nakapatay ako Mayo 13, 2008
Posted by gasti in kamalasan.30 comments
kahapon ng hapon pagkagaling ko ng opisina, pagod at gutom ang inabot ko sa sobrang pagmamadali umalis ng opis dahil ayokong abutan ng ulan. makulimlim kasi paglabas ko. pagdating sa marikina, napansin kong basa at may kaunting baha na sa kalsada..tapos na pala umulan dito. nadatnan ko sa bahay ang byenan ko at mga magulang ko na tuwang tuwang nanonood habang nagsasayaw ang anak ko to the tune of “low” by flo rida. nakngkamote. ang cute nya sumayaw kaya nakalimutan ko ng suyang suya na pala ako sa kantang yun.
hindi pa man din ako nakakapagbihis ng pambahay ay nagpaalam na umalis ang byenan ko at bigla namang nirekomenda ni misis na ihatid ko na sya sa may palengke tutal naman eh kelangan na raw namin bumili ng diapers at mineral water ng anak namin dahil ubos na. wala akong nagawa kundi sumunod at nagpalit na lang ako ng short para hindi naman ako OP sa mga taga palengke. kinuha ko ang susi at diretso na sa sasakyan. (may karugtong…)

