makuha ka sa tingin Enero 31, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, self review, to whom it may concern.7 comments
ayan ang mga linya ng palaban. wag ka na pumalag pa. ganyan ang madalas sabihin sakin ng nanay ko nung bulinggit pa kami. lalo na tatay ko na tipong bihira dumakdak pero masama makatingin. bigla na lang kukuha ng patpat o kaya ng sinturon para ipampalo sa maputi kong pwitan. sa iskul ganun din ang sistema ng mga istriktong teachers…kapag hindi ka nakuha sa tingin, babatuhin ka na ng eraser. (wala naman tumama sakin kasi magaling ako umilag). astig ng dating. matapang. (may karugtong…)
ang elebeytor Enero 30, 2008
Posted by gasti in kahihiyan, kamalasan, muni-muni moments.7 comments
naalala ko pa yung unang beses na sumakay ako ng elevator. mangmang ako nun. nakakapit ako sa bakal sa may gilid dahil pakiramdam ko eh gegewang ang takbo nun anytime soon. mabuti ng safe. nasanay kasi sa pamamatok sa mga jeep eh! nang bumukas ang elebeytor, para na ring bumukas ang langit at nagsipagkantahan ang mga anghel. taenang elebeytor kasi yun andaming sakay halos sumoplak na yung mukha ko sa salamin.
naranasan ko na ring mag isa lang ako nakasakay sa elevator. masaya dahil mabilis ka makakarating sa pupuntahan mo pero boring. walang ka-challenge challenge. mas fulfilling talaga kapag pinaghirapan mo yung pagkuha sa pwesto mo. sa mga kagaya kong lumaki sa mundo ng siksikan. nakakapanibago. parang bigla ko naisip mag-kundoktor. “pasok, pasok! maluwang pa dito sa loob konting usog lang po tayo mga kuya at ate magaan pa to! ipit ipit lang po tayo ng mga legs at baka may sumingaw dyan. kulang pa tayo ng 26.73 kilos…” (may karugtong…)
bata batuta Enero 28, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.29 comments
masyado ng marurunong ang mga bata ngyon. minsan napapakamot na lang ako sa ulo kapag nakakakita ako ng elementary student na nasa pc rentals at nagsurf sa internet. marunong maglaro ng DOTA dinaig pa ko. nakikipagbolahan na rin sa friendster. at nanonood na rin ng mga scandals. hanep!
maaga na silang nae-expose sa mga kamunduhan. wala naman kasing restriction sa internet. lahat pwedeng maghubad. lahat pwede makiboso. everybody happy.
ginulat ako ng liratong ito na nakita ko sa e-mail galing sa isang concerned citizen. tantya ko eh mga nasa 4-5 yrs old lang sila. maagang namulat.
san tayo? Enero 25, 2008
Posted by gasti in kahihiyan, muni-muni moments.15 comments
mahirap din pala kapag hindi ka lumaking lakwatsero. walang alam sa mga lugar. lahat ng madaanan mo ay tipong made-devirginized ka. palinga-linga sa daan. obvious na naliligaw. (may karugtong…)
tropang wasalak Enero 24, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.17 comments
ito ang tropang kinabibilangan ko nung college. 2nd yr na kami nagkakilala dahil nagkaron ng resectioning ang course namin. madaming napahiwalay. nalipat ng ibang section pero ako section 4 pa rin. row 4 pa rin. walang natira sa tropa ko nung 1st year. nagkahiwa-hiwalay kami lahat. parang balik first year lang ang pakiramdam ko noon at nangangapa sa mga ugali ng bago kong kaklase. (may karugtong…)
kung tayo’y matanda na Enero 23, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, pampakiliti.17 comments
kung meron man akong maputing gusto, chiching yun at hindi buhok. minsan iniisip ko rin ang itsura ko kapag tumanda na. kung magiging ubanin din ako gaya ng yumao kong mga lolo. kung gagamit na ba ako ng arthro at maglalakad ng pa-atras. at kung ano ang pakiramdam ng sinasabihang. “lolo amoy lupa ka na”.
lahat naman tayo ay tumatanda. kahit mongolid ka pa, tumatanda ka rin. isip bata nga lang pero bakas pa rin sa itsura mo ang pagtanda mo kahit na sabihin nating babyface assasin ka pa. may mga taong sadyang nakakapeke ang mukha..oks lang kung mas bata ang itsura mo sa edad mo. lalo na sa panahon ngyon na madami ng naglabasang pampawala ng kulubot sa mukha. sagwa naman nun kung makinis ang mukha pero mukhang nilukot ang balat sa katawan. ang masaklap eh yung mapagkamalan kang gurang kahit bata ka pa. (maliban sa pagpapasok sa mga r-18 na pelikula sa sinehan at mga gimikan ng mga menor de edad ay wala na akong maisip na magandang dulot neto.)
hanggang kelan kaya ako magta-trabaho? parang ayoko isipin na magtatrabaho ako hanggang sa umabot ako ng sisenta anyos kung saan mukha ka na lang saling ketket sa kumpanya. parang ganito.
nakakasulasok. tagtuyot na. kahit sabihin mo pang dati kang bold star nung kabataan mo eh wala kang karapatan na magsuot ng nakaririmarim na two-piece bikini sa mga pampublikong lugar. indecent exposure yan.
o sya mga repapips! enjoy your meal
mainam na pangontra ang pektyur na yan sa pagtigas ng pututuy. isipin mo lang, uurong na.
tag-lima(s) Enero 22, 2008
Posted by gasti in pass muna.6 comments
bakit ba nauso pa itong tags sa blogging? eto na ba ang makabagong slambook? sa palagay ko nga. isang tag para sa pagkakaibigan. adik ka talaga maldito! eto ba talaga ang basehan ng pagkakaibigan natin? lols wag ganun. pano na yung business na balak nating itayo. “bugawan ni gasti”. sayang naman. o sya baka kung san pa mapunta ang usapan na to..simulan na natin ang paglilimas.



