accident prone day Abril 3, 2008
Posted by gasti in kamalasan.16 comments
ang sama naman ng araw ko kahapon. di kaya dahil sa kinain kong “samba corned beef”? ayoko naman sisihin ang mga brazillian dahil napamahal na sila sakin. hehe! pero anong meron kahapon at parang sinubukan yata ang pasensya ko. una. kulay putik ang lumabas na tubig sa gripo ng banyo. magdamag nila pinatay yun dahil meron daw maintenance na naganap pero nung magkaroon naman di mo pwedeng magamit. eh para ka ng naligo sa tubig buha nyan. wala namang ulan. kaya ang naisip naman namin eh makiligo na lang sa bahay nila erpats sa marikina. mabilis namin hinanda ang gamit na isasalpak sa sasakyan at paalis na sana ng biglang..tick! ayaw umandar ng sasakyan! anong kababalaghan to? chineck ko agad ang baterya ng sasakyan. konting himas at tapik tapik (dahil hindi ko naman talaga alam ang dapat ko gawin). after 20 trials, ayun umandar naman ng isang beses pero namatay ulit at hindi na muling nabuhay. parang naalimpungatan lang tapos natulog ulit. langya! wala pang load ang mga celfon namin..buti na lang at may maagang nagbukas ng tindahan at nakagamit kami ng payphone para humingi ng sasaklolo. makalipas ang ilang minuto dumating naman ang mekaniko at binigyan nya ako ng tutorial. ang akala ko kasi nung una ay pandikit ang kulay asul na nakapaligid sa baterya pero hindi pala..in fact “tae” pala ang tawag nila dun dahil ito yung asido na binubulwak ng baterya na kayang tumunaw ng bakal. anyways pagkatapos palitan ang sirang battery terminal at paliguan ang baterya, umandar na ulit ang sasakyan. pero huli na para sakin dahil late na ko sa pagpasok. kaya nag leave na lang ako
hinatid ko na lang si misis sa sakayan at ang anak ko naman sa bahay ng byenan ko. ako naman ay dumiretso sa 25 yrs old na bahay nila erpats para maging karpintero. pinapaayos kasi yun at 2 lang ang karpinterong gumagawa kasama ang kapatid ko na kasalukuyang nakabakasyon. para na rin akong nag-gym dahil sumakit din ang katawan ko sa sobrang bigat ng mga kahoy na binuhat namin. kinailangan ko pang uminom ng “cobra energy drink” (tamang sponsor sa blog post) para kumbinsihin ang sarili ko na kaya ko pa. (may karugtong…)

