jump to navigation

ipa-carwash mo na yan Marso 3, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
15 comments

may mga taong ang turing sa sasakyan nila eh parang asawa na rin. binibilhan ng kung anik-anik na accesories, papabanguhan at pinapaliguan na rin. para mas masarap sakyan. ;)

nung mga panahong nagtutulak pa lang ako ng kariton para maghanap ng ikabubuhay (like pambili ng teks at dyolens) sa mga non-biodegradable na garbage sa compound namin at nakikipagmurahan sa mga barumbadong drayber na malakas bumisina kapag tumatawid ako ng kalsada, nagwiwish na ako kay papa Jesus na makapagmaneho ako ng isang sasakyan na hindi de-tulak. yung kinakargahan ba ng diesel o unleaded. para cool.

uu nakahawak na ako ng kariton :D may katabi kasi kaming junk shop na pagmamay ari naman ng ninong ko kaya nakakahiram kami para dun ilagay ang mga nakulimbat naming basura. takot yata kaming maluslusan noon kaya di kami nagbubuhat ng mabigat. well kung itsura lang din naman ang pagbabasehan, mukha nga kaming magbabasura. lols! (may karugtong…)