jump to navigation

looks can be deceiving Abril 30, 2008

Posted by gasti in to whom it may concern.
29 comments

nitong mga nakaraang araw hindi miminsan na inisip ko na magpost na ng pic ko dito sa blog ko. pero ewan at parang may pumipigil sa akin na gawin yun. marami na rin akong blog na napuntahan at karamihan sa kanila ay naglalaman ng larawan ng may akda. kahit yung mga hindi nagpapakita ng mga itsura nila dati, ngyon eh naglaladlad na rin. ang batjay fanatic na si jeck unang lumabas ang mukha suot ang napanalunan nyang GreenPinoy shirt, si Maldito naman rumarampa na ngyon ng naka t-brief sa kalsada! bilib naman ako sa marketing strategy ni mokong. magaling dumiskarte para makahatak ng customer. porsyentuhan mo ako ah..nga pala pinost ko na yung pic mo sa ebay..hehe! si chilli naman kahit tago mukha nya sa yumao nyang blog eh araw araw ko naman syang nakikita rito sa ofis..si pareng badoodles rin walang takot nagsiwalat ng wedding pics nila ng bebe nya..si randomdemeanor nakita ko na rin sa petmagazine. si lingling ganun din nanonood pa ng basketball game medyo patalikod nga lang. pati si koreanmine nagkakaroon na ng linaw ang mga pics nya. perstaym rin si xienah nagpakita ng kabuuan ng kanyang likod. at eto ngang huli ay ang napakakontrobersyal na si mang jon este Jon “the man!” cabron na kasalukuyang nakikipagbuno sa distractor nya. nagulat ako dahil di ko akalaing isisiwalat nya ang flickr account nya at isa pa hindi sya mukhang mabangis gaya ng nabuo sa isipan ko. looks can be deceiving ika nga.

sa maniwala kayo’t sa hindi nakapagpost na ako ng pic ko rito sa blog ko. mga 5 days din ang itinagal bago ko binura dahil wala lang. trip ko lang. yung mga yumao ko ring blogs meron ding litrato ko pati na rin mga dabarkads ko nung college. at naalala ko pa pati studio pic ng anak ko pinost ko sa isang entry dun. ganun ako magpost dati. kumbaga sa exam, open notes..pero simula ng magtago ako tinigil ko na ang pakitaan sa sistema ko ng pagsusulat. simple lang dahil ayokong matunton ng mga pinagtataguan ko lalo na ng misis ko dahil pakiramdam ko eh ipapupulis nya ako sa mga pinagsusulat ko. patong patong na kaso ang pwede nyang isampa sa akin na may kinalaman sa kabastusan at pambababae. naturalmente, “not guilty” ang plead ko sa mga yan dahil inosente akong tao. gamit ang laspag na linyang “were just friends” at sa mga mapagkumbabang sagot na “di ko yan kilala sa personal at hindi naman ako nakikipag eb eh” with matching maamong tupa looks at me-love-you-longtime facial expressions eh nakaraos rin ako sa bagsik ng liedetector. (may karugtong…)

makasalanang mata Abril 28, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
14 comments

(hard hat area: safety first) ;)

ang isa sa mga sangkatutak na physical qualities na nagustuhan sakin ng misis ko at ng mga kaibigan kong babae ay ang aking mga mata. huli na siguro ang katawan. naging kapansin pansin ito dahil noonpaman ay may ‘pilantik’ na raw ito gaya ng sa babae. maihahalintulad mo rin ito sa pilikmata ng kambing dahil sa nakakapagpaligaya rin ito ng kababaihan (in a different way). wala naman akong nakikitang kaibahan nito sa mga matang nakikita ko maliban na lang kung banlag at duling ang makaharap ko. gaya ng ibang pinoy, kayumanggi rin ang kulay ng mga mata ko.

sa tuwing may makakakita sakin sa unang pagkakataon (noon), lagi na lang pinapansin ang mata ko. epektib rin pala ang turo ng nanay ko kung pano “mag-beautiful eyes”. galeng! kapag ginisang gulay ang niluluto ng ermats ko, talagang hinahanap ko pa ang mga kalabasa para kainin ito. hinahalo ko pa sa kanin na parang “star rice” ang dating. pakiramdam ko kasi lumilinaw at gumaganda ang mata ko pag kumakain ako nun. kelangan alagaan ang asset dahil magagamit ko to sa pamboboso este sa panliligaw pala. sabi nga nila “beauty is in the eye of the beholder” so meaning nasa mata talaga ang sukatan ng kagandahan (sorta kinda parang ganun).

at ayun na nga ang ngyari. kaunting pagpapa-cute lang with matching tons of made-up-stories (patawa epeks), naka-score din ako. naging kami ng misis ko. patago nga lang ang relasyon namin noon dahil baka malaman ng iba kong kabarkada at lalo na ng kapatid nya na classmate ko rin. ah basta magulo yung part na yun ng college life ko. (mahilig nga kasi sa patago!) di kalaunan gaya ng blog ko, nabuking rin kami. lakas loob naming ibinunyag sa kanila ang aming sikreto dahil sa mahirap naman talaga ang buhay-pugante. makalipas ang ilang buwan, ok na ulit ang lahat. (may karugtong…)

where’s chilli? Abril 24, 2008

Posted by gasti in to whom it may concern.
22 comments

dine-dedicate ko ang post na ito para sa isang kaibigan nating yumao na (sa blogging world). sa mga kaibigan, concern citizens, fans at detractors ni chilli, iniwan na po nya tayo. sumakabilang ulam na po sya.

biglaan to at hindi nya rin ako kinunsulta kung ano ang dapat nyang gawin sa blog nya. siguro eh ayaw na rin nyang pigilan ko sya. akala ko nga eh nagsu-surf lang sya ng malalaswang site sa tabi ko kasi medyo pawisan ang itsura nya at parang di mapakali yun pala eh nagde-delete na pala sya ng blog. nakangiti pa sya sakin nung tinawag nya ko.

chillidobo: uy pre may malungkot akong balita..magugulat ka!
gasti: ano yun?!
chillidobo: sige punta ka sa blog mo
gasti: ha? bakit may comment ka ba? sige check ko.
chillidobo: wala basta. click mo yung link ko.
gasti: ok. (at nakita ko rin ang pahina na nakita ng iba pang nilalang na bumibisita kay chilli) ano to? dinelete mo na blog mo? sinong umaway sayo? nabuking ka na ba?
chillidobo: wala naman. basta. saka ko na lang ikukwento.

at ganun na nga ang ngyari. kitams pare-pareho lang tayo walang muwang dito. nabanggit naman nyang baka gumawa ulit sya ng blog pero hindi pa sa ngyon at malamang sa ibang katauhan na (o kaulaman). nais nya  ipabatid sa inyo ang kanyang lubos na pasasalamat sa pagtangkilik, pagtikim, pagkagat, pagsubo at paglunok nyo ng mga nai-post nyang kwento. pare-pareho lang tayong nasarapan. pare-pareho lang tayong nabusog. chilli! ur da man! (apir!) sabay (utot). *palakpakan!

narito nga pala ang liham pamamaalam ng ating kaibigan na si chillidobo. ihanda na ang inyong telescope, binoculars at magnifying glass. makakatulong yun sa inyong pagbabasa ng maigi. salamat!

a chilli to remember

P.S. pasensya na at wala rin ako sa katinuan ngyon dahil sa dami kong iniisip. nasa ospital ang tatay ko simula pa lunes ng gabi. hindi pa sya makatayo dahil nahihilo sya. hindi ko sinasabi sa inyo to para magpaawa dahil ayoko ng may ganunan pang eksena. di ko alam ang iba sa inyo pero ako mahal ko ang tatay ko at sana gumaling na sya agad para makita nya at matirhan ang bahay na pinagtutulung tulungan naming ipagawa. at syempre gusto pa namin syang makasama ng matagal.

walang gana Abril 21, 2008

Posted by gasti in kamalasan, to whom it may concern.
17 comments

wala akong gana magblog ngyon pero heto pa rin ako at panakaw na gumagawa ng entry sa loob ng opisina. ayoko na kasi mag isip kaya sinusubukan ko na lang libangin ang sarili ko dito. try ko magtype gamit ang putotoy ko na singtigas ng bakal at singtatag ng bloke ng semento habang nilalasap ang buga ng aircon sa mukha ko. buti rito maginaw di ko ramdam ang summer. ang sarap dito!

natatawa ako na nababadtrip sa nakaraang post ko. di kasi naging maganda ang weekends na dumating samin. friday pa lang ng gabi suka na ng suka ang anak ko. pati saturday night ganun pa rin kaya sa ospital na ang bagsak namin. weird kasi walang lagnat tapos bigla na lang nag eexorcist pag gabi..tuwing inom ng gatas sinusuka..masigla naman kapag umaga. pagkatapos masusi ng mga espesyalista (out na muna rito sa ganitong usapan si Aling Pemya at mga iba pang albularyo dyan), may nakitang kung ano sa wiwi at pupu ng anak ko..at malamang eh nadale sya ng UTI. mahirap intindihin ang mga medical ek-ek na ganyan dahil kung baga sa gamot generic lang alam ko. eh kulang na lang ng “N” at iba na ang dating ng kung ano mang sakit na yan o kung ano ang sanhi nyan. medyo related naman dahil may kinalaman pala sa pagpipigil ng ihi yun. iba pa yan sa tinatawag nating “balisawsaw” dahil gusto mo namang umihi nun kaya lang wala lumalabas. pwede rin daw ang cause nun ay yung kinain nya bago ngyari ang pagsusuka (primary suspect: chicharon bulaklak care of yourstruly.) ayun ang huling kinain nya bago sya nagsuka. (may karugtong…)

pasensya na tao lang Abril 18, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, self review, to whom it may concern.
16 comments

nitong mga nakaraang araw pakiramdam ko nakikipag unahan ang blood pressure ko sa init ng summer. mabilis mag init ang ulo ko at kapag nasimulan na ng badtrip ako sa umaga tuloy tuloy na yun hanggang sa makatulog ako sa gabi. badtrip talaga. nung isang beses di ako makatulog sa sobrang bugnot kaya lumagok na lang ako ng redhorse. ayun maya maya lang tumba na agad. di ko na namalayan na meron palang gumalang lasing at naghahamon ng away sa tapat ng bahay namin mga alas dose ng madaling araw. siguro kung gising pa ko nun baka pinatulan ko sya. pero dahil sa may pamilya na pala ako baka nagtalukbong na lang ako ng kumot at unan. kinabukasan paggising, ang sakit na ng ulo ko. parang pinipigang ewan. kaya ayoko ng umiinom kapag galit eh doble lakas ng tama nun. ni hindi ko man lang nakalahati yung isang lata ng redhorse tapos ganito na epekto sakin. taena! anlakas ko pala uminom kung ganun.

sa totoo nyan eh kilala akong mahaba ang pasensya. bihira ako magmura sa totoong buhay. napapamura lang ako pag magkakasama kami ng kaibigan ko..katuwaan lang. at pag magkaaway kami ng misis ko. hehe! biro lang. di ko alam kung totoo ito ah! ang sabi ng mga matatanda samin hindi ka raw taga-marikina kung di ka palamura. kahit anong dahilan na lang kahit di galit may maririnig kang nagmumura. parang term of endearment ba. lalo na sa mga kabataan ngyon ang lulutong ng murahan nila. di ako mahilig makipag away..naniniwala ako sa katagang “make love not war”. mas ok namang tawaging malibog ka kesa naman mamamatay tao. pero kaya kong pumatay para sa mahal ko. hustisya nyo mukha nyo ngipin sa ngipin ang labanan dito. pag buhay ang inutang buhay rin ang kabayaran!. (may karugtong…)

wallet na maswerte Abril 15, 2008

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
18 comments

di ko na talaga maintindihan ang panahon ngyon. Abril pa lang. expected mo na mainit at nakatanaw ka sa asul na kalangitan kasabay ng pagsilay silay sa mga nakabikining chiching sa may dalampasigan pero bakit may bagyo? madilim ang kalangitan kahapon at panay ang ulan. akala ko katulad lang ng dati na sandali lang tapos mawawala na agad pero hindi. nagpabalik balik pa talaga. yung iba nga naming kapitbahay eh nakapaligo pa sa ulan. masama rin ang pakiramdam ko kahapon kaya di na ko pumasok. kain tulog lang ang ginawa ko maghapon.

tinext ako ng ka-opisina ko na palit daw kami ng sked dahil may sinalihan syang liga ng basketbol sa lugar nila. 8-5pm ako ngyon at bukas. wala namang kaso sakin yun dahil isang oras lang naman ako nag adjust. saka kahit 4pm naman ang uwian ko eh mga 4:30 nako nakakauwi. pero ngyon pagpatak ng alas singko impunto..out nako dito. :D   sweldo na sa wakas. eto lang naman ang masarap kapag nagtatrabaho ka. sunod na lang yung feeling na may “purpose” ka sa buhay.

kaya kahit mabigat pa rin ang katawan ko kanina pagkagising, pumasok na rin ako. dinaanan namin sila bayaw para sumabay na papasok. maingat akong nagpatakbo ng sasakyan dahil putik ang daraanan. may mga lugar na baha at as usual lubak lubak pa. bonus pa ang sakit sa tuhod ko na kaunting baluktot lang ay kumikirot na. pagkarating namin kanila bayaw, lumipat na ako sa passenger seat at nag relax. makalipas ang ilang minuto nasa tapat na kami ng building na pinapasukan ko. kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam na sa kanila.

parang may kulang. napansin ko na lang yun nung naka akyat nako sa office namin. nawawala ang wallet ko! potek! kahit piso walang laman ang bulsa ko. andaming pumasok sa isip kong paraan para kumita ng pera pamasahe mamaya kasama na ang pamamalimos sa kalsada at pangingikil sa mga dumadaan sa  lobby pero hindi pa ganun kakapal ang mukha ko. “dumilihensya ka muna sa mga bading sa kabila” friendly advise mula sa isang ka-opisina. muntik ko na rin yung patulan. (joke) mangungutang na lang ako sa kaopisina ko tutal sweldo na mamaya. maibabalik ko rin yun bukas. hindi naman siguro tototohanin ni misis ang sinabi nyang uubusin nya ang laman ng ATM ko bilang ganti dahil inililihim ko sa kanya ang kabuuang kinikita ko. naiwan ko pala sa sasakyan yung wallet. buti na rin at ganun ang nangyari at hindi naiwan kung saan. pero ang malas ko naman ngyon. kadalasan pag sinabi kong wala akong pera may mahuhugot pa rin barya sa wallet o di kaya ay makapag withdraw ng pera sa ATM pero ngyon talaga wala. tanging puri at dangal na lang ang meron sakin. di naman nakakabusog yun.

I want some pussy Abril 11, 2008

Posted by gasti in Uncategorized.
21 comments

alam ko bastos ang dating pero naghahanap talaga ako ng pusa na gagawin kong pet for life. prefferably persian cat dahil ito ang tipo ko. mabalahibong pusa. lols! ang hirap lang neto wala pa akong budget para dito kaya patingin tingin lang ako sa mga pet shops at kung saan saang websites kung saan at magkano ang bentahan ng laman pusa. nakakalungkot lang dahil ang mamahal ng presyo. gustuhin ko man makipagtawaran, di ko magawa. dahil wala pa nga ako pera eh..toinks! para ka lang nakipagbolahan sa tindera tapos in the end sasabihin mo na lang na “sige babalikan ko na lang”.

hindi naman sa ayaw ko ng aso sa katunayan nga eh isa ako sa pinanganak sa year of the dog. pero ayoko lang mag alaga. nakakarindi kasi sila pag kumakahol. malandi pa sabik humalik tapos kapag minalas malas ka pa pati binti mo kakadyutin. wala din akong tyaga maglinis ng jebs ng aso. mabilis din bumaho kapag di napaliguan lalo na kung malaking lahi gaya ng st. bernard at labrador. cute sila uu pero mamumulubi ka naman sa pagme-maintain ng ganyang kalalaking alaga. saka mas mahal talaga mag alaga ng imported na aso compared sa pusa. pass muna ako sa mga askal at pusakal dahil gusto ko naman makaranas mag alaga ng ibang lahi.

at sa paghahagilap ko nga ng mga cute and lovable pussy na hindi gaano kamahalan ang presyo, nakakita ako ng isang seller na abnormal. agaw pansin ang binebenta nyang pusa dahil sa nagkakahalaga lang ito ng 50 pesos! negotiable pa amputa! ngyon lang ako nakakita ng ganitong klaseng advertisement pamatay sa talents at features ang binubugaw este binebenta nya. tingnan nyo baka sakaling interesado kayo click here —> cute adorable pussy cat

andami talagang nagkalat na luko-luko sa internet. lols!