jump to navigation

wallet na maswerte Abril 15, 2008

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
18 comments

di ko na talaga maintindihan ang panahon ngyon. Abril pa lang. expected mo na mainit at nakatanaw ka sa asul na kalangitan kasabay ng pagsilay silay sa mga nakabikining chiching sa may dalampasigan pero bakit may bagyo? madilim ang kalangitan kahapon at panay ang ulan. akala ko katulad lang ng dati na sandali lang tapos mawawala na agad pero hindi. nagpabalik balik pa talaga. yung iba nga naming kapitbahay eh nakapaligo pa sa ulan. masama rin ang pakiramdam ko kahapon kaya di na ko pumasok. kain tulog lang ang ginawa ko maghapon.

tinext ako ng ka-opisina ko na palit daw kami ng sked dahil may sinalihan syang liga ng basketbol sa lugar nila. 8-5pm ako ngyon at bukas. wala namang kaso sakin yun dahil isang oras lang naman ako nag adjust. saka kahit 4pm naman ang uwian ko eh mga 4:30 nako nakakauwi. pero ngyon pagpatak ng alas singko impunto..out nako dito. :D   sweldo na sa wakas. eto lang naman ang masarap kapag nagtatrabaho ka. sunod na lang yung feeling na may “purpose” ka sa buhay.

kaya kahit mabigat pa rin ang katawan ko kanina pagkagising, pumasok na rin ako. dinaanan namin sila bayaw para sumabay na papasok. maingat akong nagpatakbo ng sasakyan dahil putik ang daraanan. may mga lugar na baha at as usual lubak lubak pa. bonus pa ang sakit sa tuhod ko na kaunting baluktot lang ay kumikirot na. pagkarating namin kanila bayaw, lumipat na ako sa passenger seat at nag relax. makalipas ang ilang minuto nasa tapat na kami ng building na pinapasukan ko. kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam na sa kanila.

parang may kulang. napansin ko na lang yun nung naka akyat nako sa office namin. nawawala ang wallet ko! potek! kahit piso walang laman ang bulsa ko. andaming pumasok sa isip kong paraan para kumita ng pera pamasahe mamaya kasama na ang pamamalimos sa kalsada at pangingikil sa mga dumadaan sa  lobby pero hindi pa ganun kakapal ang mukha ko. “dumilihensya ka muna sa mga bading sa kabila” friendly advise mula sa isang ka-opisina. muntik ko na rin yung patulan. (joke) mangungutang na lang ako sa kaopisina ko tutal sweldo na mamaya. maibabalik ko rin yun bukas. hindi naman siguro tototohanin ni misis ang sinabi nyang uubusin nya ang laman ng ATM ko bilang ganti dahil inililihim ko sa kanya ang kabuuang kinikita ko. naiwan ko pala sa sasakyan yung wallet. buti na rin at ganun ang nangyari at hindi naiwan kung saan. pero ang malas ko naman ngyon. kadalasan pag sinabi kong wala akong pera may mahuhugot pa rin barya sa wallet o di kaya ay makapag withdraw ng pera sa ATM pero ngyon talaga wala. tanging puri at dangal na lang ang meron sakin. di naman nakakabusog yun.