pinakyaw ni pacquiao! Marso 17, 2008
Posted by gasti in balitang isports.12 comments

makalipas ang 6 na nakabuburyong oras na coverage ng ch. 7 natapos rin ang laban sa pagitan nina marquez at pacquiao. malamang sa hindi eh napanood nyo rin naman siguro ito kaya hindi ko na ikukwento ng blow by blow ang mga pangyayari. saka kung gusto nyo talaga ng mga balita tungkol sa kung anik anik ng boxing inirerekomenda ko ang site na ito —> punch it!
gaya ng inaasahan ko eh maraming nagpuntang artista at politiko sa laban ni pacman. una kong napansin sa ringside ay si ciara sotto dahil sya naman ang kakanta ng national anthem..hindi na nakapagtataka na nandun sya pero anong ginagawa ni willie revillame? magkatabi pa sila ni ciara..feeling close? at di lang yun..mga 5 upuan lang ata ang pagitan nila kay bob arum, oscar dela hoya at pati na rin ng ring announcer..hanep!
nauna ko na rin nakita sa picture si richard gutierrez na nakipagkodakan pa kay Jinkee, si Jawo na lumaro pa sa crispa vs. toyota at syempre mawawala ba naman sa eksena ang ating bise presidente na si noli at ilocos sur gov na si chavit..mabuti na lang at walang FG akong namataan this time dahil sukang suka nako sa hilatsa ng pagmumukha ng baboy na yun. demmet! wala na ba kayong magawa sa mga pera nyo? bigay nyo na lang sakin. (may karugtong…)

