jump to navigation

itanong mo kay gasti! Mayo 16, 2008

Posted by gasti in to whom it may concern.
10 comments

gusto kong gumawa ng entry kanina pang umaga pero di ako makapag isip ng matino. 2 araw na kasi masama ang timpla ng tyan ko. gusto ko ngang palakpakan ang sarili ko dahil kahit taeng tae na ako at panay ang utot at dighay ko sa loob ng dalawang araw, hindi ko magawang magpalabas sa cr. hindi ako mapakali sa pwesto ko at iniiwasan kong mautot dahil baka may sumama ng ebs. taena talaga! naglilihi na siguro ako. kinwento ko nga pala kay misis yun dahil ayokong sarilinin ang baho. unang banat nya agad ay kung nagpalit na ba ako ng brief. sabi ko hindi. lols! wala naman mantya eh bakit ko papalitan? sayang ang laba. (as if ako naglalaba ng brief ko). iba naman kasi sa mga babae..bago matulog nagpapalit muna ng panty. para siguro fresh ang feeling. ako kasi kung gusto ko magpa-fresh eh nagtatanggal na lang ako ng brief. yun mas presko pa! wag lang kakagatin ng langgam.

nga pala napag isip isip ko na ititigil ko na ang pagbili ng mga brief at uumpisahan ko ng magkolek ng boxer shorts. napatunayan kong maaliwalas nga sa pakiramdam yun. pero ayaw naman ni misis dahil bastos daw. ah ewan. meron lang akong dalawang boxers sa bahay…yung isa eh regalo sakin ni hipag nung bday ko at yung isa naman eh galing sa dati kong opismate na babae rin..ahihi! (sumalangit nawa na naman ang kaluluwa ko neto) wala pa talaga akong nabibili na ako ang pumili ng design pero imperness..maganda yung mga binigay nila. puro checkerd.

at eto naman ang naisip ko ngyon lang tutal eh wala naman ako mai-update ngyong weekends dahil walang pasok kaya bibigyan ko ng pagkakataon ang mga maliligaw dito simula ngyong sandaling ito hanggang sa linggo na makapagtanong ng kahit anong gusto nyo malaman sakin. sa lunes ko lahat sasagutin yan (assuming na may magtanong). pero maximum na siguro yung 3 kada tao para di naman mabigat sa lungs. wala ng follow up question.

o sya sige parang mauutot na naman ako eh! dyan na kayo!