jump to navigation

hinahamon kita Manny Hunyo 30, 2008

Posted by gasti in balitang isports, to whom it may concern.
30 comments

una sa lahat, gusto kitang i-congratulate sa pagkakapanalo mo kahapon. champion ka na ngyon sa lightweight category..lupit mo pards! pinataas mo na naman ang morale ng mga pilipino sa buong mundo.

135-145 pounds overnight. balita ko eh nagpigil ka pa sa pagkain nyan pero bakit ako hanggang ngyon 2 pounds per week lang ang kaya ko idagdag ng timbang. tapos overnight stay lang din yung dagdag na bigat sa katawan ko. di na kita ma-reach financially kahit physically hindi na rin..di ko na sasabihin sayo ang kasalukuyan kong timbang dahil ayokong kaawaan mo ako. darating tayo dyan..bigyan mo lang ako ng 2 months training sa wild card gym para makundisyon ko ang sarili ko. sabay tayo mag train ha! di ko kasi alam gagawin ko eh gusto ko sanang gayahin na lang yung routine mo kung pwede..tayo na lang din ang magka-sparring para tipid. (more…)

dog style Hunyo 26, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
30 comments

bihira akong makakita ng mga asong nagtitirahan sa kalsada sa mga panahon ngyon. siguro dahil pinasukan na rin sila ng malisya kahit papano kaya sa loob na lang ng mga bakuran sila nag aanuhan. malayo sa mapanghusgang mga mata at pagsaboy ng asin. takot na rin siguro silang masilo ng mga tauhan ng baranggay. pwede ring nagkukulong sila sa loob ng kwarto kasama ang kanilang mga amo at doon gumagawa ng kahihiyan.

nagulat na lang ako isang umaga nang makita ko ang dalawang aso namin na nag aanuhan sa tapat ng pinto. may kadena pa sila sa leeg pareho. nagpupumilit makawala yung bitch sa pagkakadikit nila hanggang sa makakawala na yung lalaki sa kadena..magkadikit pa rin. malupit talaga maka-ano ang aso. pangmatagalan. isipin mo na lang kung ganyan din ang ability ng sa tao. siguro isang anuhan lang mabubuntis na ang babae. papano mo naman makukuhang mag-withdraw pa nun kung hindi mo na mahugot? di ba?! parang masakit pa yun paghila.

makaraan ang ilang minuto, natapos na rin ang dog show. lupaypay sila pareho at kapwa dinidilaan ang ano nila. anytime soon magkakaroon na naman kami ng tuta at hindi pa namin alam ang gagawin sa mga yun. malamang ipamigay dahil mahirap mag alaga ng maraming aso..maingay! at makalat na rin kaya ayoko na ng aso eh..gusto ko talaga magkaron ng persian cat. at kahit pa alam kong manganganib ang buhay ng kahit anong uri ng pusa na alagaan ko sa bahay (dahil sa pagbabanta ni misis na gagawin nya itong siopao), sisikapin ko pa ring magkaron nito. sana lang wag na humantong sa papipiliin pa ako kung sino ang gusto ko makasama dahil baka yung pusa ang mapili ko.

marami talagang kababaihan ang ayaw sa pusa..suplado daw, tamad, magnanakaw, mapanghi at kung anu-ano pang pangungutya ang ibabansag nila dito. gustong gusto naman nila ng aso dahil cute, malambing, bantay sa bahay, loyal at lahat na ng katangiang kapag narinig mo ay sigurado ka ng diretso langit ang punta ng hayop na yun kapag namatay. pero hula ko merong malalim na dahilan kung bakit nila inaayawan ang pusa at gustong gusto ang aso. di kaya dahil mas madalas himasin ng partner nila ang pusa kesa sa pussy? at the same time eh kapag nakakakita naman sila ng aso eh bigla nilang naaalala ang sarap ng posisyong paborito nila. ewan ko lang. sige nga patunayan nyong mali ang suspetsa ko!

summer breeze Hunyo 24, 2008

Posted by gasti in bakasyon stories, kamalasan.
18 comments

ngyari na nga ang dapat mangyari. kahit pa may babalang signal no. 1 dun sa Batangas eh napagpasyahan pa rin naming tumuloy sa beach..syempre sayang naman ang pagpapa-full tank ng tatlong sasakyan, ang mga pagkain na babaunin, ang mga damit na nakaayos na sa maleta, ang magagarang brief, at syempre ang lambat para manghuli ng isda. excited na ang lahat kaya arya na! arya! God Bless our trip.

pumapatak na ang ulan nung umalis kami. madilim ang kalangitan at nakukutuban na naming tama ang sabi ng PAGASA sa paparating na bagyo kaya doble ingat na kaming mga drivers..naging maayos naman ang byahe papunta sa Batangas at may mga eksenang sumisilip ang araw sa ibang lugar na dinaanan namin..sa isip isip ko sana naman eh makaligo kami ng matiwasay sa dagat at makapag enjoy pa rin kahit papano.

after 4 hours of driving sa wakas nakarating din kami. sakto walang ulan (wala pa). habang naglilipat kami ng gamit sa bahay na pansamantala naming titirhan, nagsilusungan na ang mga bata sa dagat. sabik na sabik ang mga chikiting at hindi na nakapaghintay dahil maganda naman talaga ang lugar..katabi lang namin yung La Luz beach resort..tuwang tuwa rin yung ate ko na kasamang nagtampisaw ang bf nya na mas bata pa sa bunso naming kapatid. first time nya kasi makapunta sa beach..after 26 years natupad na rin ang mga pangarap nya..ahehe! (more…)

im walking on sunshine Hunyo 20, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
32 comments

wag nyo na pakialaman ang title dahil naglakad talaga ako sa ilalim ng sikat ng araw kanina..maaga pa naman mga 7:30am kaya vitamin d pa yung dumapo sa kutis kong alaga sa papaya soap. presko sa pakiramdam. para lang akong naglalakad sa luneta habang papasok ng opis..i don’t feel any pressure right now…

nakahanda akong ngitian ang bawat babaeng makakasalubong ko. ganyan ako ka-good mood..isasantabi ko muna ang pagkasuplado ko sa mga strangers. magmahalan muna tayo sa araw na ito…ano ba naman yung makipaghalikan ka sa kapwa mo? ng walang malisya. makipag-holding hands habang patawid sa kalsada..magyakapan kapag nagkasalubong..tapos pisilan ng pwet para cool. malamang diretso langit na tayo nyan pagdating ng takdang oras. (more…)

sinehan Hunyo 16, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
21 comments

makalipas ang humigit kumulang 2 taon ay nakapasok na ulit ako sa isang malamig at madilim na lugar kung saan ginaganap ang karamihan ng first kiss at kapaan ng mga magsing irog. ang lugar kung saan maraming mapupusok. saan pa kundi sa sinehan.

it’s about time na makapanood na ulit ng pelikula sa sinehan kasama si misis at sa unang pagkakataon naman para sa aming 2 yr old na anak. medyo nag alala pa ko nung una kung pwede na ba talaga manood yung anak namin dahil baka matakot sya sa dilim at laki ng mga animals na makikita nya. gaya nung nakita nya ang malaking palaruan sa loob ng mall na merong nakadisplay na higanteng t-rex..walang pinagkaiba ang itsura nya nung unang beses sya nagpagupit sa barbershop. takot na takot at pinagpapawisan ng malamig. sa isip isip ko..kakayanin kaya nya tumagal ng mahigit isang oras sa loob ng sinehan hanggang matapos ang kabuuan ng pelikula?..sana naman.

ang mahal na talaga manood sa sine ngyon. naalala ko pa dati mga 60 pesos lang ang binayad ko nung pinanood ko ang “balahibong pusa” pero ngyon dumoble na. kaya mas gusto ko ng bumili ng orig vcd eh kahit bagong labas 275 pesos lang..malinaw ang kopya at makakamenos ka kung marami ang myembro ng pamilya mo. magagawa mo pang i-rewind at panoorin ng slow mo ang bawat eksena habang nagkukulong ka sa loob ng kwarto mag isa (makakatulong ito ng malalaki sa panood ng r-18 na pelikula). mas mura din ang coke at chichirya sa tindahan. diba? sulit na sulit ang pera mo. mas kuripot, mas wais.

matapang naglakad si lil gasti papasok ng sinehan. napakatapang na bata at talaga namang nagmana sa daddy nya (ehem!) at nung tumambad na sa musmos nyang mga mata ang napakalaking panda na higit pa sa normal na anyo nito ay di sya natinag..hanggang sa makarating kami ng aming uupuan tahimik lang sya di gaya ng ibang bata run na ang sarap busalan ang bibig dahil sa sobrang dami ng side comments na sinisigaw. panay lang ang subo nya ng french fries at popcorn habang nanonood…hindi umiimik. talagang tutok na tutok ang mata nya sa panonood ng kahayupan. hindi sya natakot o nagyayang lumabas..ganyan talaga sya kapag gusto nya ang pinapanood nya..walang pakialamanan..ninanamnam ang bawat eksena. hanggang sa dumating ang katapusan ng pelikula at nagsibukasan na ang mga ilaw. nakita ko na rin syang ngumiti at panay ang tingala sa kisame para silawin ang sarili. at nung pinatugtog na ang pamosong “low” ng flo rida, nagsimula na naman syang magsasayaw. todo bigay pa kaya nangalay na lang ang mga braso ko sa pagkarga sa kanya. nagsimula ulit dumilim at nagpalabas ng mga coming soon na trailer. ilang sandali pa umpisa na ulit ng palabas.. dun nalang kasi kami umabot sa eksenang na-appoint na si Po bilang dragon warrior kaya kelangan namin umulit. pagtingin ko sa anak ko, tulog na pala. naubusan ng lakas sa pagsayaw. sayang at hindi nya napanood ang mga unang eksena pero alam naman naming lahat na nag enjoy sya. sulit na rin ang binayad namin.

malayang pagsusulat Hunyo 12, 2008

Posted by gasti in pampakiliti, subok lang.
22 comments

dahil sa araw naman ng kalayaan ngyon, gusto ko sanang magsulat ng entry na gaya ng mga panahong wala pang bumibisita sa blog ko at malaya akong nakakapagsulat ng bawat naisin ko. those were the days..the invisible days.

pero papano ko magagawa yun sa ngyon? imposible na ata dahil alam ko na anumang oras ay pwede akong murahin ng kung sino dahil sa mga pinagsusulat ko rito. lalo na ngyon na majority ng napapadpad dito ay puro naghahanap ng kabastusan. nakakawalang gana na talaga minsan dahil nahihirapan akong gumawa ng entry na sa tingin ko ay pwede na..pasado na..at safe. (mga entries na hindi nakakabuntis. ganun!)

kaya nakaisip akong gumawa ng isang istorya na magpapaiyak sa inyo at magiging daan para manumbalik na ang inyong katinuan. easy ka lang dyan.. ♫Hey baby, I’m your handyman♫♪

isang gabi after office hours nagkayayaan ang mga magbabarkada na sina glen, jecson, chilli at gasti (di tunay na pangalan. lols) na maglasingan sa isang lugar kung saan may murang beer, murang pulutan at murang katawan. dahil sa pare-parehong kapos sa budget, napagdesisyunan nilang sa cubao na lang magparaos.. (more…)

tawag ng kalikasan Hunyo 10, 2008

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
18 comments

napakaraming ngyari nitong nagdaang araw at masasabi kong naging sulit ang 3 araw na bakasyon ko. pero bago ang aking karanasan magninilay nilay muna ako sa mga balita sa loob at labas ng bansa…

namatay na si rudy “daboy” fernandez. tinanghal na Big Winner si Ejay sa nakaraang pbb teen edition plus. may nanalo na ng jackpot sa LOTTO recently worth 182 million pesos. magtataas na ng singil sa pasahe ang shuttle na sinasakyan ko bukas..45 pesos na daw! pooootah!

anyways naging masaya ang aming pagpunta sa ECOPARK dyan sa may Fairview. maganda pala dun andaming puno (syempre). meron ding swimming pool sa gitna ng kagubatan na parang ang sarap liguan..at mukha ngang marami ang nasasarapan sa parteng yun ng park dahil nakakarinig ako ng mga babaeng nagsisitili at humahalinghing. masarap sanang isipin pero hindi naman yun ang ipinunta ko sa lugar na yun..kasama ko ang pamilya ko at gusto ko lang magrelax. masarap ang simoy ng hangin doon at hindi mo ramdam ang init dahil sa dami ng punong masisilungan. parang picnic grove sa tagaytay ang itsura nya pero hindi lang picnic ang pwede mo magawa doon…meron silang boating kung saan nag ala-bench model akong nagsasagwan paikot sa lawa. nanakit nga ang braso ko dahil sa bara barang pagsagwan eh. wala kang dapat ikatakot sakaling tumaob ang bangka dahil sa lalim nung tubig na 4ft. (siguro naman hindi na bababa ang height mo dyan kung marunong ka ng magblog.) try nyo 100 pesos per bangka in 30 minutes good for 4 adults. pero kung pangingisda ang ikinabubuhay mo, kalimutan mo na yang sinabi ko.

may namataan din kaming paintball area pero hindi namin nasubukan..pati na rin ang slide for life na may kababawan lang naman. meron ding fishing area kung saan maraming namimingwit ng janitor fish tilapia o kung sinuswerte ka baka sirena pa madale mo. may biking area din para sa mga batang sabik at mga dalagang hindi takot madevirginize ng bisikleta..meron din silang service vehicle na libre sakay paikot ng ecopark..pinapaandar daw ng kuryente yun. cool!. ang dami nga lang tao sa bawat lugar na sinabi ko. linggo naman kasi kami pumunta kaya siguro ganun..malamang bumalik ulit kami sa ibang araw.

kahapon naman dahil holiday, pumunta ako kasama ng kapatid at magulang namin sa bahay namin sa San Mateo. 3 weeks na rin kasing walang pumupunta run at baka di namin alam ay wala na pala kaming bahay. pagdating sa lugar..sakto may parang meeting na nagaganap sa clubhouse..para sa mga homeowners. wala ni isa sa mga namataan ko ang kakilala ko. (mga 4 na pamilya lang naman ang nakakasalamuha ko madalas). noon ko lang nakita na marami na pala ang nakatira sa lugar namin. feeling ko nga pugante talaga ako na nagtatago lang sa subdivsion na yun..dire-diretso na lang ako sa bahay namin at hindi na nakihalubilo sa umpukan nila.

ayos buo pa naman ang bahay kahit mukhang binahayan na ng ibon. ang problema lang, pinutulan na pala kami ng tubig! (may utang kaming 539 pesos simula march – present. nakakatamad naman kasi pumunta sa opis nila para magbayad. hello?! walang nakatira sa bahay namin tapos puputulin nila yung tubig. this is injustice!) kamusta naman ang bill namin sa kuryente na nagkakahalaga ng 49.18 pesos..hehe! nakakahiya na sigurong putulin pa nila kuryente namin dahil sa hindi pagbayad ng ganyang halaga. pano naman ako makakapaglinis nyan? duduraan ko na lang yung sahig saka ko pupunasan ng basahan? potek! wala naman akong sapat na inspirasyon para magawa yun kaya nauwi na lang sa pagwawalis ang lahat.

unang araw ng pasukan ngyon at karamihan siguro ng estudyanteng bloggers ay babalik na naman sa lungga nila..balik sa pagiging hiatus. pag igihan nyo ang pag aaral ah! wag kayo masyado magseryoso dahil nakakabaog yan. tama na yung minsanan kayong magbukas ng libro tapos maya maya ng onti nood naman ng porn para hindi kayo antukin. basta masaya maging estudyante.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 74 other followers