boxer short film Agosto 29, 2008
Posted by gasti in balitang isports.15 comments
Nagkakamali kayo kung iisipin nyo na ako ang nasa larawan na yan katabi ni Manny. Sa kasamaang palad, hindi na matutuloy ang exhibition match namin this year dahil tinanggap ko ang “step-aside fee” na inalok nya sakin para matuloy na ang laban nila ng pinakasimpatikong boksingero sa kasaysayan ng boksing, si Oscar Dela Hoya.
Ni sa panaginip hindi ko inaasahang maging possible ang laban na ito dahil sa pagkakatanda ko, una kong nakilala si dela hoya kesa kay pacquiao…sa bawat suntok ng mamang yan ay may kasabay na tilian ng mga nagseseksihang fans nya. Kitang kita sa camera kung gaano sya kapopular noon hanggang ngyon. At si pacman naman sa Pilipinas pa lang lumalaban na parang isang basagulerong nag aamok sa may kanto.
mahiwagang timbangan Agosto 27, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.7 comments
Pagminsan nagkakaron ako ng oras para gumawa ng walang kapararakan na bagay gaya ng pagtunganga sa kulungan ng aso at pagmasdan ang 4 na tutang nag uunahan sa pagsunggab ng dede sa kanilang ina, o di kaya ay sa kulungan ng guinea pigs at makipagtitigan sa mga ito na tila ba kauri ka nila. Simpleng buhay..nakakaumay. nakakaawa rin sila kung tutuusin dahil buong buhay nila ay petiks sila. Di gaya ko na minsanan lang..*ehem! At bukod sa panginginain at pakikipag anuhan sa kapwa nila sa araw araw na ginawa ng Diyos samahan mo pa syempre ng pagjebs kung saan maabutan (ang masama pa neto ay nasa loob lang sila ng kulungan kaya lalanghapin nila lahat ng kabahuan sa paligid), ay wala na silang pwedeng magawa pa.
Naalala ko tuloy yung pelikulang “wall e” na pinanood naming kamakailan lang…halos ¾ ata ng pelikula ay puro mga linyang “wall eeeeh at evaaah” lang ang dialogue. hindi na ako nagtaka nung narinig kong naghihilik yung anak ko sa loob ng sinehan. Di nya tuloy nalaman ang moral lesson. Pag sobrang dami ng basura sa earth, sa spaceship na kami titira at sama-sama kaming magiging obese. Pero hindi ko naman pinangarap na mangyari sakin yun.
Protektado: tamang kutob Agosto 22, 2008
Posted by gasti in kamalasan.Ibigay ang iyong hudyat upang mabasa ang mga puna
lamat Agosto 19, 2008
Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments, to whom it may concern.17 comments
may kuliti ako sa kaliwang mata, may malaking tigyawat naman sa kanang kilay dahilan kung bakit naihahalintulad ako ngyon sa isang sikat na boksingero buhat pa sa bansang maxico, si Eric Morales…after nyang magulpi ni Pacquiao. at nga pala namamaga rin ang kaliwang hinlalato ko sa hindi malamang kadahilanan. masakit pa rin ang tonsil ko. kaya eto ako ngyon, nagbablog.
kung pareho kayo mag isip ng misis ko, sasabihin nyo ring nagpapamiss ako…sus kalokohan! wala naman ako dahilan para gawin yun. pero natutuwa naman ako dahil may mga nag-effort pa ring mag iwan ng komento kahit nakabakasyon ako. isa pa ay nalaman kong may silbi rin pala ang pagbablog ko. bukod sa mga masugid nating kabataan na naghahanap ng kabastusan, meron din namang matino at napadpad dito na ang tanging hangad lamang ay makabasa ng… (may karugtong…)
it’s time Agosto 11, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.21 comments
gusto ko muna mamahinga sa pagsusulat. masakit kasi yung tonsil ko eh. at kung tatanungin mo naman kung ano ang kinalaman ng tonsil sa pagsusulat, basta ganun. whatta lame excuse.
isang linggo na rin naman akong lurker at maganda naman ang naging resulta sa akin. paniguradong mababawasan na ang mga question and answer portion bago matulog. mas marami rin akong magiging time para kumain. focus muna ako sa pagpapataba ngyon at sisiguraduhin kong makakamtan ko na ang mailap na 30 pounds na idadagdag ko sa nagmumurang katawan na ito. at kapag ngyari yun, pwede na siguro ako magburles dito! bwahahaha!
walang kinalaman ang mga taong-galit-sa-mundo rito sa pamamahinga ko. di naman uubra yun sakin. at so far, wala naman talaga akong masugid na hater na nagtya-tayaga pang banatan ako sa email. siguro dahil mahal pa nila ang buhay nila.
pareng maldits kung saan ka man naroroon nawa’y nahanap mo na ang katahimikang ninanais mo. nararamdaman ko namang buhay ka pa kaya hindi na ako magtitirik ng kandila.
at nga pala gusto ko lang sabihin na “putangina nagsisisi ako ngyon kung bakit hindi ko sinapak yung bakla na gumupit ng buhok ko kahapon!” taragis! bumaba na naman ang self-esteem ko..saka ko na lang isusuot ang bagong tshirt, poloshirt at boxer brief ko pag humaba na ulit ang buhok ko. haaays mas maigi pa sigurong magpakalbo na lang.
hanggang sa muli! pahinga muna…
it’s all worth it Agosto 4, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.26 comments
may mga araw na iniisip ko kung bakit nga ba ako nagba-blog. kung bakit ako nagtyatyagang magsulat at kwentuhan ang mga taong hindi ko naman kaanu-ano. at kung talagang nag eenjoy ba ako sa ginagawa ko.
at sa mga panahon ngyon na malamig, kaliwa’t kanan ang datingan ng mga bagyo at naglalambing ang “elephant” ko, hindi ko na naiisip na magsulat pa ng bagong entry. pero sige na nga babahaginan ko na kayo ng latest chikababe sa buhay ko.
pagkatapos ng isang linggong pagsubok sa katatagan ng inyong lingkod na muntik ng pumutol sa aking kaligayahan, masasabi kong tinitigasan na ulit ako. oops teka lang..wag muna kayo mag anu ano dyan! nakakapanghina naman talaga ang problema sa lovelife kaya ako nanlambot. at hindi rin ako naka-viagra ngyon dahil malakas pa ang resistensya ko. sa katunayan nga eh ginagawa ko pang sampayan ng kumot at kubrekama tong ano ko. ganun katibay yun! anyways.. (may karugtong…)



