laman loob (bag tag). Enero 11, 2008
Posted by gasti in pass muna.16 comments
ang tag na ito ay napaglumaan na ng panahon. huling check ko dec. 24 pa pala ako tinag ni jovi (may kasama pang greetings) kaya eto na..pasisilipin ko na kayo sa bag kong mahigit 2 taon ng hindi nalalabhan.presenting…
isang lumang black na hawk bag. eto rin yung bag na walang awang pinagsamantalahan ng mandurukot kung saan nakuhaan ako ng laruan. (extra lang yung inuman ko ng tubig. walang lamang kape yan.) nilagyan ko na rin ng pikachu at isang porsche carrera gt model car para karagdagang atraksyon..
nakapatong talaga yang dalawa na yan sa ibabaw ng monitor ko dahil lahat kami rito ay may kanya kanyang dekorasyon. eto talaga yung action figure ko ..lols!
buksan naman natin ang bag. tungkol naman talaga dito yung tag eh! kung anong laman. check it out!
- time zone tickets – may pinag iipunan akong stuff toy para ipampalit sa mga yan.
- lighter – hindi ako nagyoyosi. bakit pangyosi lang ba ang lighter? napulot ko lang yan.
- 2 ballpens (blue and black) – kita nyo naman punumpuno pa kasi 1 beses ko pa lang nagagamit..nung nagsulat ako sa xmas card.
- 1 worlds of fun coin – gusto ko lang meron ako isang piraso..di ko gagamitin.
- isang maliit na screwdriver na nakasupot (giveaway kuno ng nagbenta ng salamin) – isang walang kwentang give away.
- susi ng office (w/ keychain from baguio) – galing kay chillidobo yung keychain nung namundok sya. minsan ko ng naiwan sa loob ng office yang susi na yan (2 lang ang merong susi noon)kaya 3 oras kami nakatambay sa labas ng mga opismates ko.
- mr. bean keychain na pinalilibutan ng maraming susi sa bahay at gate. – gaya ng sabi ni joncabron..simbolo ng pagkalalake ang key chain ni mr. bean. umangal bading.
right picture:
- siraing payong – balak ko ng idispatya yan kapag nakabili ako ng bago.
- lunch box – dahil sa nagtitipid ako kaya meron ako nyan. ginto ang mga bilihin sa building na ito.
- eyeglasses – gaya nga ni chillidobo, pareho kaming kumuha ng eyeglass na yan sa hindi malamang kadahilanan. naniniwala na ako sa hipnotismo.
- company id (sadyang binaligtad para hindi kita ang 1×1 pic) – props lang yan. pormalidad pero hindi naman chine-check ng guard.
- samut saring cd’s – may movies,pics,at music. andyan na lahat ng hinahanap nyo. lols!

