tenk yu rin Abril 10, 2008
Posted by gasti in kamalasan, kwentong pasahero.19 comments
pakiramdam ko nadagdagan ako ng 3 pounds kaninang umaga kaya medyo hirap ako bumangon sa higaan. pero dahil sa ayokong sirain ang araw ko, hindi ko na chineck sa weighing scale. pagdating sa mesa mga ilang minuto ko munang tinitigan ang sinangag na kanin, daing at kamatis na nakahalo sa patis bago ako ngumanga para maghikab. “maaga pa” sa isip isip ko. pinilit kong kumain pa rin dahil sa yun ang turo ng mga yumao kong titsers nung elementary na “don’t skip breakfast because it’s the most important meal of the day”. inubos ko rin ang milo na tinimpla ni misis at lumagok na rin ng tubig para pampawala ng tamis sa dila. (may karugtong…)

