jump to navigation

hirap huminga Hulyo 31, 2008

Posted by gasti in Uncategorized.
20 comments

andaming gumugulo sa isip ko. mahirap pag wala ka masabihan. sinalo ng blog ko kahapon ang kabadtripan ko. buti naman. iiwan ko na lang sa entry na yun ang lahat. at ayoko ng magpaliwanag pa.

mag aalas singko na ako nakalabas ng opisina at habang nasa loob ako ng elevator ay nag iisip ako kung saan ako pupunta. kung ano ang sasakyan ko pauwi. kung kakain pa ba ako. nang biglang bumukas ang pinto ng elevator at may pumasok na dalawang lalaki na tantya ko ay mga mensahero. maingay sila at tuwang tuwa na nagkukwentuhan..nang biglang may umalingasaw na mabahong amoy. taenang yan may umutot! ang masaklap pa nyan eh nasa 20th flr pa lang kami. pinigil ko ang paghinga ko sa loob ng humigit kumulang 30 segundo hanggang sa bumukas ang pinto. masasabi kong yun na ang pinakamatagal na 30 segundo sa buong buhay ko. demmet! anong klaseng parusa to?!

sige pa rin ang tawanan ng dalawang kolokoy at nagtuturuan pa kung sino sa kanila ang salarin. mabilis na lang ako naglakad palayo. hindi dahil sa ako yung guilty pero ayoko lang makakita ng masasayang tao sa oras na yun. pagkatapos ko makipagpatintero sa kalsada at sa isip ko kung ano ba talaga ang sasakyan ko pauwi, napagdesisyunan ko ng tahakin ang mas mahabang byahe. para na rin makapag unwind (ano daw? anwaynd? syet!) (more…)

controller Hulyo 30, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
17 comments

oh really? amazing!

hindi ako naniniwalang patas o pantay na pagtingin lang ang gusto ng mga babae sa lalaki. pautot lang yun. dahil ang gusto talaga nila ay sila ang lamang, sila ang nakakaangat, sila ang boss at maging tagasunod lamang ang mga lalaki. hindi ko alam kung bakit nagkaron sila ng ganyang klaseng kaisipan pero teka lang nananaginip ka yata ineng.  o baka gutom lang yan. ang nag iisang babaeng kilala kong authorized  na magpakita ng kapangyarihan sa lalaki ay ang mga nanay. wala ng iba pa. syempre no choice na kami nun kundi sumunod dahil nanay na yun eh! sino bang gusto mapalo?

at ano naman ang mapapala mo kung sakali mang magtagumpay ka sa maitim mong balak? kung mapatikim mo sa lalaki ang pamosong “girl power” kaeklatan na yan. gagamitan ng charm..mang aakit tapos kapag napasunod saka naman mag aangas. akala mo kung sinong magaling. at ang masama pa nun..di naman kagandahan! sana ibalik na lang yung mga panahon na hindi na payagang magtrabaho ang mga babae at dun na lang sila manilbihan sa bahay. para mabawasan naman ang kumpetisyon sa paghahanap ng trabaho. makaka-focus pa kami sa ginagawa namin dahil walang tukso sa paligid. isa pa madalas naman eh nagtsitsismisan lang yang mga yan. (more…)

effortless Hulyo 28, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
13 comments

byernes ng gabi kasalukuyan akong nakikipagboxing kay Muhammad Ali gamit si Pacquiao sa Fight Night rd. 3 nang biglang nagtext si misis. overnight daw sya ang sabi. natuwa naman ako hindi dahil sa wala akong katabi matulog at maluwang ang kamang iikutan ko magdamag pero dahil tinext nya ko..ahihi! yun ay makaraang itext ko sya ng mga limang beses pagkatapos ko isulat ang nakaraang entry ko. anyways na-knockout ko si Muhammad Ali..kung naglalaro rin si pacman ng psp hindi na ako magtataka kung paabutin nya ang timbang nya sa heavyweight division at dun subukan ang kanyang katigasan..at kapag ngyari yun nakatitiyak akong bugbog sarado ang aabutin nya at babalik sa Pilipinas ng naka stretcher..siguro naman sa mga oras na yun ay nakalimutan na nya ang planong pagtakbo bilang congressman sa susunod na eleksyon. dahil sa mga kaganapang ito, medyo nawala ang pokus ko kay misis at nakalimutan ko na rin kung san ko nailagay yung celfon ko. (more…)

baby I can’t fight this feeling Hulyo 25, 2008

Posted by gasti in to whom it may concern.
33 comments

di ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero wala na kong ibang maisip na paraan para mapansin mo ulit ako. sa totoo lang nahihirapan na rin ako magblog dahil kahit isang entry yata dito ay wala kang nagustuhan. puro galit at sama ng loob na lang dinudulot nito sayo pero ano pa bang pwede ko gawin para pasayahin ang isang babaeng gaya mo? isang napakahirap gawin sa panahong ito ang maging masaya. ang ngumiti na walang halong kaplastikan.

wag mong isiping sinisiraan kita dito sa blog ko. hindi ko magagawa sayo yun dahil alam kong wala kang kalaban laban sakin dito. at sana maintindihan mo kung bakit madalas eh hindi ko ina-approve mga comment mo dahil ayokong mabasa ng ibang pumupunta rito kung ano man ang issues nating dalawa. sa atin na lang yun. kung gusto mo naman gumawa ng blog at doon ako banatan, di kita pipigilan. pero wala akong naiisip na anumang kabutihan na maidudulot nun sa relasyon natin. (more…)

loan is the answer Hulyo 24, 2008

Posted by gasti in business, cash advance, loans, payday.
3 comments

There are so many money-lendering firms nowadays and it’s really hard to choose the best one to go to. Interest rates are also to be considered when you are talking about considering a loan. It depends on the borrowers capacity to pay and also to the firm you’re applying to. Some of you already tried applying a loan using a credit card but the problem with this is when not paid in time, it will surely be the source of your headache for the next remaining days of your life so be careful. There is a much smoother way to settle your debts. you can try this payday loans that provides money in an instant.

act of random kups Hulyo 23, 2008

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
13 comments

1. may isang nilalang na naman ang nanglimos ng away sakin sa nakaraan kong post. sa mga di makarelate, basahin nyo na lang yung bandang dulo ng comments section dito.

2. pakiramdam ko andito pa sya sa paligid naghahanap ng mahahada.

3. bigla akong sinalang na magpresent kahapon ng boss ko sa mga kliyente. ayos naman wag ko lang daw ugaliing ipasok ang kamay ko sa bulsa dahil baka pagkamalan akong kumakalikot ng ano ko.

4. tumae muna ako bago kumain ng almusal

5. pagkatapos kong kumain at naghahanda ng pumasok sa banyo, bigla namang sumingit ang ate ko at nagtagal ng sampung minuto para jumebs din. halos masuka ako sa baho pagkapasok ko.

6. nagdeklara na pala ng cold war ang misis ko ng hindi ko nalalaman. pakiramdam ko tuloy na para akong isang kriminal na hinatulan ng rape at sinentensyahan ng bitay…kahit pa walang ngyayaring paglilitis.

7. tinatamad na rin ako magpaliwanag

8. naging masaya ang outing namin sa fontana. ngyon lang ulit ako nakaranas magslide after so many years kaya lang badtrip yung amoy ng tubig na lagusan. amoy basang medyas na kahuhubad pa lang ng isang sundalong galing sa madibdibang training.

9. andaming foreigner dun mostly koreans. kami pa ang nagmukhang dumayo sa Pilipinas.

10. nakakita ako ng nag aanuhang mga ibon sa itaas ng puno pagtingala ko…nang diniretso ko naman ang tingin ko nakakita ako ng koreana na naka-pink na bikini at nakatuwad malapit sakin…pumikit na lang ako at nagdasal ng taimtim.

11. dalawa pala yung nakapink na bikini at parehong koreana.

12. anlaki ng kuliti ko sa kaliwang mata.

13. may isang kuha ako na mala-angel locsin sa folded and hung ang dating. ansagwa.

14. andami kong nainom na tubig sa pool.

15. yun lang ang tubig na nainom ko buong sabado…ang iba ay coke,sprite, mudshake,baileys at sanmig light.

16. first time ko makalaro ng boxing at tennis sa wii. napatunayan kong boksingero ako sa past life ko nung i-knockout ko yung isang ofismate ko. masarap sa pakiramdam.

17. tumaas na naman ng limampiso ang putarages na pamasahe ko. 50 pesos na simula ngyon. (15 pesos sa trycycle +100 pesos balikan = masalimuot na buhay)

18. hindi na ako sasakay ng shuttle pauwi! tang ina nila! sasakay na lang ako ng mrt at mag fx sa cubao.

19. nababadtrip ako sa mga babaeng characters ng tekken ang hirap talunin. malayo sa katotohanan.

20. nawalan na ako ng ganang magblog dahil sa hindi ko na maalalang dahilan.

21. wag na kayo magtaka kung may mababasa kayong entries dito na nag aalok ako ng sariwang karne kung ano-ano. ako pa rin ang nag iisang author ng blog na ito at sinisiguro ko sa inyong walang kinalaman rito si inday.

22. mas madali pa magbenta ng katawan sa totoo lang pero gusto ko naman kumita sa marangal na pamamaraan.

easy money Hulyo 23, 2008

Posted by gasti in cash advance, loans, payday.
8 comments

If you’re a regular employee that earns a regular salary that means a little over the “hikahos” level, I am sure that before the next payday comes you will find yourself looking at the ceiling of your office and wishing that you can fast forward the time to another session of gift giving. Wishing everyday will be a payday or Christmas day but it’s not possible.

Emergencies do come as a surprise and worse at a time that you have nothing left in your pocket so you need to find a way  to generate money. im not reffering to selling your bodies to other people but you can try something legal. if you’re really in need of immediate cash and you have no friends or relatives to rely to, why don’t you try these web-based lending institutions that offers cash advance.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 74 other followers