nababagay na pangalan Setyembre 30, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.18 comments
May mga taong alanganin. Ito yung mga pagkakataong hindi nababagay sa itsura mo ang ipinangalan sayo ng magulang mo kaya ang ngyayari kadalasan eh binibigyan ka na lang ng alyas ng mga kaibigan o kaopisina mo. Halimbawa sakin, Alyas Pogi pero hindi ko naman sinabing totoo yan..eksampol nga lang eh! Wag ka ng kumontra.
Sangkatutak na kapintasan ang pwedeng ibato sayo kung hindi ka nabiyayaan ng kagwapuhan o kagandahan, dodoble pa ang magiging pang asar sayo kapag pinangalanan ka ng magulang mo na hango sa sikat na personalidad nung kapanahunan nila. Hindi na inisip ng mga yan ang sasapitin ng mga bata pagnagsilakihan sila at hindi naman bumagay sa itsura o pagkatao nila ang kanilang pangalan. Kumbaga hindi na-meet ang expectations ng mapangmatang publiko.
May naging kaklase ako nung hayskul na “Hesus” ang pangalan. Hindi na ako nagtaka nung sinabi nyang Dec. 25 ang bday nya dahil ano pa ang basehan ng magulang nya sa pagbibigay ng ganung klaseng pangalan..magugulat na lang siguro ako kung Joseph at Maria naman ang pangalan ng magulang nya. kilala syang makulit at pasaway na bata sa klase at lagi syang kinagagalitan ng mga guro pati na rin ang ilan sa mga kamag aral namin. Aminado rin ako minsan na minura ko sya at medyo naiilang ako sa ginagawa kong yun dahil nga sa baka may ibang nakarinig na mag akala na galit ako kay Lord. Hindi rin sya tinatawag ng guro namin sa pangalan nya dahil sa simpleng kadahilanan na ayaw nilang makita ang “hesus” na kaakibat sa pasaway kong kaklase kaya ang ngyari tuloy, sa apelyido nyang “renoballes” sya nakilala pero syempre para hindi naman masyado pormalan, tinawag naming syang “Bale” (may impit sa dulo ang pagbigkas). Kung umabot kayo sa kapanahunan ng ineere pa lang ang Okay Ka Fairy Ko. Alam nyong sumikat si Jinky Oda sa pangalan na yan at maaasar ka kung ipangalan din sayo yun. Isa pa lalaki yung kaeskwela ko.
invisible passengers Setyembre 24, 2008
Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments.16 comments
Minsan talaga may mga pagkakataong hindi natin kayang kontrolin. Gaya na lang nitong pagtigas ng kwan sa umaga. Ganun talaga kapag malaki na, meron ng sariling pag iisip. Natuto ng tumayo mag isa. Matikas at hindi basta basta umuurong sa mga babaeng gustong sumubok sa iyong katapatan.
Just enjoy the moment until it lasts. In short, maging mapagsamantala. Baka isang araw magulat ka na lang na wala ka na palang kinabukasan dahil pinutulan ka na ng lover mo dahil nahuli kang nangalunya. O di kaya ay nahawaan ka ng STD ng naano mo nung isang gabi..dahil dyan ay ayaw mo ng umihi dahil paniguradong mapapamura ka sa sakit na dadanasin mo at ang masaklap pa dun ay magiging tampulan ka ng tukso ng mga kabarkada mo. Minsan nga naisip ko eh mas maigi pa pala magka AIDS kasi pag nagkaron ka nun eh kakaawaan ka..pandidirihan rin pero di gaya ng pag sinabing may tulo ka na parang pag kinuwento mo sa ibang tao ay binigyan mo na rin sila ng karapatan na pagtawanan ka. Pero syempre parehong sakit yan kaya ayoko pa rin mahawaan.
Uso pa rin pala ang PDA ngyon sa pinas? Hindi kantahan ang tinutukoy ko rito ah kundi tukaan. Alam ko namang may kapalmuks pa rin na magrereak dyan ng “mind ur own business” pero sandali lang kaibigan. Hindi yata nalalaman ng magsing irog na ito na kasabay nila sa pampublikong sasakyan ang “that’s my boylet” ng marikina city. Ang nag iisang tulisan ng blogosphere..ang taong kilala sa pagiging pabling na loyal sa kanyang misis. Bumabayo kahit hindi ganado. Walang iba kundi ako! Teh Gasti! You read it right..(te-gas-ti) once is never enough…
mga lumipas na ligaya Setyembre 16, 2008
Posted by gasti in kahihiyan, muni-muni moments.18 comments
Musmos pa lamang ako noon. hindi pa sementado ang kalsada sa daan. Walang maituturing na bangketa at nakalitaw pa ang mga imburnal at kanal na hitik sa kiti-kiti at pagminsan ay may naliligaw na bulig, gurame, martiniko at japanese carp. Tuwang tuwa kami nagtatampisaw sa baha kasama ng mga kalaro ko. Naglalatag ng fishnet para makahuli ng isda na aalagaan sa timba o kahit sa bote ng babolgam na bilog at singlaki ng jebs ng kambing. Kaabang abang ang buhos ng ulan dahil yun ang hudyat ng sabayang pagligo sa kalsada..hindi ko pa naiisip kung anong klaseng trahedya ang hatid ng pagbaha sa ibang kabahayan basta ang alam ko masarap magswimming sa kalsada na puno ng tubig at ang pangbanlaw mo ay ang tubig na umaagos pababa mula sa alulod. Malamig. Malinaw. Sana hindi na tumigil ang buhos ng ulan.
Lagi kong naaalala ang bukid sa likuran ng bahay namin. Malawak yun at meron ding mga palaisdaan ang lolo ko. Masarap mamingwit ng dalag, hito at tilapya doon kahit di ko hilig kumain ng mga yan. Daig ko pa ang pakiramdam ng nakahuli ng sirena kapag may kumagat sa pain ko at makipaghilaan dito. At kapag naitaas ko na ang aking pamingwit, buong pagmamayabang ko ipapakita ang aking nahuling isda at ipaparada sa mga kapitbahay namin habang sila ay nagsisipalakpakan at nagbibigay ng mga papuri. Ito rin yung mga panahon na naging bihasa ako sa panghuhuli ng bulate.
Summer vacation. 2 buwan walang pasok ang mga estudyante. Natutuyo ang mga palaisdaan at dito naman kami nagpipicnic at naglulutu-lutuan. Hindi ko naisip na pwedeng umitim ang balat ko ng dahil sa pagbibilad sa arawan. meron na bang sunblock noon? O whitening lotion? Wala na akong pakialam dun basta ang importante masaya kami kapag nasa labas ng bahay. Naalala ko lang..ang bano ko pala magpalipad ng saranggola noon, laging sumasampid sa puno o kawad ng kuryente. Nasira ang mga pangarap kong maging isang piloto.
kawanggawa Setyembre 12, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.13 comments
“handa na akong mag-donate ng aking nag uumapaw at maliksing mga sperm cells”
masarap ang pakiramdam kapag nakakatulong ka sa kapwa mo. hindi kayang pantayan ng pera o anumang kumikinang na salapi ang ligayang nadarama mo kapag nalaman mong nakapagpasaya ka ng iyong kapwa kahit sa maliit na paraan lang.
naisip ko nga eh kung mayaman lang ako siguro nagdo-donate na ko ng pera sa iba’t ibang foundation..nakapag sponsor na rin siguro ako ng mga scholarship sa mga piling college students. nakapagdaos ng libu-libong feeding program sa mga kabahayan. marami na rin sana akong nabiling action figures. (syempre alangan namang puro pamigay na lang kelangan may kabig din ako.)
wala akong magagawa sa ngyon kundi tumulong sa ibang paraan. kung nagbebenta ka ng sampagita,basahan, o kahit pa balut/penoy yan bibili ako. kung gusto mo bayaran ko ang serbisyong ginawa mo sa panghahawi ng ibang sasakyan palabas ng parking, gagawin ko. kung may problema ka sa pag ibig at wala kang pambili ng blade, gagawan natin yan ng paraan. pwede kitang itulak sa Edsa kapag may paparating na bus o di kaya ay gawing pain kapag mamimingwit ako ng janitor fish sa ilog Marikina. ayoko kasi nakakakita ng taong naghihirap ang kalooban. (may karugtong…)
kaberdey Setyembre 8, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.19 comments
ngyon ang araw ng kapanganakan ni “Mama Mary”. At siguro naman kung palasimba kang tao, matagal mo ng alam yun kaya di ko na dapat banggitin. Bday nga rin pala nung opismate kong isa..siguro naman di mo nahulaan yun. Hehe!
Sa mga kakilala at kamag anakan ko, pagdating sa mga petsa ng setyembre hanggang disyembre sunud-sunod ang bertdeyan. Gaya dito sa opisina, 6 lang kami empleyado at yung 3 ay ngyong buwan magpapacanton. “chilli! nagpaparinig ako yuhoo!” (kung tama ang aligment ng mga bituin sa kalangitan). Yung erpats ko nga kahapon nagbirthday. “happy birthday!” kaya tamad akong bumangon sa pagkakahiga ko kaninang umaga dahil sa pagod nung nakaraang araw..hindi na halos ako nakapagpahinga dahil nakigulo rin pala kami sa Octoberfest nung byernes at namili ng living room showcase nung sabado sa Valenzuela…di na nga ako nakapunta sa grand opening ng Sm Marikina dahil kulang na sa oras at balita ko eh sobrang dami ng tao doon. Nagkalat ang mga lurkers na mukhang tumitira ng katol at nandadakma ng bayag kaya nakakatakot rin. Sa ibang araw na lang siguro ako pupunta.

