why men lie Marso 10, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.26 comments

nabasa ko lang kung san yan. pero wala naman akong sinabi na kaya ko dilaan ang mga betlogs ko..di naman ako ganun ka-flexible. kung kaya nyo, talent nyo yan..baka naman may lahi talaga kayong aso.
alam kong marami pa ring girls ang naghahanap ng kasagutan sa tanong na ito. yung mga girls na sarado ang utak at kapapanganak pa lang kahapon. mga paparating pa lang sa masaya ngunit madugong puberty stage at kakatubo pa lang ng kulot na buhok na kaylanman ay hindi tatalaban ng pag-rebond. mahirap ba talagang intindihin? or ayaw nyo lang intindihin.
well kung tutuusin eh hindi lang naman lalaki ang nagsisinungaling..kahit ano pang kasarian mo eh paniguradong nagawa mo na rin yan pero bakit lagi na lang nadidiin ang mga lalaki pagdating sa usaping kasinungalingan? dahil ba sa mas madalas kami magsinungaling compared sa babae? hmmm..maybe! (*sabay ngiti mala-austin powers). di naman siguro. dapat nyong malaman na ang mundo ay bilog..ok fine oblong kung trip nyo..kaya nga nabubuhay tayo sa mundo kung saan maraming nambibilog ng ulo. kelangan rin naman mag adjust. mag adapt sa kapaligiran natin. walang manloloko kung walang nagpapaloko. wag nyong idahilan na mahina kayo dahil pwede rin naming gawing dahilan yan kapag inakit kami ng ibang babae..gusto nyo ba yun? (may karugtong…)
I need a little help here! Marso 7, 2008
Posted by gasti in kamalasan.20 comments
kapag minamalas ka nga naman..akala ko ay ok na ang lahat dahil walang aberya o kahit anong error ako naranasan habang ina-update ko ang psp slim ko mula ver. 3.71 papuntang 3.90 (update patch downloaded from here). di rin ganun katagal ang update process kaya smooth na smooth ang bawat pindot ko. ok ang lahat (yun ang akala ko). pag-check ko ng system info 3.90 na yung version. andun pa rin ang mga naka-save kong music, video at pictures. meron na rin akong skype at internet radio. pero nung maglalaro na sana ako ng games, napamura na lang ako dahil ito ang bumungad sakin –> “There are no games” putah! eh mahigit 10 games ang naka save dun! ang ipinagtataka ko lang hindi nadagdagan ang free space ng memory stick..ganun pa rin. ibig sabihin andun pa rin dapat yung mga games..pero naghagilap na ko saan mang sulok ng folders na meron ang istik ko..wala akong makitang games. at isa pa hindi na nag aapear ang settings kapag kinlick ko ang select button. anong kababalaghan to? badtrip! kelangan ko na ipatingin to sa repair shop mamaya pag uwi ko. arrrgh! gastos na naman…
“bakit ka ba kasi nag update?”. gusto ko na lang iumpog ang ulo ko sa pader kapag naiisip ko yan. ginawa pa akong katatawanan ng misis ko dahil hindi maeksplika yung itsura ko kahapon. luging lugi. eh anong magagawa ko andyan na yan. hindi naman siguro sya nag crash dahil nagagamit ko pa rin. kaya umaasa akong kaya pang maibalik sa dati ang mga games nun. (madali namang kumopya sa iba). next time talaga hindi na ko mag uupdate ng mga letseng patch na yan. hindi ka pala nakakasigurado sa magiging resulta.
Update: alam ko na ngyon kung bakit nagkanda letse-letse ang psp ko. mukhang mahihirapan nga ako gawin ito ng sariling sikap. tsk tsk! anyways salamat na rin sa tumulong at nagpaalala sakin na mangmang talaga ako sa ganitong mga bagay.
ang bago kong tsekot Marso 5, 2008
Posted by gasti in kamalasan, kwentong pasahero, muni-muni moments.23 comments
hindi lang isang beses ngyayari sakin na natatapos ko muna ang isang blog entry bago ako makaisip ng akmang title. ako lang ba ang ganito?
nitong mga nagdaang araw mas lalong sumidhi ang kagustuhan kong bumili ng pandagdag sa collection ko. di ko mapigilang (as if nagpipigil talaga ako) hindi dumaan saglit sa loob ng mall bago umuwi. katapat lang kasi ng sinasakyan ko pauwi ang suki kong mall. ang ultra-electro-magnetic-megamall na under renovation pa rin ang bandang gitna. nalibot ko na rin siguro ang kasuluk-sulukang parte nun at kabisado ko na rin kung saan ang mga bilihan ng paborito kong laruan (bukod sa toy kingdom).
nung byernes, may naispatan akong kotse (‘02 chevy camaro) na ninais kong bilhin kaya lang eh hindi pa pumapasok sa ATM ko ang lintsak na sweldo na yan. kasya naman ang pera ko pambili nun kaya lang eh maglalakad ako pauwi. hindi naman ako makakasakay sa kotseng singlaki lang ng hinlalaki ko at hindi pa bumubukas ang pinto (nagbabalak pa talaga pumasok eh noh?). sinabi ko na lang sa sarili ko na babalikan ko na lang. sa pagpunta ko naman sa isang store, nakakita ulit ako ng camaro..mas malaki (mga isang dangkal) at kahawig ni bumblebee sa transformers pero syempre mas mahal. 4 digits. binalak ko rin bilhin yun pero buti na lang wala akong pambili. di ko rin naman sya ganun kagusto. medyo pihikan kasi ako sa pagpili ng mga laruan. pagkatapos ko inggitin ang sarili ko sa mga pinuntahan kong lugar napagpasyahan ko ng umuwi. (may karugtong…)
ipa-carwash mo na yan Marso 3, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.15 comments
may mga taong ang turing sa sasakyan nila eh parang asawa na rin. binibilhan ng kung anik-anik na accesories, papabanguhan at pinapaliguan na rin. para mas masarap sakyan.
nung mga panahong nagtutulak pa lang ako ng kariton para maghanap ng ikabubuhay (like pambili ng teks at dyolens) sa mga non-biodegradable na garbage sa compound namin at nakikipagmurahan sa mga barumbadong drayber na malakas bumisina kapag tumatawid ako ng kalsada, nagwiwish na ako kay papa Jesus na makapagmaneho ako ng isang sasakyan na hindi de-tulak. yung kinakargahan ba ng diesel o unleaded. para cool.
uu nakahawak na ako ng kariton
may katabi kasi kaming junk shop na pagmamay ari naman ng ninong ko kaya nakakahiram kami para dun ilagay ang mga nakulimbat naming basura. takot yata kaming maluslusan noon kaya di kami nagbubuhat ng mabigat. well kung itsura lang din naman ang pagbabasehan, mukha nga kaming magbabasura. lols! (may karugtong…)


