jump to navigation

kitakits Pebrero 12, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
11 comments

maswerte rin siguro talaga ako dahil may mga kaibigan pa rin akong walang sawang yayain ako gumimik kahit kadalasan eh hindi naman ako sumasama. kahit na hindi ako nagrereply sa mga text nila dahil laging walang load ang celfon ko. at kahit mas madalas ako magpalibre kesa manlibre ay gusto pa rin pala nila akong kasama. how thoughtful, how goldilocks.

“may kitaan sa eastwood mamaya 6-7pm nagyaya si **** punta ka ha!” mga 3pm pa siguro tinext sakin yan pero alas syete y medya ko na nabasa. busy kasi ako sa paglalaro. eksakto namang may librehang nagaganap nung araw na yun sponsored by my hipag na kakasweldo lang sa bagong nilipatang kumpanya at kay misis na nakatanggap ng promotion. parehong lugar ng kitaan iba nga lang ang lugar na kakainan. nahiya naman ako kaya naisipan kong magreply (pagkatapos kong humingi ng share-a-load kay misis). “siguro sa mga sandaling ito ay nagkanya kanya na kayo..hehe! andito rin ako sa libis kasama ang buong pamilya“..pagkatapos kong itype ang mga letrang yan ay biglang may humablot ng celfon ko..hindi magnanakaw. sya yung kumander ko. nakita ko na lang ang sarili ko na nakikipag agawan ng celfon sa kanya..”at sino na naman yang katxt mo?” umaygulay! here we go again…

pagkatapos ng mahabang diskusyunan pinayagan nya rin ako..”sige sumama ka!”. mga kaibigan, hindi ako pinanganak kahapon. alam ko na ang ganitong klase ng istratehiya ng mga babae..kunyari ok pero nag aala-kokey lang pala. bigla na lang hindi ka kakausapin. napagdesisyunan ko ng hindi na lang makipagkita sa mga hayskul bebots. maya-maya pa nagtxt ulit yung isa..nasa paligid pa rin sila at nagpupumilit na makipagkita ako. “sige na sumama ka na nga! ok lang.” haaays ang mga babae talaga ang hirap ispelingin..sala sa init, sala sa lamig.

tapos na ang kainan. sa sobrang kabusugan ay hindi ko man lang magawang ubusin ang isang bote ng san mig light na iniinom ko. sayang yung beer pero mas sayang naman ang kinain ko kung isusuka ko lang rin. maya maya pa biglang kumislot ang celfon ko “andyan ka pa ba sa dencios?”. hindi pa rin pala nila ko tinigilan kahit hindi na ako nakapagreply…pagkabasa ko nun ay biglang may kumalabit sa likuran ko. isang dating klasmeyt ang bumungad sakin..natunton na pala nila ang kinalulugaran ko. ibang klase. pakiramdam ko eh inaresto ako ng pulis..ineskortan pa ko papunta sa kumpulan nila. natuwa naman sila ng makita ako..narinig ko na naman ang mga linyang “wala ka pa ring ipinagbago. payat ka pa rin”. pagkatapos ay pinagbabatukan ko na sila. ipinakilala ko na rin sa kanila si kumander. makalipas ang 15 minutong pakikipagkulitan,balitaktakan, hipuan at picture-an, nagpaalam na rin akong uuwi.

sa totoo lang, mas enjoy ako kasama ang mga klasmeyt ko nung hayskul kumpara nitong sa college. mas madali kasi sila kausap…at simula noon hanggang ngyon andyan pa rin sila. walang sawang nangungulit.

salamat kay chilli nanumbalik ang hayskul days ko..JS Prom season na nga rin pala this month. naalala ko tuloy yung mga kasayawan ko noon…kahit hindi naman talaga ako marunong sumayaw eh kinapalan ko ang mukha ko alang alang sa mga chiching. isang gabing puno ng kababalaghan…awooooo!