sana dalawa ang puso ko Mayo 30, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.21 comments
” Para bang tukso na ‘di ko kayang matalo
Isip ko’y lito, walang mapili sa inyo “
pero bago pa ko paluin ng tubo ng misis ko kapag nabasa nya to, ngyon pa lang liliwanagin ko na. hindi patungkol sakin ang entry na to dahil hindi sasapat ang 2 puso sa pag ibig na kaya kong ibigay (yun yown eh!)..sampuin nyo pa siguro baka pwede (toinks!). si marco sison nga eh di makapili kung sino kanila aida, lorna at fe ang seseryosohin nya. eto pa si sean kingston may suicidal tendencies pa dahil lang sa magagandang babae. isang malaking katangahan! buti pa si jose mari chan stick-to-one..beautiful girl lang ang hanap. isa lang! or pwede ring gaya ko nung araw na sa tuwing may makakasalubong akong maganda sa campus ay mapapakanta na lang ako ng beautiful girl na yan. lols! ♫♪ beautiful girl..i’ll search on for you..’till all of your loveliness in my arms come true..you’ve made me love again..after a long, long while..in love again..and Im glad that it’s you..♫♪
sabihin na nating marami talagang naglipanang babaero sa mundo ngyon pero nakatitiyak akong mas marami ang lalaking tinubuan na ng kalyo sa magkabilang palad at nakukuntento na lang sa panonood ng malaswang palabas at pamboboso sa mga girls dahil sa pagkasawi sa pag ibig. karamihan sa kanila ay kasapi sa ligaw-tingin boys. nakakahiya man ay aaminin kong dati rin akong member noon. takot kasi akong masaktan (charing!). pero ang totoo nyan eh wala talaga akong bilib sa sarili ko. papano ka naman kasi makakaporma kung wala kang pangporma? ang baon ko noon ay tama lang para sa pamasahe sa jeep, pang-lunch at pang window shopping noong hayskul. pano ko pa maisisingit ang panliligaw dyan na kinabibilangan ng hatid (pera), bulaklak(pera),chocolates(pera), hallmark card(pera), at ang pinakamasaklap..pang date! (libre pakain, painom at panood ng sine sa chiching)..langya! sino ba kasi nagpauso nyan?
naaalibadbaran ako sa mga taong presko..sila kasi ang may lakas na loob manligaw dahil malaki ang baon na nakukuha nila sa mayayaman nilang magulang. sabayan mo pa ng angking kahusayan sa pagpapaikot ng ulo ng babae at presto! mamaya lang eh ka-holding hands na nila yung chiching na pinapantasya mo. di naging patas ang laban naming mga kalalakihan..kung sino ang may pera, sila ang napupusuan. kung sakaling makatyamba ka naman, in the long run eh maghihwalay rin kayo lalo na’t makakilala sya ng mas mayaman at mas may dating…financially secured ang labanan ngyon..ang mga babaeng tinutukoy ko rito ay karaniwan nyo ng napapanood sa mga pinay scandals. ang mga lalaking naka-unggoy..malaki ang tyan pero may magarang celfon starring their hot and sexy gf (or former gf) in a very intimate scene made for public viewing in order to achieve fame and boost the ego of the male participant/cameraman. langya yung iba ang lakas ng loob magpost ng video anliliit naman ng titi! kaya rin siguro walang pinapakitang mukha. lols!
sa ngyon naman eh di na ko namomroblema tungkol sa pag ibig. ang tanging panliligaw na lang na ginagawa ko ay sa mga kumpanya na gusto kong lipatan. masakit sa ulo at sa bulsa kapag na-inlove ka na. pero ito rin ang pakiramdam na hindi kayang ibigay sayo ng kahit pa ng pinakamagaling na pokpok sa buong mundo. di kayang tumbasan ng pera ang ngiti na nakukuha mo kapag kinikiliti ka sa tagiliran at hinahampas sa balikat ng babaeng nagpatibok sa puso mo…ang sayang dulot ng mga simpleng pagngiti nya kapag nagkatitigan kayo. masarap ma-inlove. it’s all worth the risk..at di mo na kelangan ng dalawa, tatlo o sampung puso para mapatunayan yan sa sarili mo. sapat na ang isa.
ang tanong eh marunong ka na ba magmahal? sus! libog lang yan!
salamat sa youtube Mayo 28, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.8 comments
kaninang umaga naalimpungatan ako at nagising. pagtingin ko sa cp/relo ko, wala pa palang alas singko kaya pumikit ako ulit. di naman ako makatulog dahil naiisip ko rin na maya maya lang eh babangon na rin ako para maghandang pumasok. patingin tingin pa rin ako sa orasan hanggang sa ang huling naalala ko 5:14am. dito nako nawalan ng ulirat..nagising na lang ulit ako dahil naramdaman kong kinikiliti na ng nanay ko ang talampakan ko. potek! 6:00am na pala. inisip kong wag na kumain dahil matatagalan lang ako pero hindi ko naman pwedeng balewalain na lang ang mga alaga kong bulate sa tyan dahil baka ubusin nila ang bituka ko. naghagilap agad ako ng tinapay pero sa kasamaang palad wala puro biskwit lang..yoko naman nun. wala rin pala akong choice kundi kainin ang nakahaing galunggong, tilapia at sinangag na kanin sa mesa. nakaraos naman ako ng matiwasay at may kabilisan gamit ang subo sabay lagok ng milo na pamamaraan. diretso na agad sa banyo para magtampisaw sa tubig. at nang makalabas ako ng banyo, 6:40 na pala. ayos! ilang oras naman kaya ang bubunuin ko sa byahe bago makarating sa opis? at hindi pa nga pala ako nakabihis. syet! kaya kumaripas ako ng takbo sa kwarto at dali-daling nagbihis. pero..wala naman akong makitang malinis na brief. asar talaga! magsusuot na sana ako ng pantalon kahit wala ng panloob pero naisip ko na masyado pang maaga para gawin ko yun. mahihirapan lang lalo ako maglakad ng maayos nyan. lalo pa pag ganitong panahon na malamig at may bitbit akong pasaway na ano. kaya naghagilap na lang ako sa sampayan at swerte namang namataan ko ang aking ever reliable and very durable bench hipster. daglian ko na itong sinuot at kumaripas ng takbo palabas..(naka-brief lang?) syempre pagkatapos ko suotin ang damit ko.
pagkalabas ko ng bahay naghagilap agad ako ng trycycle pero walang nakaparada. malas lang. kung kelan mo sila kelangan dun naman sila nawawala. naglakad pa tuloy ako ng mga dalawang kanto para makasakay ng jeep. pagdating sa sakayan papuntang Ortigas, pinagkalooban pa rin ako ni Lord ng natatanging sasakyan para makapasok. sakto ang dating ko papaalis na yung pangalawa sa huling batch ng pinagpala at isa na lang ang naiiwang bibyahe. dahil sa mabilis na rin ang byahe, nakarating ako ng mga bandang 7:30. not bad! swerte pa nga ako at ganun lang ang inabot ko.
at sa pagliliwaliw ko sa internet habang nag iintay ng makakasama sa opis. bukod sa mga sites na pampabuhay sa umaga, napadaan rin ako sa site ni wei at nakabasa ng kanyang pamomoroblema sa lovelife..at tighiyawat. pero wala naman akong kinalaman dun kaya nabaling ang atensyon ko dun sa link ng video na may nakalarawang magandang babae na may pangalang marie digby. parang pamilyar at nakita ko na yata sya noon (sa video din) pero di ko matandaan kung saan. at dahil sa nadismaya ako sa video dahil poster lang pala ang picture nung babae sa youtube, nagsearch pa ako ng ibang video nya at napili ko ang isang ito.
isn’t she lovely? isn’t she wonderful? ahehe!
chilli: yan na naman yang babaeng yan? yan din yung pinapanood ko sayo dati eh
gasti: ha? alin dun? hmm..ahhh naalala ko na sya rin pala yung kumanta ng acoustic version ng “umbrella” at ganito rin ang set-up. kumakanta habang nag-gigitara na nakaupo sa may sofa. galing!
maanghang pa rin Mayo 27, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.15 comments
hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. ito ay isa lamang anunsyo para sa mga interesadong nilalang na nakakakilala pa sa ating kaibigan na kilala sa bansag na chillidobo. medyo may katagalan na rin syang nawala at naghanap ng ibang pagkakalibangan pero di pa rin naman nawala ang kanyang dugo bilang isang manunulat. huling namataan noong mga huling araw ng Abril at marahil ang iba sa inyo ay nakabasa ng kanyang liham pamamaalam na pinost ko dito. wag kayo mag alala dahil nabasa naman nya lahat ng comments nyo at naihatid ko rin sa kanya ang lahat ng pabati at prayer request nyo. alam ko na nasiyahan sya sa mga nabasa nya dahil tulo sipon pa nga yan nagbabasa sa tabi ko. lalong lalo na dun sa mga nag effort pa talagang gawan ng entry ang pagkakawala nya..ang ilan pa sa nadiskubre namin eh may hidden crush pa ata sa kanya. lols! secret admirer ba. pero wag na nating usisain ang mga bagay bagay na ganyan. kung lovelife na yan, baka maunsyami pa kaya kunyari wala tayong alam..ahihi! sasamantalahin ko na itong pagkakataon na ito dahil hindi sya pumasok ngyon. bwahaha! wala ka ng magagawa. ibubugaw na ulit kita!
at dahil sa hindi naman sya gumawa ng magandang entrance para sa kanyang pagbabalik (sabik siguro kaya nagpost na agad ng adventure nya), ako na lang ang gagawa nun dito. sa pamamagitan ng pitak na ito ay maipapaalam ko sa iba pang nilalang na mahilig magbasa ng kabastusan na sya ay nagbalik na sa pagsusulat. o ano pang hinihintay nyo dyan? kainan na!
pakabit nga Mayo 26, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.18 comments
dati ko pang naisipan gawin ito pero wala namang nag aalok. bored na kasi ako pag nasa bahay at masisisi nyo ba ako kung maghanap ako ng ibang pagkakalibangan? uu may psp nga ako pero madalang lang ako makapaglaro nun dahil naadik na rin dun ang kapatid ko pati mga opismates ko. kapag bubuksan mo naman ang tv, wala kang ibang mapapanood kundi ch. 7 at 2. pwera na lang kung may laro sa basketball o boksing. nakakasuya na rin. kaya ang gagawin ko na lang eh lumabas ng bahay at pagmasdan kung papano manginain ng damo ang mga guinea pigs. kamusta naman ang weekends nyo?
dahil sa sinusumpong rin aman ako ng kasipagan kahit papano eh naglinis na lang ako ng sasakyan. ginaganahan na tuloy ako magdrive dahil epektib ang ginawa kong pagpapaganda. pinuno ko ng sampagita ang loob nito at nilagyan ko rin ng malaking sto.nino sa harapan ng manibela para pantaboy na rin sa mga lalapit na kotong cops. medyo mahirap nga lang tumingin sa dadaanan dahil ga-braso ang laki ng poon na nakaharang pero oks lang para sa safety naman ng byahe yun eh.
pagkatapos kong pagurin ang sarili ko ay bumalik na ako sa bahay. tyempo namang may isasalang na vcd ang utol ko para panoorin. naghanda na kami ng mga sitsirya para malamon habang kami ay nanonood. syempre kasama anak ko na seryosong nag aabang. nasanay na kasi sya na kapag may ipinasok na cd sa aming super high-tech advance technology dvd player imported from Quiapo eh puro disney at pixar ang palabas. wala syang kamuwang muwang na “brokeback mountain” ang panonoorin namin. very educational indeed. at uu tama ka. wala pa ni isa samin ang nakapanood ng palabas na yun. ganun kami ka-outdated sa mga pelikula.
taimtim kaming nanood at nasa eksena palang na getting-to-know-each-other ang mga aktor na tagong bading ng biglang may kumatok ng pinto. pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang isang estranghero at may inaalok sya. “sir gusto nyo pong magpakabit?”. medyo naalimpungatan ako sa sinabi nya dahil napakaganda ng bungad nya. “ano nga ulit yun?”. masarap sanang isipin na may kabitang mangyayari. alam kong ilegal ito pero diba nga sabi ko sa inyo bored nako? kaya papatulan ko na rin. ayun nga lang lalaki ang kausap ko at skycable ang inaalok nya ikabit sa bahay namin. sinipat ko muna maigi ang karakas nya dahil baka isa lamang itong patibong ng mga taong feeling superhero ng bayan. ayokong ma-imbestigador, xxx, bitag at mayari ni michael v. nakakahiya yun pag nagkataon.
sinabi ko sa kanyang wala ang tatay ko kaya hindi ako pwedeng basta basta na lang magpakabit at isa pa. andyan ang misis ko sa loob. ano na lang ang sasabihin nya pag nalamang nagpakabit ako sa isang gaya nya. at lalaki pa. anong aral naman kaya ang matututunan ng anak ko sa mga pinaggagawa ko? pero ayokong basta basta na lang magtaboy ng isang binatilyong may malupit na karanasan sa buhay at kasalukuyang naghahanap ng gamot pambili ng antibiotic dahil sa sugat na natamo nya sa kanyang bumbunan gawa ng pagkakabaril sa kanya sa ulo. ano kaya ang pakiramdam nya nung mga panahong pinagtulung tulungan syang kuyugin ng dalawampung katao? (duda ako rito dahil pano mo pa makukuhang magbilang ng taong sasapak sayo habang kasalukuyan kang nakikipagbuno pero di na mahalaga yun). malakas ang pagkakahampas sa kanya ng dos por kwatro na kahoy sa may batok na ikinawalan nya ng malay (sabay pakita ng peklat for evidence) at ang kahuli-hulihan nyang natatandaan ay may tumulong sa kanya habang sya ay nakadapa at duguan. isang binatilyo rin na isinalarawan nyang “ang gwapo gwapo” at balita nya ay madalas daw maging escort kapag may mga prusisyon sa lugar na yun. sayang lang at napatay. 7 saksak raw ang tinamo nito na posible pa sanang mabuhay kundi lang pinagod interbyuhin ng mga reporter sa loob ng 3 oras. at eto namang lalaki sa harap ko. himalang nabuhay pagkatapos madaplisan ng bala ng baril sa ulo. swerte lang daw sya dahil hindi agad naiputok ang paltik nung kaaway nya kaya nakailag pa sya kahit papano. mabait pa rin ang Dyos sa kanya. minalas nga lang yung tumulong.
di ko na namalayan ang oras sa dami ng pinag usapan namin. nakuha nya na ang tiwala ko pero hindi ang puso ko. hindi pa rin ako nagpapakabit. pero masigasig syang manuyo kaya nilapitan ko naman ang isa kong tito para samahan syang maghanap ng gustong kumabit. at tyempo namang matagal na pala nagtitiis sa ch.7 at 11 ang tito ko dahil sa lotek na antenna nila. yun lang daw ang malinaw ang resepsyon kaya nung nabanggit ko sa kanya na baka magpakabit na kami eh ginusto na rin nya para daw hati ng bayad.
pagdating nila erpats galing ng simbahan inabutan na lang nya kaming nagse-set up na ng pagkakabitan ng cable. wala na sya nagawa dahil andun na rin kaya kahit alam kong di sya pabor sa mga ilegal na kabitan na yan, di na sya naka-react pa. ang hirap pa ng lagay ko kasi ginawa pa akong helper nung cable guy. ako tagahawak ng hagdan. panay nga ang lingon ko dahil baka may dumaang pulis o skycable van at masaktuhan kami sa ganung posisyon. pag nagkataon tapos ang maliligayang araw ko. pero isang mabilisang kabitan lang ang naganap (quickie in short). ginamitan nya ng makabagong telephone wire instead of cable wire para daw hindi masisita ng mga cable companies. mahusay ka bata.
at sa one time payment na nagkakahalaga ng 500 pesos divided by 2 meron na ngyon kaming skycable sa bahay. nyahahaha! wag kayong magsusumbong ha!
P.S. baka may gusto pang magpakabit dyan sa inyo sabihin nyo lang sakin.
singitero Mayo 23, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.17 comments
normal na ang mga eksena ng mahahabang pila na makikita mo ngyon kahit saan lugar ka magpunta. at kung di ka pinalaking madupang ng magulang mo, malamang uuwi kang luhaan at babalik kinabukasan para makipagbuno ulit. kahit sa loob mismo ng bahay kelangan mo gamitin ang skills mo para hindi ka maunahan sa banyo..lalo na kung taeng tae ka na. gaya na lang kaninang umaga, pagkagising ko ay dumiretso na ko sa mesa para mag imbak ng kaunting laman sa tyan ko…para sakin isa yan sa mahirap na gawain lalo na kung di pa ako naaarawan. pero kelangan dahil ayoko naman magutuman sa byahe..ayoko rin ng kumakain sa byahe dahil di ko gustong mangamoy ang kinakain ko sa loob ng sasakyan. isunusumpa ko rin yung mga kumakain ng instant noodles lalong lalo na ng humpy dumpy sweet corn flavor sa mga sasakyang de-aircon. ang sarap mong sikmuraan sa leeg (nakatikim ka na nun?!) kahit pa babae ka. wala naman sigurong maganda at seksing babae na gagawa nun pero kung meron nga, yayain ko na lang siguro lumabas para mag-dinner..ahehe! magtatakip na lang ako ng ilong.
dahil sa kabagalan kong kumain, naunahan pa ko ni misis sa banyo. at dahil sa wala naman akong narinig na “plok! plok!” at tahimik na eksena sa banyo masasabi kong diretso ligo na ang ginawa nya. nakatapos na sya’t lahat sa paliligo. andun pa rin ako sa mesa na parang hamster sa dami ng kanin at ulam na nakapasak sa pisngi ko. di ko kasi malunok. nung nagbibihis na si misis, saka ko lang nalunok ang lahat ng kinain ko. muntik pa ko mabilaukan dahil nakalimutan kong ngumuya sa sobrang pagmamadali. pagkalagok ko ng milo na matabang ang lasa, biglang humarurot si misis papuntang banyo dahil napupupu na daw sya. at bilang isang tunay at sertipikadong gentleman slash track and field athlete, naunahan ko sya makalapit sa banyo at nagsimulang makipagpatintero..”ooops ako muna! hehe!”. pang asar lang dahil alam kong di marunong magpigil yun kapag nakaramdam ng tawag ng kalikasan..may mga araw pang kakaupo ko lang sa trono o kaya kakabuhos ko pa lang ng isang tabo ng tubig sa bumbunan ko ay saka naman nya ko kakatukin at pilit na palalabasin dahil napupupu na sya. magaling na babae. at sa muling pagpasok ko ng banyo, bigla na lang ako mapapasigaw ng “yuck bad smell! ang baho! ang bahooo! ang bahoooo namaaaan! nyahahaha!” pagkatapos nun ay magco-collupse na ko.
binabawi ko na ang mga sinabi ko kanina. odorless ang pupu ng misis ko. di ko alam kung pano nya nagagawa yun pero kapag nakikita ko syang umuusok na ang ilong sa galit, nawawala na yung amoy. pramis! galing nga eh!
buti na lang rin at maaga ang pasok ko sa opis. di ko na nararanasan ang pagpila para makasakay noong alas nuwebe pa ang shift ko. tinutubuan na ako ng ugat noon sa katagalang pumila at kung susumahin ang bawat minuto kong late noon, aabutin ng hundred hours yun. pero dahil mahal pa rin ako ni Lord, mga 6 times lang siguro ako nahuli ng boss ko. at wala ring kinakaltas sa sweldo ko. hehe!
madalas ding mag unahan dito sa paglalaro ng psp kapag lunch time. 3 lang naman sila nagpapalit-palitan kasama si chilli. car racing ang laro at para din silang nag-racing sa pag uunahan kung sino mauuna maglaro. dati rati kung sino mauna matapos kumain pero sa katagalan kung sino na ang unang pumiyok ng first! 2nd at no choice 3rd yung mabagal. nag iinit pa lang kami ng pagkain sa microwave nyan.
isa sa mga namimiss ko nung college ay ang mga pila sa enrollment. grabe yun! di pa kasi kami computerized ng mga panahong yun kaya talagang brasuhan ang labanan bago ka makaraos. ultimo babae walang pakialam kahit malamog ang dede nila para makasingit lang sa pila. at kapag may mga pagkakataon naman na babae ang kaharap mo at nakatutok na sa kargada mo ang pwet nila, ipagpasa-Diyos mo na lang ang lahat. kahit anong galeng mo magpigil, paniguradong may kikislot dyan at syempre ayaw mo namang maramdaman yun ng babae dahil masasabihan ka pang bastos/manyak/pervert na hindi mo naman talaga kagustuhan. biktima lang kami ng mga pagkakataon.
dito nga lang sa elevator eh madalas ang punuan kapag uwian. may nakasabay ako babae mga 5″2 cguro. ok naman yung suot..pang-summer kahit pa umuulan na sa labas. tyempong napatapat sya sa harapan ko. katabi ko rin ang 2 kong opismate at dun kami nakasandal sa dulo. maluwang pa nga nun kung tutuusin pagpasok namin pero pagdating sa bandang ibaba ng floor, dinagsa kami ng pasahero at nasiksik kami. prenteng prente ang pagkakasandal ng babae sa harapan ko at pakiramdam ko eh nakahiga talaga sya sakin. gusto kong deadmahin ang sitwasyon na yun kundi lang ngisi ng ngisi ang dalawang opismate ko. naka-steady lang ako nun at hindi kumikilos habang taimtim na nagdadasal na wag ako ipagkanulo ng pototoy ko. pagkabukas ng pinto saka lang ako nakahinga ng maayos. sa isip isip ko, ano kaya ang pakiramdam ng mga babaeng natutukan sa likod? given ng hindi pangit ang lalaki sa likuran. *ehem! ehem!
wer na me? Mayo 20, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, self review.28 comments
Magandang araw po sa inyong lahat at sana nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng daigdig kayo naroroon.
Andito ako ngyon sa opis at gulong gulo ang pag iisip dahil sa ilang mga bagay. nagkakamali kayo kung krisis sa bigas o pagtaas ng singil sa pasahe ang tinutukoy ko. wala na ako magagawa dyan at hindi ko na rin pinagtutunan yan ng pansin.
naka-focus ang atensyon ko ngyon sa career ko. at dahil ako lang ang nagma-manage nito, walang ibang pwedeng sisihin kung matatalo ako sa laban. ano na nga bang narating ko sa edad na 25? ni hindi man lang ako nakakaapak sa isla ng Boracay. ni hindi pa rin ako nakakalabas ng bansang to para maging tourist man lang. nakakalungkot ding isipin na napag iiwanan na pala ako ng iba kong ka-batchmates. malayo na ang narating nila. hindi lang lugar..sa career din.
pagka-graduate ko nung college, natagalan ako bago makahanap ng trabaho. sa dinami-dami ng inaplayan kong call center bilang tech support wala ni isa dun ang tumanggap sakin. kundi lagpak sa exam, sa interview naman sumasablay. saka ko na-realize na hindi para sakin ang trabahong yun dahil kahit pang-amerikano ang tangos ng ilong ko, hindi naman ganun ka-fluent ang wikang ingles ko. at isa pa na-realize ko na hindi ko pala kayang magtabaho ng graveyard shift dahil masyado ako antukin sa gabi. at kapag pinapasok naman ako ng madaling araw, mapapadaan ako sa mga kalsada na puno ng pokpok at patay sinding mga bahay aliwan, massage parlor, at whore house na walang tigil sa pangungulit na pagsilbihan ako. nakakatakot na mga pangitain.
ilang taon na rin ang nakalipas ng magsimula akong magtrabaho. 2nd job ko na to ngyon at dito na rin ako tumagal. magtatatlong taon na sa Oktubre. pero nararamdaman na ng bulsa ko na malapit na akong umalis dito. sa lalong madaling panahon habang hindi pa huli ang lahat. kelangan ko magsimula ulit.
pero ginugulo pa rin ako ng isipan ko. gustong gusto ko na umalis pero parang ang hirap naman tumayming! lalo na ngyon at matatanggap na namin sa katapusan ng buwang ito ang over-delayed salary increase na matagal na naming inaantay. meron na ring naka-iskedyul na company outing sa darating na June 27. ngyon lang ulit mangyayari to dahil last year hindi naasikaso. pero ang trabahong gusto kong aplayan as a trainee sa Makati ay hindi na rin makakapaghintay dahil baka maubusan na ako ng slut este slot. naihanda ko na ang resume ko at anytime pwede ko na simulan ang job hunting. mahirap rin talaga kapag may pamilya ka na dahil hindi lang sarili mo ang iniisip mo kundi pati na rin ang magiging kinabukasan ng mga anak mo.
this entry is inspired by Manny Pacquiao’s “Kumbinasyon” entries
sagutan na tayo Mayo 19, 2008
Posted by gasti in to whom it may concern.17 comments
akalain mo nga namang may nagtanong nga! salamat naman at nabigyang halaga nyo ang isang entry na bunga ng pagtatae ko nung byernes. at gaya ng napagkasunduan, eto na ang mga sagot ko sa tanong nyo.
From Mike:
asan ka nung sabado?
gasti: nasa bahay lang ako nung umaga at naglinis ng sasakyan tapos naggala kami sa riverbanks nung hapon. Bakit di mo na lang ako tinext? Adik!
From emoterang nurse:
eto lang tanong ko…anu ba kinain mu at ganyan ang nangyari syo…kamote ba?hehehehehe
gasti: yun nga ang palaisipan sakin hanggang ngyon. Suspetsa ko yung pasalubong na pagkain ni boss galing cebu. Pero lahat kami kumain nun at ako lang ang nagkaganito kaya imposible. Baka naman yung pekpek/pwet ng manok ang dahilan. For sure hindi kamote dahil matagal na akong di kumakain nun.
From kengkay:
anong size
gasti: nakow kengks andami namang posibleng isagot dyan sa tanong mo. Di mo kasi nililiwanag eh kaya eto na lang pili ka rito.
9 inches. 6 1/2 inches.
