisuot nung pasko dahil hindi ko mahagilap). nakatanggap rin ako ng isang short galing kay ermats,2 t-shirt galing kay kumander, isang t-shirt galing kay hipag, isang asong pigurin galing kay ate, at isang sando na may nakasulat na “Im going to the gym.” (w/ maskuladong lalaki pic). pero ang pinakamasayang regalo na nakuha ko this year ay pagiging buo ng pamilya ko…sa dinami daming problemang dumating sa buhay namin (kasama na yung pagkabuking ng blog ko) in the end kami pa rin…masayang pagmasdan ang aking 2 years old na anak habang hinihipang maigi ang number 25 na kandila sa ibabaw ng cake.priceless.

namamasko po! Disyembre 21, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
22 comments

♫we wish you a merry chris… “patawad!”

♫kay sigla ng gabi ang lahat ay kay… “patawad!”

♫sa may bahay ang aming bati…merry chr… “patawad!”

♪ilabas mo na ang inyong tambol..ang torotot mong itina… “patawad!”

ganyan lagi ang eksena sa bahay namin tuwing gabi simula ng kami ay lumipat sa San Mateo. madaming batang yagit..para silang mga gremlins na nagkalat sa gabi. hindi maubos-ubos…hindi bababa sa 10 groups with a minimum of 3 members ang bigla na lang susugod sa bahay para magkaroling.

hindi naman sa galit ako pero naman…sa sobrang dami eh nakakatulele na..ubos na rin ang barya namin sa bahay..pati ang anak ko eh napa-praning na dahil sa tuwing may kakanta sa tapat namin ay babanat sya ng “bili bili”..kelangan ko pa ipaliwanag na hindi kami nagtitinda ng kung ano at wala rin kami bibilhin sa mga paslit na yun. akala nya kasi ay may bilihang nagaganap na sa tuwing kakanta sila ay mag aabot kami ng pera. “anak wala sa lahi natin ang bumibili ng aliw tandaan mo yan”.

kagabi, eksaktong pagkapasok ko ng gate ay may nagsisuguran agad sa bahay at biglang kumanta..”mga kids balik na lang kayo sa pasko ha!”..sabi ko. “kuya kahit piso lang po pambili ng ice-tubig nauuhaw na po kasi kami.” hirit nung isa. natural nahabag naman ako dahil nakakapagod naman talaga yung ginagawa nila. kukuha na sana ako ng malamig na tubig galing sa ref pero pinilit nilang piso na lang daw..pagkabunot ko naman ng piso sa bulsa eh bigla na namang humirit yung isa..”kuya dos na lang po!”..ayos! ambilis pumatak ng metro. binigyan ko na lang para tumigil na.

♫tenk yu..tenk yu! ang babait ninyo tenk yu!♪ ..ang kinanta nila bilang sukli sa pagbibigay ng kaunting barya. (akala ko nga eh babanatan na ko ng “ang babarat ninyo”). umalis na rin sila at nagpatuloy sa pagkanta sa ibang bahay.buti naman.

naalala ko tuloy yung sarili ko nung mga bata pa kami kasama kapatid at pinsan ko na nangangaroling sa ibang bahay..para sureball, puro mga bahay ng kamag anak namin ang pinupuntahan namin. no sweat! maning mani lang ang pagkanta. instant pera or chocolates na agad.

4 days na lang pasko na…kasabay ng pagtanda ko. wala na namang pasok sa work kaya pahinga rin ako sa blogging..kaya eto na lang ang gagawin kong christmas post! sana ay maging masaya kayo kung saan man kayo naroroon mga blogging friends…hindi na rin ako manghihingi ng regalo mula sa inyo dahil pare-pareho naman tayong madaming gastusin :D pag nakasalubong nyo ako at namukhaan (kahit imposible) ako pa manlilibre sa inyo! hehe! Merry Christmas sa inyong lahat! ;)

fact: Im going to be 25 at 25. (pwede nyo tayaan sa huweteng..pompyang! pag nanalo kayo balato na lang ha!)

dukot Disyembre 19, 2007

Posted by gasti in kamalasan, kwentong pasahero, to whom it may concern.
11 comments

adjustment period. andito kami ngyon ni kumander. alam naman nating lahat na hindi madali ang magsarili..walang ibang tutulong sa inyo kundi kayo rin..uu mabait naman ang mga kapitbahay pero iba pa rin kapag kadugo mo ang mga nakapaligid sa inyo.

so far, so good. di pa naman ako nale-late ng 2 hours. as early as 4am ay gising na kami para magluto,maghanda ng baon para sa lunch at maghanda sa pagpasok sa opisina..aalis ng bahay ng madilim pa..sasakay ng traysikol at babagtasin ang lubak lubak na kalsada at sasaluhin ang mga alikabok para instant face powder (taena! pag walang ulan yan..pag meron paniguradong putik naman). sasakay naman ng jeep papuntang sakayan ng shuttle na medyo may kahabaan ang byahe dahil maya’t maya ay humihinto ang driver para magsakay ng mga pasahero..one time tinamaan pa ko sa mukha ng bayong na bitbit ng isang lola. kiber din sya. mabuti na lamang at wala pang laman na kung anu-anong maantot dahil papunta pa lang sya sa palengke. pagdating naman sa shuttle service, kumportable na kasi may aircon kaya pwede na umidlip.

alam ko ng madami snatcher, holdaper, at kung ano-ano pang masasamang loob na nagkalat sa pilipinas. nabiktima na rin ako noon pero wala naman silang nakukuha sakin kaya umuuwi silang bigo. pero ngyon meron na. hindi pera ang nawala sakin at lalong hindi puri! taena! magkamatayan na pero walang ibang pwedeng makagalaw dito sa mga pag aari at ari ko. not w/o my consent and written permission..gasti’s guidance is advised.

lunes, umuwi muna ako sa Marikina para isauli ang pantalon ng kapatid ko na naisama ni kumander sa mga naimpake pati na rin ang Godfather 1 and 2 vcd na hiniram nya kay utol. nakikain na rin ako sa barbeque na minemeryenda nila ermats at erpats..bago ako umalis, pinabaunan pa ako ng twalya, pantalon,chocolates na gawa ni Mama, isang elephant stuff toy at isang 2-speed collectible red ferrari car (Superamerica) from Shell na laruan ng aking anak..pagkasara ko ng bag ay nagpaalam na ko..taimtim ako nag abang ng masasakyang jeep or fx sa kalsada..mga kalahating oras na ang nakalilipas hindi pa rin ako makasakay..taenang jeep yan puro puno! hinanda ko na ang matitipuno kong bisig (kahit man lang dito maging matipuno ang bisig ko) para bumalik sa dating kinagawian…ang pagsabit sa mga patok. pagkaraan ng isang jeep na mailaw at may sungay ng kalabaw sa tuktok eh sinenyasan ko na agad..sa gilid ako pumwesto just like college days..dama ko ang hampas ng hanging habagat na tumatama sa mukha ko..maya maya pa umindayog na ang jeep..malakas ang pagkembot nito na parang isang ramp model na rumarampa sa highway..gusto ko makita ang itsura ng driver baka kako kamukha ni romy diaz na namumula ang mata..kung magkaganun bababa na ako…pagdating sa isang kanto may sumabit pang dalawa kaya ipinasok ko na rin ang katawan ko sa loob kahit na nagsisiksikan na kami dahil 5 na kami nakasabit..malakas pa ako uu pero ayoko naman magkapalit ang mga mukha namin.

mabilis ang byahe..singbilis ng pagbukas ng zipper…ng bag ko. naramdaman ko na lang na parang may kumakalikot na sa loob ng bag ko na nakasukbit sa may likuran. pero nagdalawang isip pa rin ako..siksikan na kasi normal na yung ganung pakiramdam. nang pumreno ang jeep dahil sa stoplight, saka ko lang naiayos ang bag ko. napansin ko ring bumaba na yung ibang nakasabit at taena talaga! totoo na nga..bukas na bukas na yung 3 zipper ng bag ko…ambilis talaga ng mga kumag..take note nakapagmaniobra sya sa loob ng bag ko habang nakasabit sa jeep na matulin at makembot at walang steel bar para kapitan…hanep! pero hindi paghanga ang naramdaman ko kundi galit..yung tarantadong yun napaginteresan pa pati yung ferrari car ng anak ko. badtrip talaga! ano yun panreregalo nya sa inaanak nya? sa anak nya? tang ina naman! ako hindi ko maaatim na magbigay ng nakaw..pasko pa naman..walang hiya! (sana pala habang umaandar ng matulin yung jeep eh siniko ko sya sa bayag para nahulog sya…masaya sigurong panoorin yung eksenang gumugulong sya sa kalsada habang paparating naman ang rumaragasang 10 wheeler truck).

ito ang dahilan kung bakit hindi ko ugaling maglagay ng wallet or celfon sa loob ng bag eh..tinitiis ko na lang ang pag-vibrate ng cp ko sa bulsa at ang nakaumbok na wallet sa pwetan ko para at least ramdam ko kung may dudukot or hihiwa ng bulsa ko..wala naman akong malaking pera sa wallet pero ang importante run ay mga id’s at licence ko. pag yun ang nawala, sobrang hassle.

ito na siguro ang nagpaalala sakin na hindi na ako katulad ng dati dahil meron ng mawawala sakin..mukha na kong may tagong kayamanan..dapat ko ng lagyan ng padlock ang zipper ng bag ko..mainit sa mata ang red ferrari car at malapit na namang madagdagan ang edad ko.

blogaya Disyembre 18, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
16 comments

potek! natawa talaga ako dito..kahapon masaya akong nagbabasa sa entry ni joncabron tungkol sa isang blogger na pinaglihi sa copy paste. galit na galit sya dahil sa pagnakaw ng mga isinulat nya…well hindi nakaw kasi hindi naman nawala talaga..nakopya lang. inisip ko kung ano sa pakiramdam ang makopyahan ng entries ng walang paalam..nung estudyante ka pa lang sasabihin na sayo ng prof mo na bawal ang mangopya..tuwing exam na lang kelangan may taga bantay para maiwasan ang kopyahan..pero kahit anong higpit nila, may nakakalusot pa rin. alam na nating hindi tama pero ginagawa pa rin natin dahil sa kagustuhan nating pumasa kahit hindi tayo nakapag aral..kung bakit hindi naman tayo nakapag aral ay ibang usapan na yun.maraming excuses.

wala akong kamuwang muwang na sa pagpunta at pagbabasa ko sa blog ng isang denggoy ay makikita ko rin ang ilan sa mga kalokohang posts ko.whapaaak! nayari rin pala ako.

let’s play a game. spot the difference from here to here.

kamustahin nyo rin ito —pektyur san kaya galing yan? ok na sana eh dinugtungan pa sa huli ng “Kailangan pa bang i-memorize yan, ha!?” musta naman yun?! sayang nabura ko na yung entry ko dyan nung naglipat ako kaya di na natin maico-compare..ekshelly marami pa syang nanenok na pics galing sa iba’t ibang blogs na napupuntahan ko rin kaya pamilyar ako dun. kumbaga eh compilation pala ang blog na gawa nya.

ang ipinagtataka ko lang eh ni hindi man lang sya nagparamdam na naliligaw pala sya dito sa blog ko. sayang di ako nakapaghanda ng booby trap. ni minsan eh hindi ako nakabasa ng comment galing sa kanya tapos mababalitaan ko na lang na nakopyahan na pala ako. at eto pa! i-copy paste ko na lang at kayo na ang humusga.

Ewan ko ba bakit gumawa ako ng sarili kong blog. Wala naman akong alam sa pagsusulat. Kung ideya lang din naman ang pag-uusapan e lalong walang laman ang utak ko. Basta nanggaya na lang ako sa mga nababasa kong mga blogs na wala namang kalatoy-latoy…walang ibang posting kundi ano lang ang lumabas sa imahinasyon ng blogger. Siguro dahil sa wala akong magawa sa buhay kaya eto, nakikiuso kahit lipas na ako sa panahon(sisenta anyos na ako) Basta pagbigyan na lang ninyo ako sa panggagaya ko at baka sakaling magkalaman din ang utak ko ng kahit ano…”- denggoy batotoy

heller?! sino naman kaya ang sinasabihan nyang blogs na walang kalatoy latoy? sisenta anyos? yeah ryt! inuulit ko..hindi naman ako galit pero dapat ba ako magsaya? merry christmas na lang sayo pards! sana mabasa mo rin to.

lipat bahay Disyembre 17, 2007

Posted by gasti in muni-muni moments.
7 comments

malinaw ang pagkakasulat sa title ko…totoong bahay na po ang pinag uusapan natin dito at hindi blog. sawa na rin ako magtago ng magtago kaya siguro magtatagal na ko dito sa URL na ito.

Sabado ng umaga may in-attendan kaming kasalan ng isang tropapips ni kumander na itatago natin sa pangalang “Chenelyn”..trip lang gusto ko lang pangalanan. pulis ang naging asawa nito kaya nagkalat ang mga es-pi-ow-tu mamang pulis sa paligid ligid ng simbahan ng taytay rizal. maganda rin ang simbahan, ang flowers, ang mga abay..ok na sana eh kung di lang natae ang aking mini-me..hindi mahagilap ang banyo kaya diretso na lang kami naglinisan sa loob ng sasakyan..ok tapusin na natin ang mabahong usapan at dumiretso na tayo sa reception (ayos ang appetizer ko noh?).

maganda rin yung lugar. isang garden na puno ng halaman at bulaklak w/ matching fake gigantic butterflies..meron ding koi pond. may tables and chairs pero walang pagkain. may nakalagay na numero 28 sa pwesto namin di ko pa alam kung para saan yun..siguro parang style sa greenwich..maya-maya pa nagsalita yung emsi. “yung mga nasa tables 1 and 2 po pwede na pumila sa may gawing kanan andun po ang mga buffet…sa tables 3 and 4 naman lapit po kayo dito sa may harapan ng stage para sa picture taking.” anakngkamoteng kahoy naman…gutom na ko tapos pang 28 pa kami? hanubayan. buti na lang at kabarkada ni kumander yung 3 abay kaya nadiskartehan nilang makapuslit ng extra pagkain kundi nalipasan na kami ng gutom..yun nga lang sumama tingin samin nung mga kalapit na tables pero oks lang kiber naman.

pagkauwi sa bahay diretso naman sa pag iimpake ng gamit. dun ko na-realize na madami rin pala ako damit..nakatago lang ang karamihan sa iba’t ibang aparador kaya di ko makita..nahalungkat ko pati yung mga nakatago kong koleksyones na nba cards,coca cola pogs at samut-saring teks..buhat dito buhat doon..maya’t maya ay sinisilip ko ang pututoy ko baka luslos na o di kaya ay madeform pero sa awa ng Diyos ay OK naman sya..maayos pa rin ang kalagayan.

habang binabaybay namin ang San Mateo ay napansin ko ang mga nagkalat na Ita sa daan…andami nilang namamalimos sa mga dumaraang sasakyan at tao sa kalsada. yung iba ay nagpapadede pa ng sanggol habang nakasahod ang isang kamay sa bawat makakasalubong na tuwid ang buhok..kalunos lunos talaga ang itsura…inaasahan ko ng may ganito kasi last year meron din…taon taon, bago magpasko bumababa sila mula sa bundok ng Tralala para mamalimos sa lansangan.. walang ganito sa Marikina kasi bawal mamalimos dun.

pagdating sa aming home sweet home, walang pahi-pahinga..ayusan naman. buong araw kami naglinis kaya buong araw din sumakit ang katawan ko. nakalimutan ko kasing uminom ng extra joss at revicon maxx. pagkahiga ko sa kama, blackout agad paningin ko. nawala na sa isip ko na simula na ng simbang gabi kaya ayun di na naman ako naka-attend ng mass this year…sayang naman yung isang wish ko na sana eh tubuan ako ng limpak limpak na mga maskels sa katawan (taena hopeless case na ata ito. wag naman sana!)

bayad muna Disyembre 14, 2007

Posted by gasti in kwentong pasahero.
10 comments

binabati ko nga pala ang lahat ng mga driver na sumama sa transport strike kahapon…mabuhay kayo! sana maambunan din kayo ng grasya na mula sa gobyerno natin. mabuti pa talaga maging isang government employee madaming benefits..isama mo pa ang mainit init pang 10k na bonus na inaprubahan ng ating presidenteng pandakekok…pano naman kami?

pag naiisip ko yang mga lintek na officials sa LTO nababadtrip lang ako..taena! araw araw na nga silang nakakatanggap na bonus sa pamamagitan ng lagayan system eh makakatanggap pa sila ng 10k na xmas bonus…it’s unfair!

ok nailabas ko na ang sama ng loob ko sa pwet kaya magkukuwento na ulit ako.

Isang umaga, sumakay ako sa isang shuttle service papasok ng opisina…habang umaandar ang sasakyan ay taimtim kong minamanmanan ang mga kasama kong pasahero..napansin kong ako ang pinakabata sa kanila..karamihan din ay may mga nakapasak na earphones sa mga tenga nila na animo’y hearing aid…may mukhang mayaman at meron din namang mukhang naki-hitch lang…gusto ko pumikit pero kumukunot lang noo ko pag pilitin ko kasi hindi naman ako inaantok kaya naghahanap na lang ako ng pagkakalibangan. maya-maya bayaran na..pinagsama-sama na namin lahat ng pera namin sabay abot sa driver…pagkabilang nya nung pera napansin nyang kulang ng 50 pesos. “kulang pa ng singkwenta to ah!” sabi nya. nagkatinginan na kami..mapanghusga..ang kumurap, talo. walang umaamin kaya binalik nung driver ang perang inabot namin…sinuri ng isa at napagtanto nyang kulang talaga…magaling pala sa math yung driver.

12 kami sa loob. bakit 50 ang kulang eh 40 petot ang pamasahe? hanlabo! hinayaan ko silang magsalita. “miss magkano binayad mo?..ikaw pre? kayo po?..”..kulang na lang sumigaw sya ng “holdap to! ilabas nyo lahat ng pera at celfon nyo!”. ako lang ang namukod tanging hindi nya tinanong. siguro hindi ako mukhang gagawa ng masama lols. mga ilang sandali pa may pumiyok..babae! sa harapan ko.”Ay hindi ko pa pala nabibigay yung 50 petot ko..sori po!”…naalala ko pa nung kumuha sya ng 10 petot na sukli sa inaakala nyang naibayad nyang 50 petot (ayos yun ah! libre ka na, kumita ka pa.). case closed. maaliwalas na ang mukha nung driver at nagmukhang kamatis naman ang mukha nung babae sa harap ko.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 74 other followers