pilosopiya ng pilosopo Pebrero 28, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.25 comments
sa buhay natin makakakilala ka ng mga taong tila walang magawa sa buhay kundi ang mang asar. mga taong ipinaglihi sa sama ng loob at mahilig mamilosopo. andami dyan karamihan eh mahilig magpatawa.
kahapon nung naglalakad ako pauwi narinig ko ang usapan ng mga chikiting sa kalsada. tipong nagtatalo.
musmos1: eh wala naman palang terrace ang bahay nyo eh!
musmos2: bulag ka ba? anong tawag mo dyan sa taas namin? taas lang? taas lang? ha! kupal!
musmos1: eh di ano…hmm..kisame!
matatawa ka na lang sa mga kalokohan nila sa buhay. andaming naiisip. karamihan naman walang katuturan. nung nilingon ko ulit yung dalawang nagtatalo parang magsusuntukan pa. hinayaan ko na lang.
di ko alam kung san nag originate ang kapilosopohang ito..kay tasyo ? sino naman yun? ganito kasi yun.. tuwing magkakayaan na lang pumunta sa cr laging…
+ tara cr tayo
- brad tao tayo..hindi cr.
+ craulo mo!
pwedeng palitan ang cr sa usapang yan ng ibang gawain,lugar o bagay.
nakakaloko pa minsan kasi seryoso yung itsura ng kausap mo na tila kino-correct talaga ang sinasabi mo. ang hirap kausap ng ganyan. lagi kang may mali.
wala kang panalo sa taong pilosopo kaya mabuti pa sa susunod na may makausap kang kagaya ng mga nabanggit ko, saksakin mo na agad ng icepick sa tagiliran. tapos ang usapan.
kalaro Pebrero 27, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.12 comments
naaawa ako sa mga batang walang kalaro. loners. hindi mo mai-enjoy ang kabataan mo kahit pa sabihin mong nakatira ka sa mansyon, madaming magagarang sasakyan, maraming malulupit na gadgets at toys..iba pa rin kapag may kasama kang kapwa mo luko-luko. kakosa sa bawat kabulastugan. at kaututang dila. anong silbi nyang laruan mong nagsasalita na ginagawa kang autistic..”i love you..you love me..” godzilla gone wild.
malungkot din daw kapag walang kapatid. solong anak. kapag umuulan at bawal lumabas ng bahay, magtitiis na lang maglaro ng tau-tauhan mag isa. magbahay-bahayan mag isa. pitik bulag mag isa. mag tagu-taguan mag isa. “tara yaya laro tayo ng apoy”.
hindi ko naman kinakailang karamihan ng kalaro ko nung bata pa ako ay mga iskwater. masaya sila kalaro kasi puro kalokohan..kapag nakikipagtalo sila sayo, makakatanggap ka ng malulutong na mura. no offense meant. mas ok naman yan kesa mag drugs (di ba? oo ka na lang). di mo rin kasi sila masisi dahil kapag dumarating na ang ang nanay nila para sunduin sila eh laging ganito ang eksena “putang inamo kang bata ka! ang dugyot dugyot mo na! di ka pa kumakain eh nasa kalsada ka na agad..akin na yang mga teks mo at piprituhin natin saka ko ipalalamon sayong lintsak ka!”. naiisip ko na lang maswerte pa rin ako kahit hindi ako sa pekpek ng Ayala at Zobel lumabas..at least hindi sa mga babaeng gaya nun.
naging makulay ang buhay ko hindi dahil sa sinabawang gulay. dahil yun sa mga kalaro ko. ang iba man sa kanila ay madalas ko pagtripan noon, hindi sila nagtanim ng galit sakin. sa katunayan nung isang beses nagkita kami nung dati kong kalaro..wala syang sinabing kung ano sakin..ngumiti lang sya at sumenyas senyas..pipi kasi sya. sayang lang at hindi ko na nakikita ang karamihan sa kanila dahil nademolish na ang mga barong barong nila. curious pa naman ako sa kung ano na ang itsura nila ngyon. pumuti na kaya si nognog? tuli na kaya si potsu? kamusta na kaya si putol?
hanggang ngyon naman ay kelagan pa rin natin ng makakalaro. mas masaya maglaro ng counterstrike, scrabble, chess, tekken, nba live at fight night kung may kasama ka at hindi lang puro “com” ang kalaban mo. laging may pattern ang kilos. walang challenge. tara laro tayo!
para naman sa mga lalaki at babaeng walang pahinga, hindi kumpleto ang buhay kapag walang kalaro..♫ di ba ako’y tao lang na nadadarang at natutukso rin♪♫…kapag wala ka namang mahanap na kaulayaw sa malalamig na gabi, mauuwi ka sa paglalaro ng sarili mo. sariling sikap baga. pwede na rin pantawid gutom at uhaw…pero iba pa rin eh!
may 2 akong kapatid. panggitna ako..taga awat ng panganay at bunso kapag nagbabangayan sila pero minsan eh sumasali na rin ako at kinakampihan ko ang utol kong lalaki para i-pindown ang ate kong atrimitida. bwahahaha! kadalasan naman eh naglalaro kami ng wrestling ng kapatid ko bago matulog…mas masarap kasi matulog kapag pagod. kaya nagpapapawis muna kami.
at ngyong may sarili na rin akong pamilya, wala ng kalarong iskwater, di na ko nakakapaglaro ng games sa pc rentals, di ko na rin katabi sa kama ang kapatid ko, tinigilan ko na rin ang paglalaro ng bahay bahayan sa mga chiching, bihira na rin ako magkwan…may bago na kasi akong kalaro. ang anak ko. ang nagbibigay sigla sa bahay namin. madalas syang magpacute at magpapansin lalo na kapag seryoso kaming nanonood ng tv. trip na trip ko yung kagat labi version nya. da best! nakakapikon na kakulitan kapag minsan pero di mo naman magawang magalit lalo na pag nakita mo na syang ngumingiti. langyang bata yan..manang mana talaga sakin. marunong magpalambot ng pusong tustado na.
penitensya Pebrero 22, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.19 comments
dahil sa lenten season ngyon eh uso na naman ang iba’t ibang klase ng penitensya..nalaman ko kasi kay chilli na panata na pala nya yun. every year iba-ibang kinahihiligan nya ay isinasantabi nya muna kapag mga ganitong panahon..gaya ngyon na umiiwas muna sya sa pagkain ng anumang instant pancit canton. mahirap yun on his part na isang tirador ng panindang canton dito sa opis. goodluck pards!
kaya eto ako ngyon at nag iisip ng pwedeng itigil pansamantala…wag kaya muna ako kumain ng sardinas, alamang o adobong pusit? wa epeks din kasi di naman talaga ako kumakain nun. pero di pala pwede yung ganun. ayoko naman mag skip ng kahit isang meal dahil hindi naman ako nag-diet. mukha lang ako walang makain pero lagi akong kumakain. naisip ko na rin itigil ang blogging pansamantala..hindi ako magpopost ng entry hanggang easter sunday. tutal eh hindi naman ako makapagpost ng maayos dahil lagi akong pi$%&*#(^%*!…shit!
“eh kung wag ka na lang kaya munang magtrabaho”. ganyan ang sabi ng isa kong opismate rito. nice suggestion! kita mo nga naman..lagi akong nagtatrabaho ng 8 oras 5 beses kada linggo. pwede ko tong itigil at pumetiks na lang maghapon sa opisina sa ngalan ng penitensya…pero mukhang mahihirapan ako gawin yan. mahirap pumatay ng oras kapag walang ginagawa. at isa pa baka hindi pa natatapos ang penistensya days ko eh mawalan na ko ng trabaho.
nung mga bata pa lang kami hindi talaga kami kumakain ng karne kapag holyweek. lagi kaming nanonood ng mga pelikula kung saan pinapakita ang pagpapako kay Kristo. minsan naman ten commandments. pagdating naman ng hapon, 7 last words ang palabas sa tv. nanonood rin kami ng prosisyon kapag byernes santo..sumasama pa kami sa parada. at pagdating ng linggo, gigising ng maaga para naman manood ng “salubong”. kahit pupungas pungas pa eh enjoy naman makipag agawan ng bulaklak na nakasabit sa mga santo. may fireworks display pa. at syempre dahil dito na nagtatapos ang penitensya days…ang pananghalian namin ay nilagang buto ng baka at inihaw na liempo. tapos na ang makukulay na buhay ng gulay.
ngyong lumaki na ako, nag iba na rin ang buhay namin. hindi na ako madalas makapagsimba…kung makapunta man, hindi rin natatapos dahil ngumangawa na yung anak ko at tinu-tour ko na lang palibot sa simbahan. bakit naman kasi andaming nagkalat na nagtitinda ng kung anu-ano sa gilid ng simbahan eh! isa pa yang si jollibee tukso! kapag holyweek naman pinaplano na namin ang aming summer escapade..relaxation time…beach! sarap magbabad. dati nga eh byernes santong naturingan tapos mag isa akong nag iihaw ng baboy dun sa subdivision na tinitirhan namin. ayos! iinom pa ko ng beer nyan saka magku-kwan.
ano nga ba ang gusto kong ginagawa na pwede ko itigil pansamantala? hmmm.. may naisip na ko. sana kayanin ko rin. bahala na. sige simula ngyon…uhhmm bukas pala. virgin na ulit ako. yeheey! (gulp!)
hulaan na naman Pebrero 20, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, pass muna.20 comments
sino ba sa atin ang hindi nakaranas ng panghuhula? favorite past time ko yan kapag sumasagot ng mga exam. minsan kung ano yung pinakakaiba sa choices, yun ang pinipili ko..minsan naman yung pinakamahabang sagot..o kaya pag tinatamad na talaga ako mag isip, binibigkas ko na lang ang katagang…eto-o-eto-eto-na…(pag hindi pa nakuntento) sinabi-ba-ng-Dyos..oo-nga..pagkatapos naman ng exam umpisa na ng hulaan ng grade..kung pasado ba o hindi.
nakaranas na rin ako magpahula..isang beses dala ng pakikisama sa mga bagong kapitbahay, pinapasok ni kumander ang isang matandang babae.. nabanggit nyang marunong syang manghula at marami na rin ang kanyang naloko nagkatotoo sa mga hula nya sa iba..naengganyo naman magpahula ang mga kasama ko noon sa bahay. pero ako nagkulong sa kwarto at nagkunyaring tulog. maya-maya naulinigan ko ang sinabi nung matanda na ”pakiramdam ko ay may taong galit sakin sa bahay na to”…aysus! nagparinig pa. 4 lang kami run..si kumander,nanay nya,anak ko na hindi pa siguro nakakaramdam ng galit dahil sanggol pa lang at ako na hindi nakikihalubilo sa hulaan session nila. di naman obvious na sakin patungkol yun noh?
naramdaman ko na lang na hinihila na ako palabas sa kwarto ni kumander para lang magpahula. “siguro natatakot kang mabuking ang mga kalokohan at pambababae mo noh? sige na magpahula ka na!”. aysus! propeta ba yang kapitbahay natin? nakngtinapa naman. wala rin akong nagawa kundi ang magpahula sa ikapapanatag ng kanilang kalooban.
“magkakapera ka. makakapag abroad. magkakaron ng sasakyan”…ok sige tama na to. “mag ingat sa mga matutulis na bagay, saka sa kalsada, wag ka ring makiki-epal sa away ng iba dahil baka mapagbuntunan ka ng galit at ikaw pa ang madisgrasya. umiwas ka rin sa mga tukso dahil meron talagang mga lalapit sayo “. bawat sabihin ng matanda ay may katumbas na kurot sa tagiliran ko. haays..hirap ng ganito wala kang kalaban laban. (more…)
napakasakit kuya J Pebrero 18, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.17 comments
tutal eh may mga nakabuking na pala ng real name ko..eh bahala na kayo kung ano itatawag nyo sakin dito sa wordpress. wala namang kaso yun dahil marami naman akong kapangalan. lols! (pati ba apelyido?)
masakit ang mga kasu-kasuan ko bunga ng pagbubuhat kahapon. eto ang mga napapala ng nag eehersisyo. sana lang bumalik na ulit ang sipag ko para naman maipagpatuloy ko na ang aking nasimulan. para mamanhid na sa sakit ang katawan ko. hmmm..pwede kaya magturok muna ng anesthesia bago magbuhat? wat u think?!
sumakit naman ang ulo ko nung byernes dahil sa isang pasaway na demanding na kliyente. hanggang ngyon ayaw pa rin akong tigilan. sumasakit na ang uten ko…kelangan ko na ipa-check kung tama pa rin ang bilang ng sperm count ko…baka marami na ang nagtatampo.
lagi na ring masama ang pakiramdam ng anak ko ngyon dahil may tumutubo na namang ngipin sa kanya. taas baba tuloy ang lagnat at kadalasang nagko-concert sa bahay. ano ba ang mas masakit? yung tinutubuan o tinatanggalan ng ngipin? nakalimutan ko na kasi.
absent si kumander ngyon kaya mag isa lang ako umalis ng bahay. sa totoo lang tinatamad na rin ako pumasok dahil napuyat kami kagabi pareho sa pagbabantay. at isa pa malamig ang simoy ng hangin. ang sarap matulog. ang sarap makipag…
as usual ubos na naman ang pera kong panluho dahil sa dumaang weekend. kakasweldo pa lang pero tama lang pamasahe ang pera ko. napakasakit kuya J. hindi na ako makabili ng laruan. marami pa naman akong gusto…ay nga pala bibili pa pala ako ng vitamins mamaya.
♫♪ Itay umuwi ka dalian mo lang sana..si Inay ay may iba nagtataksil sa’yo ama….♪ napakasakit kuya J….
yikes! makapag half day na nga…hindi talaga ako makapag isip ng maayos ngyon.
simula ng init Pebrero 14, 2008
Posted by gasti in to whom it may concern.38 comments
isang paalala: siguraduhing walang tao sa paligid kapag gagawa kayo ng milagro gaya nito . try nyo naman pumasok sa kwarto para may privacy. lagi nyong tatandaan na mas masarap kapag patago at walang ibang nakakakita.
eto na ang araw na pinakahihintay ng mga magsyosyota. ang araw kung saan lumalabas ang mga tao para gumastos ng malaki. para makapag-check in sa mga motel. para ipakita sa kanilang minamahal at sa buong madlang pipol kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. sa mga estudyanteng may syota, titipirin ang allowance makabili lang ng bulaklak. panandaliang ititigil ang paglalaro ng DOTA at magbabaon na lang ng hotdog w/ egg para magkasya ang budget. kahapon lang eh nakakuha ako ng balita na ang dating 40 petot na bulaklak sa may dangwa ay nagkakahalaga na ng tumataginting na 400 petot! hanep! at di lang yun..pwede pa raw tumaas ang presyo nito ngyong araw. langya! para ka na ring hinoldap ng mga tindera sa isang legal na paraan.
sa kasawiampalad, wala akong pambili ng mga ginintuang bulaklak ngyong araw na to. isa akong pulubi. kasya lang pera ko pambili ng sampagita saka limampung gramo ng chicharong bulaklak..pwede na siguro yan. kung santo ang asawa mo at kung wala kayo panghapunan.
pero syempre hindi naman ako papayag na lumipas ang araw na to na wala akong ginagawang kalokohan makabuluhan. ako pa! hindi lang bulaklak ang makakapagpangiti sa babae. alam ko yan.
marami akong kayang gawin na hindi na sakop ng inyong imahinasyon. lols! magpapakalasing ako mamaya.
P.S. sori na kanina hindi kita naipag-drive hanggang sa Makati..ano kasi eh uhhhmm..baka maligaw ako pabalik ng Ortigas..wala rin ako pambayad sa parking saka matindi na ang traffic mamayang uwian…ayoko lang na mapahamak ka ng dahil sakin. hindi pa ako sanay makipaggitgitan sa Edsa.
I love you! Happy Valentines Day bebi!!!
at para sa mga nilalang na may puso na nakakabasa nito, happy Valentines Day sa inyong lahat!
perapogi Pebrero 13, 2008
Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments.24 comments
grabe ang lamig ngyon. ang hirap maligo lalo na sa madaling araw. para kang nagbubuhos ng tubig na galing ref. paglabas mo ng bahay ay mahahanginan ka pa. ayos! kumikislot na naman.
mukhang nanumbalik ang simoy pasko sa kapaligiran pero hindi katulad nung disyembre eh marami kang makikitang krismas dekoreysyen sa mga bahay-bahay. kami na lang ata ang tanging bahay na merong nakalambitin na parol sa may bintana (wala ng alisan to! all year round). nagtaasan na rin ang presyo ng mga bulaklak..hindi lang doble, triple pa! chicharon bulaklak na nga lang ang tanging hindi nagtaas ng presyo. haaay kamote talaga yang supply-demand kadugasan na yan.
habang nasa byahe na ko, as usual eh tamang pakinig lang ako sa mga usapan ng may usapan. this time eh mga barako naman ang nagkukwentuhan. isang maliit na lalaki na mukhang mapera at malapit ng magretiro na itatago natin sa bansag na “money man” at ang kanyang dating opismeyt na tatawagin nating “kakusang tunay”. narito ang takbo ng usapan. (more…)

