jump to navigation

otso de Mayo Mayo 8, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
19 comments

itong araw na ito ang isa sa mga pinaka importante sa buhay ko. maliban syempre sa bday ko, ng asawa ko, ng anak ko at ng magulang at kapatid ko ito na yung isa sa mga araw na sineselebreyt namin. ang araw kung saan nabago ang marital status namin ni misis at pagpapalit ng apelyido nya. ang aming wedding anniversary.

eksato 3 taon na ang nakararaan kung saan ang isang totoy mola at ang kanyang iniirog ay nagpalitan ng matatamis na salita sa harap ng kanilang magulang at iba pang kamag anak. di ako mapakali ng mga oras na yun. wala pa nga siguro ako sa katinuan kaya madalas ako asarin ng kabarkada mo na parang hindi ako masaya sa kasal natin. kaunti lang ang mga pictures na nakalabas ang ipin ko pag ngumingiti. bihira magsalita..madalas nakatulala. in short wala sa pokus. at kamalas malasan pa, mag uumpisa na ang kasal saka ko pa lang naalala na naiwan ko pala ang mga singsing natin sa kama. haaays! alam ko nabadtrip ka sakin nun pero buti nakapagtimpi ka pa.

bata pa kasi tayo noon kung tutuusin pero nasa tamang edad na naman kung batas ang pag uusapan. desisyon natin pareho ang pagpapakasal at wala naman ako pinagsisisihan dun. sana ikaw rin. naging makabuluhan ang buhay ko nung dumating ka. unang kita ko pa lang sayo sa bahay nyo na nakasuot pantulog ka at naaaninag ko ang bakat mong panloob habang yakap yakap mo ang isang unan para maikubli ang iyong hinaharap, naramdaman ko na magiging malapit tayong magkaibigan. akala mo lang hindi ko alam pero nakutuban ko ng type mo ko. obvious ka kasi masyado…makahulugan ang mga tingin mo sakin at hindi maalis ang mga ngiti mo pag kausap mo ko. alam ko hindi naman ako pangit pero akala ko ba ayaw mo ng mas bata sayo? ahehe! biglang excemption to the rule agad ako. kabaliktaran naman ng pananaw ko sa buhay. lagi akong inaasar ng mga kabarkada ko na baka kasuhan ako ng pidopilya sa mga ginagawa ko dahil puro mga bata ang nilalandi ko. kundi man bata, tama na yung kasing edad sakin. yun ang akala nila dahil may history na ako dati na nagpalipad hangin sa mga ate ko ng maituturing noong hayskul. mas dalaga kasi sila kumilos at mas may dating kumpara sa mga isip bata na naglalaro ng patintero at tagu-taguan nung freshman pa lang ako. alam ko sa sarili ko na hindi ako tatagal makipagrelasyon sa mga isip batang babae. baka masaktan ko lang sila o masaktan nila ako. (may karugtong…)