let me explain Abril 1, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, pampakiliti.21 comments
araw ng sweldo. tahimik ang kapaligiran at walang imik ang aking mga opismates. ang boss ko ay nasa loob ng kanyang kwarto at may kinakausap sa telepono. busy rin. at ako? nasa loob ng conference room kasama ang isang maalindog na kliyente. mahaba at tuwid ang kanyang buhok. humahalimuyak ang kanyang amoy na bagong paligo sa bawat sulok ng silid na yun. may katangkaran sya. mga 5″10 talampakan at hanep sa kurbada ng katawan. halos pumutok na ang blouse nya dahil sa nagmumurang boobs na mahirap isnabin. wari’y nangungusap “tang ina mo! ano pang hinihintay mo dyan?! dakmain mo na!”. parang ganyan ang sabi. samahan pa ng itim na pantalong hapit na hapit na lalong nagpaumbok ng kanyang pwitan at take note of this mga barako boys..nakasuot sya ng t-back na panty! langyang buhay to! malamig naman ang buga ng hangin ng aircon pero init na init ang pakiramdam ko.
nasa kasarapan kami ng kwentuhan ng babaeng ito ng biglang may dumaang bubuwit! laking gulat ko na lang ng bigla syang kumandong sa akin. pilit nyang itinatago ang maamo nyang mukha sa dibdib ko. takot na takot sya at mahigpit ang yakap nya sakin na para bang ayaw nya na akong bitawan. ganitong yakap ang napapanood ko sa isang eksena sa pelikula kung saan papuntang abroad ang lalaki o di kaya naman ay papasakay ng bus paluwas ng probinsya habang pinipigilan syang umalis ng isang umiiyak na chiching. wala akong balak maging artista pero sa pagkakataong ito pakiramdam ko ako na si Robin Padilla. gusto ko na ring maghubad at ipakita ang nagwawala kong dragon. (may karugtong…)

