jump to navigation

wer na me? Mayo 20, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, self review.
28 comments

Magandang araw po sa inyong lahat at sana nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng daigdig kayo naroroon.

Andito ako ngyon sa opis at gulong gulo ang pag iisip dahil sa ilang mga bagay. nagkakamali kayo kung krisis sa bigas o pagtaas ng singil sa pasahe ang tinutukoy ko. wala na ako magagawa dyan at hindi ko na rin pinagtutunan yan ng pansin.

naka-focus ang atensyon ko ngyon sa career ko. at dahil ako lang ang nagma-manage nito, walang ibang pwedeng sisihin kung matatalo ako sa laban. ano na nga bang narating ko sa edad na 25? ni hindi man lang ako nakakaapak sa isla ng Boracay. ni hindi pa rin ako nakakalabas ng bansang to para maging tourist man lang. nakakalungkot ding isipin na napag iiwanan na pala ako ng iba kong ka-batchmates. malayo na ang narating nila. hindi lang lugar..sa career din.

pagka-graduate ko nung college, natagalan ako bago makahanap ng trabaho. sa dinami-dami ng inaplayan kong call center bilang tech support wala ni isa dun ang tumanggap sakin. kundi lagpak sa exam, sa interview naman sumasablay. saka ko na-realize na hindi para sakin ang trabahong yun dahil kahit pang-amerikano ang tangos ng ilong ko, hindi naman ganun ka-fluent ang wikang ingles ko. at isa pa na-realize ko na hindi ko pala kayang magtabaho ng graveyard shift dahil masyado ako antukin sa gabi. at kapag pinapasok naman ako ng madaling araw, mapapadaan ako sa mga kalsada na puno ng pokpok at patay sinding mga bahay aliwan, massage parlor, at whore house na walang tigil sa pangungulit na pagsilbihan ako. nakakatakot na mga pangitain.

ilang taon na rin ang nakalipas ng magsimula akong magtrabaho. 2nd job ko na to ngyon at dito na rin ako tumagal. magtatatlong taon na sa Oktubre. pero nararamdaman na ng bulsa ko na malapit na akong umalis dito. sa lalong madaling panahon habang hindi pa huli ang lahat. kelangan ko magsimula ulit.

pero ginugulo pa rin ako ng isipan ko. gustong gusto ko na umalis pero parang ang hirap naman tumayming! lalo na ngyon at matatanggap na namin sa katapusan ng buwang ito ang over-delayed salary increase na matagal na naming inaantay. meron na ring naka-iskedyul na company outing sa darating na June 27. ngyon lang ulit mangyayari to dahil last year hindi naasikaso. pero ang trabahong gusto kong aplayan as a trainee sa Makati ay hindi na rin makakapaghintay dahil baka maubusan na ako ng slut este slot. naihanda ko na ang resume ko at anytime pwede ko na simulan ang job hunting. mahirap rin talaga kapag may pamilya ka na dahil hindi lang sarili mo ang iniisip mo kundi pati na rin ang magiging kinabukasan ng mga anak mo.

this entry is inspired by Manny Pacquiao’s “Kumbinasyon” entries