jump to navigation

bee happy Enero 15, 2008

Posted by gasti in pampakiliti.
18 comments

meron bang pinoy na hindi nakakakilala kay Jollibee? kung meron man baka hindi pa nakakababa ng bundok yun. di hamak na mas cute naman ang mascot na ito kesa kanila ronald mcdo, chuckie ng kfc, burgee ng tropical hut, at lalo na kay kokey! kung may pacontest siguro ng cutest and lovable mascot ay runaway winner si Jollibee. bukambibig din sya ng mga bata lalo na kapag sunday..”jabi jabi!”. nagtataka lang ako sa ibang bata na tuwang tuwa kay Jollibee kapag nakita nila sa tv o kaya sa mga picture lalo na dun sa estatwa nya pero kapag nakita ng personal at nakikipag high five sa mga kids ay bigla na lang matatakot at magsisipag iyakan..lahat ng naattendan kong kiddie party ay may napapaiyak si Jollibee. bakit kaya? sana hindi tama ang suspetya ko na isa syang pedophile.

naintindihan ko rin lahat ng makita ko ang picture na toh!

jollibees

hindi ko maimagin ang sarili ko na habang kumakain ng paborito kong pancit palabok at chickenjoy ay napaliligiran ako ng mga bubuyog na yan. nakakatakot nga!