balat kalabaw Enero 9, 2008
Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments.11 comments
ito ang tawag sa mga taong hindi nakakaramdam ng lamig. makapal ang balat. based on scientific study (kuno) walang pakiramdam ang kalabaw..in short, manhid. kaya kahit anong ipagawa mo sa kanya uunga lang sya ng uunga. walang pagbabago sa facial reaction.
mas makapal ba ang balat ng babae kesa sa lalaki? ewan. pero bakit tuwing umaga na lang all season long..lalo na ngyong panahon na malamig ang simoy ng hangin sa umaga ay nagkalat ang mga babaeng nakaluwa ang mga legs at naka sleeveless pa. liliwanagin ko lang. wala ako sinasabing itago nyo..ok na yang ganyan. keep up the good work. nahihiwagaan lang ako dahil parang niyayakap ko na yung sarili ko kanina sa loob ng jeep sa sobrang lamig tapos pag lumingon ako sa paligid ko, puro tukso!. anong meron?
kapag ganitong panahon feeling ko lalong numinipis ang mga t-shirt na suot ko. automatic rin na bumabakat ang utong ko kasabay na rin ng pag umbok ni manoy. change is inevitable. gaya na lang ng pagtigas ng pututuy pagkagising sa umaga. wag nyo na itanong sakin kung bakit ganun dahil di ko rin alam ang sagot. pero kahit ganun, gusto ko pa rin ang klimang ito. hindi ka masyado pagpapawisan at mabango ang kapaligiran.
hindi ako mahilig sa kape. pero nakakaengganyo talaga uminom nito lalo na sa panahon ngyon. masarap magpainit. di ko lang alam kung double meaning ang linya ni toni gonzaga sa commercial ng nescafe “tara guys painit muna kayo!”. isang babae nagyaya magpainit. parang bastos. o baka ako lang nakaisip nun. meron ding isa pa kung saan parang adik na adik sa kape ang magagandang chiching..pinalibutan nila ang isang lalaki na may hawak na isang tasa ng kape.( instant chic magnet) nagsimulang maghubad si lalaki at binuhos sa katawan nya ang mainit na kape..ouch!. sinunggaban ng mga babae ang umaagos na kape sa katawan ni lalaki..sinibasib nila ng halik ang katawan nito hanggang sa masaid ang huling patak ng kape…sa di kalayuan, namataan ang isang 75 yrs old lolo na naka-wheelchair ang himalang tumayo sa kinauupuan nito at papunta na rin sa pantry para magtimpla ng kape.
sa tantya ko..humihina ang tolerance sa lamig ng mga babae kapag kasama nila ang bf/asawa nila. madalas mong mapansin yan sa mga sinehan dahil marami ang naglilingkisan dun. pagminsan puro kwentuhan lang yung palabas, nililibang ko na lang ang sarili ko panoorin ang mga mag sing irog na nagpapainit sa mga sulok ng sinehan. nakakawala ng stress.

