in memory of a dead fish Marso 31, 2008
Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.15 comments
namatayan na naman ako ng isda. tsk tsk! kung kelan naman sya lumaki,tumapang ang kulay ng pagka-asul na katawan at sa pag aakala kong masisiyahan sya sa bagong aquarium na sinet up ko para sa kanya saka pa sya matitigok. sayang!anim na araw pa lang ang nakalipas ng nilipat ko sya sa bago nyang tirahan. kung alam ko lang na magkakaganito sana pala ay iniwan ko na lang sya sa marikina. pero ngyari na nga. pets come and go. pasaway rin kasi yung isang yun. mahilig maghukay ng buhangin at taubin ang mga pandekorasyon na nilalagay ko. ang bilis tuloy dumumi ng tubig. uu sinisisi ko ang isda. kasalanan nya kung bakit sya namatay. (more…)
tulog tulugan Marso 26, 2008
Posted by gasti in kwentong pasahero.23 comments
masarap matulog. ang isa sa mga namimiss kong gawin ay ang matulog ng 8-10 hours sa bahay. sa ngyon di na posible yan dahil lagi na lang kami late nakakauwi at gumigising naman ng maaga para makahabol ako sa pasok kong alas syete. kahit weekends maaga pa rin ako nagigising dahil sa di ko malamang dahilan..kusang dumidilat ang mata ko pag sumikat ang araw. ito na yata yung tinatawag nilang body clock.
mabigat ang katawan ko kanina pagkagising. hindi ko na nagawang maghilamos pa dahil ayokong sirain ang moment ng pagtulog ko ng dilat ang mata. naka mahigit kumulang sampung hikab muna ako bago ako nakasandok ng kanin sa pinggan ko. antagal ko rin bago naubos ang ulam kong tocino at scrambled eggs. ewan ko pero tinatamad talaga ako pumasok…pero kelangan lang talaga dahil expected ko na maraming mangungunsumi ngyon. di ko pwedeng pabayaan ang trabaho (kelan kaya ako papatayuan ng rebulto ng boss ko?). (more…)
spot the G Marso 25, 2008
Posted by gasti in pass muna.17 comments
una sa lahat ay nais ko munang pasalamatan si camille dahil sa kanyang busilak na kalooban..naalala nya pa rin akong i-tag..una pa sa listahan. at sabi nga nya gawin lang ito kapag busy kaya I think ♪♫this is the moment..damn all the odds..this day or never..I’ll sit forever with the Gods♫ *ehem! tapos na ang laban ni Pacquiao..tapos na rin ang holyweek..tapos na rin ang bakasyon kaya oras na talaga para patusin ang tag na ito. next time ako na lang maghahagilap ng tag para may maipasa rin ako sa inyo..hehe! o baka mag imbento na lang din ako. abangan nyo yun!
time to play the game
kakaibang hunting ito mga dabarkads finders keepers!.
Rulez: Use the first letter of your name to answer each of the following.
Your answers have to be real places, names, and things. Nothing made up! Use different answers if the person who answered the survey before you had the same initial letter. You can’t use your name for the boy/girl name question.
P.S. susubukan kong sagutin ito ng maayos para ipakita ko sa inyo kung gaano ako kaseryoso sumagot sa mga tags (more…)
patikim naman ng beach Marso 18, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.25 comments
malapit ng dumating ang paghuhukom holy holidays. oras na para makapagpahinga, makapagbakasyon sa kung saan mang lugar na nakakarelax. kung sino man dyan sa inyo na walang ibang plano kundi magmukmok sa loob ng kwarto ngyong mga panahong ito malamang robot kayo. takot ba kayo mangitim? sayang ang oras..life is so short ika nga ng moffats. anong malay nyo baka huling lent nyo na to..hehe!
marami na ang nakatikim ng beach, marami na ang namangka, marami na ang lumangoy at marami ng nagsuot ng bikini (ayos! legal na naman ang pamboboso)…uso na naman ang mga tan. masarap sanang pagmasdan ang mga nagseseksihang babae sa dalampasigan bughaw na kalangitan at payapang karagatan na nakapalibot sa isla na may puting buhangin. naiimagine ko na naman ang sarili ko na hubad na nakatayo at nag iispray ng pabango sa buo kong katawan habang nag uunahang papalapit ang sang batalyong kababaihan sa kinaroroonan ko. nakakatakot rin pala. lalo lang ako mangangayayat sa islang yun kaya lilipat na lang ako ng ibang isla.
di ko na alam kung matutuloy pa ang pagtapak ko sa beach ngyong darating na huwebes kaya naghahanda na ako ng isang malupit na alternative relaxing solution. ang mamundok. sa katunayan marami kang madadaanang bundok papunta samin. taena yung kalsada pa lang eh parang isang masukal na trail na talaga. mukhang hindi nakakarelaks yung naiisip ko kaya wag na nga lang. ayoko lang naman kasi manood ng pelikula maghapon sa bahay..nakakabugnot naman na bakasyon yun. huling tikim ko pa ng beach ay sa Bataan (fact: 2 times pa lang ako nakaligo sa isang beach resort. unang beses eh sa Antique pa at bumabagyo kaya madilim ang kalangitan at malakas ang alon na pwede mong ikamatay pag nakatulog ka sandali sa pampang). tigang na ako sa mga beach.
kelangan ihanda ko na ang sarili ko ngyon pa lang para hindi ako masyadong malumbay at magmukhang byernes santo sa very good friday. try ko na lang panoorin ang binili kong “10 commandments” ng paulit ulit buong araw para makabisado ko ang sampung utos ng Diyos (kayo ba kabisado nyo pa?)..isa pa, dito ka lang makakakita ng red sea! at di lang yun..nahahati pa! san ka pa?! wala nyan sa boracay,bohol,puerto galera or kahit san mang lupalop ng beach ka magpunta. saka anong malay nyo mga girls baka reglahin kayo habang naliligo sa dagat..lols! (bitter na bitter ang dating). hmmm..kung swimming pool lang naman ang pag uusapan..ilang hakbang lang yun sa kinatitirikan ng bahay namin kaya walang kwenta. kahit kelan ko naman gustuhin ay kaya kong puntahan yun.
sarado ang lahat ng malls. wala muna akong window shopping sa mga panahong ito kaya kabawasan na naman ng pupuntahan…haaays wala na ko ibang maisip. beach lang talaga ang kasagutan sa workaholic kong katawan..(yun lang). so pano, dyan muna kayo mga kids at mag uumpisa na akong magbungkal ng lupa, mag imbak ng tubig na hinaluan ng asin at bumili ng sangkatutak na buhangin pang aquarium para sa gagawin kong improvised beach. para-paraan lang yan…
pinakyaw ni pacquiao! Marso 17, 2008
Posted by gasti in balitang isports.12 comments

makalipas ang 6 na nakabuburyong oras na coverage ng ch. 7 natapos rin ang laban sa pagitan nina marquez at pacquiao. malamang sa hindi eh napanood nyo rin naman siguro ito kaya hindi ko na ikukwento ng blow by blow ang mga pangyayari. saka kung gusto nyo talaga ng mga balita tungkol sa kung anik anik ng boxing inirerekomenda ko ang site na ito —> punch it!
gaya ng inaasahan ko eh maraming nagpuntang artista at politiko sa laban ni pacman. una kong napansin sa ringside ay si ciara sotto dahil sya naman ang kakanta ng national anthem..hindi na nakapagtataka na nandun sya pero anong ginagawa ni willie revillame? magkatabi pa sila ni ciara..feeling close? at di lang yun..mga 5 upuan lang ata ang pagitan nila kay bob arum, oscar dela hoya at pati na rin ng ring announcer..hanep!
nauna ko na rin nakita sa picture si richard gutierrez na nakipagkodakan pa kay Jinkee, si Jawo na lumaro pa sa crispa vs. toyota at syempre mawawala ba naman sa eksena ang ating bise presidente na si noli at ilocos sur gov na si chavit..mabuti na lang at walang FG akong namataan this time dahil sukang suka nako sa hilatsa ng pagmumukha ng baboy na yun. demmet! wala na ba kayong magawa sa mga pera nyo? bigay nyo na lang sakin. (more…)
mainit na balita Marso 13, 2008
Posted by gasti in balitang isports, muni-muni moments.25 comments
pulitika.
sa tuwing bubuksan ko ang tv ay wala kong ibang nakikita kundi ang pagmumukha ni Jun Lozada na pangisi ngisi at naglilibot sa mga eskwelahan at simbahan para humanap ng simpatiya. pati na rin ang painosente epek ng mag amang De Venecia..akala mo kung sinong malilinis ang mga kolokoy. mag ama nga kayo! puro kayo papansin. nakakasuya na dahil sa hindi matapos tapos na isyu tungkol sa ZTE na yan. malabo namang mapaalis si Gloria dahil mukhang binusog na nya ang mga sundalo natin. anong malay ko kung sinipingan nya pa lahat ng opisyales ng AFP para hindi bumaliktad sa kanya..kadiri naman yun.
2 panot laban sa isang full grown baboy ramo w/ miniature kuneho. ang saya saya noh?!
