dadi mumu! Oktubre 30, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.Tags: gwapo, maskara, mumu, takot
22 comments
dear anak kong gwapo,
batid kong hindi mo pa naiintindihan ang mga bagay bagay sa paligid mo dahil 3 taong gulang ka pa lang. ganun din ako, kadalasan eh hindi rin kita maintindihan dahil bulol ka pa magsalita. ayos lang yun. basta wag mo na ulit dudukutin yung mata ko kapag nag uusap tayo ng masinsinan. madami na kasi gastusin at wala na kong pangbili ng gamot. isa pa yang gatas mo. pwede bang 3x a day ka na lang uminom nyan? ipapaalala ko lang sayo na ang gatas ay hindi substitute ng tubig. saka marami tayo nun mura pa. 40 pesos lang isang w/faucet. hindi mo ko naiintindihan? ok fine. dumede ka na lang ulit dyan.
humihingi ako ng paumanhin sa ginawa kong pananakot sayo minsan. pero maniwala ka sakin hindi ko gustong paiyakin ka. tamang gulat at takot lang naman ang gusto kong makita sa mukha mo ayoko ng may iyakan pa kasi nakakaawa ka tingnan at nakakarindi na rin sa tenga pag ayaw mo tumigil sa kakahagulgol. sorry na nga! wag ka na magalit kay daddy mo. (more…)
a very special blog entry Oktubre 23, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.Tags: bida, espesyal, kailan, pelikula, romantic comedy
28 comments
isang napaka espesyal na pangyayari ang naganap ngyong araw na ito. nakaramdam ako ng kilig. iba to mga kaibigan..maniwala kayo sakin na hindi lang ito isang after shock ng pag ihi. ito ay bunga ng isang pelikula na nagpatibok muli ng puso kong nahihimlay. muntikan na ring tumulo ang mga luha kong nakaimbak ng matagal sa mga mata ko. totoo nga ang tsismis. napakaganda ng “a very special love”. at nababaklaan na ako sa mga pinagsusulat ko ngyon. taragis!
ngyon lang ako nakapanood ng pelikulang tagalog na may temang romantic comedy na nagustuhan ko at hindi ko pinagpantasyahan na makahalikan ang bidang babae. o makadyugdyugan sa kama ng matagalan. at hindi na rin ako umasang may eksenang ganunan ako mapapanood. kuntento na ko sa pagtitigan at paglalapit nila ng mukha. at yung smack sa cheeks, bonus na lang yun. dahil sa totoo lang. mas masarap ang yakap kesa sa halik.
binabawi ko na rin ang sinabi ko noon na hindi sulit ang ibabayad mo sa sinehan kapag nanood ka ng mga ganitong klaseng pelikula. maituturing ko pang walang kwenta yung mga napanood ko dati. yung mga panahong gusto namin manood ng sine ni misis pero walang magandang palabas at puro basura ang pagpipilian mo. nakalimutan ko na nga yung mga title. (wag nyo isiping titilating films ang tinutukoy ko rito dahil hindi basura ang tawag dun kundi treasure.)
simula ngyon araw na ito ay pinapatawad ko na ang lahat ng mga nagkasala sa akin. ititigil ko muna ang pagpatol sa walang kapararakang bagay. magmahalan na lang tayo at magtulungan. inalis ko na ang anumang poot na namamalagi sa puso ko. at handa na akong umibig muli…
joke! tara magkantahan na lang tayo…
♫♪ bawat araw sinusundan di ka naman tumitingin anong aking dapat gawin..♫
kailan (kailan)…kailan mo ba mapapansin ang aking lihim♪♫
ating alamin Oktubre 21, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.Tags: farewell speech, gana, insulto, kumopya, magic
14 comments
Hindi ko na alam kung saan pa ako huhugot ng gana sa katawan ko para magsulat. Maliban sa mga pacontest na sinasalihan ko sa blog at ligaw na sponsored post na inaalok sakin ng mga banyaga. Mukhang malapit ng masaid ang dugong blogger na nananalaytay sa ugat ko. Parang gusto ko na ulit magpabinyag.
Masakit man sabihin, I can’t do this anymore…I can’t fight this feeling..I want to break free coz I have the right blog at the wrong time….
Ok praktis lang yan. Wag kayo mag alala kung sakali mang magbubura ako ng blog, wala ng paalaman yun..bigla na lang to mawawala parang magic. Nakakatamad na rin naman gumawa ng farewell speech. Kelangan ko ng inspirasyon para maipagpatuloy pa to. Lalo na ngyon at wala ng iyottube.com. demmet!
an entry to remember Oktubre 14, 2008
Posted by gasti in paligsahan.11 comments
hindi ko alam kung bakit nahilig ako sumali sa mga pacontest kahit hindi naman ako nananalo. gusto ko bang masaktan na naman at umiyak sa sulok ng opisinang ito kapag hindi nabunot sa magic tambyolo ang raffle entry ko? wag naman. anong malay natin baka ito na ang swerteng hinahanap ko. ang pacontest na maghahango sa akin sa kahirapan. ang salapi na pwede kong pansimula ng balak kong business na buy and sell ng katawan. mangarap po tayo! kahit simpleng tao lang pwedeng mangarap! – bugoy.
ok enough of that shitty introduction.
dear Buraot,
maraming salamat sa maagang pamasko mo sa mga bloggers. hayaan mong angkinin ko na ang grand prize na 300 dollars. yung entercard na 3000 credits..uhhmm di ko alam kung para saan yan. lols! ipamahagi na lang natin sa mga nangangailangan. kung hindi man ako palarin na mabunot dyan sa roleta ng kapalaran mo (dahil napakalaki ng chance na umuwi na naman akong luhaan), sana mapansin mo ang effort ko sa entry na to. wala lang nagpapalakas lang ng konti para sa consolation prize..ahehe! nga pala ang entry na napili ko ay walang iba kundi ang….
holdap! – bakit kamo eto ang napili ko? alam naman nating walang nakakatawa kapag naholdap ka lalo na kung malaking halaga ang nalimas sayo ng mga putaragis na holdaper..mas masaklap pa kapag iniwan ka ng remembrance na hiwa sa tagiliran o di kaya ay mamatayan ka ng kaibigan o kamag anak. ako nga rin muntik muntikan na madale ng mga yan. maysa-palos lang talaga ako at natural na pugante kaya nakakalusot naman sa awa ni Lord. ni singkong duling eh walang nakuha sakin nung minsang kinapkapan ako at ng mga kaibigan ko. (eh sa wala naman talaga akong kadatung datung nun dahil nakapambahay lang ako at butas pa yung bulsa nung short ko). dyan sa entry na yan pinakita na pwede ring maisahan ng hindi sinasadya ang mga holdaper. sabagay, barya na lang yun kung tutuusin dahil sa dami ng nakulimbat nila nung mga oras na yun pero hindi lahat ng pasahero sa bus ay naiwang luhaan. ganyan talaga ang pinoy, tuwang tuwa kapag nakaisa sa kapwa. nakakangiti kahit pa nanganganib na ang buhay (baliw?). o sya sige ayoko naman ikwento rito ang buong istorya. basahin nyo rin yung luma nyang entries dahil makabuluhan lahat yun at puro true to life stories na maaaring mag iwan ng kurot sa mga nipols nyo.
ang entry na ito ang aking opisyal na ilalahok sa sikatchupoy contest ni Buraot. Nawa’y mapasa akin ang lahat ng premyong nakalahad sa patimpalak na ito. at kapag nangyari yun, asahan nyong tutuparin ko ang lahat ng mga pangarap nyo sa 2010 elections. maraming salamat po!
payback time Oktubre 10, 2008
Posted by gasti in loans, payday.1 comment so far
There’s so many money lending institutions to choose from. You just have to check what is suitable to your needs and your capacity to pay. One wrong move and you’ll end up paying for more. At this point in time, you’ll have to think what’s the best among them all. You can try this payday loans online. It’s good to have an internet connection nowadays.
fast cash Oktubre 10, 2008
Posted by gasti in cash advance, loans.3 comments
If you need cash in an instant, the first thing you will do is to search for a friend. a good samaritan friend or relative will do but unfortunately for you, you don’t have any friends (lols!) and you’re relatives are so far away from you. like if you’re living in Afganistan and all you’re relatives were living in Zimbabwe. (A-Z) ok just kiddin. The truth is, not all the time you’re friends and relatives can give you money that you need and if that is the case, where will you go? you’re time is running out and you need the money ASAP.
Have you heard of this cash advance provided by web-based lending institutions? it’s easy, fast and reliable.

commentators Oktubre 9, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.Tags: comments, lurker, shoot, update
17 comments
Oo na. medyo matagal na akong hindi nakapag update. Masyado kasi akong nawili sa kakalaro ng ano ko. Saka ng psp. Masaya naman magsarili paminsan minsan..mas ok na rin to kesa mang rape o kaya pumatay ng tao para lang masabing may social life ka na.
Nasa ayos pa naman ako. Kayo ba? Hindi na? Halika ayusin natin yang ano mo. Yang buhol buhol na yan kunganomanyan. Handa akong tumulong ng walang hinihintay na kapalit na salapi. Take note..salapi. kung puri yan pag iisipan ko pa.
May mga napagtanto lang ako nitong mga nakaraang araw. Kahit hindi pala ako gumawa ng entry ay marami rami pa rin ang lurkers dito sa blog ko. Ayun nga lang, lurker. Ibig sabihin silip manok lang..hindi nagpaparamdam. In short, walang iniiwang comment. Ni hindi mo alam kung ano tumatakbo sa mga kukote nila..kung basa na ba yung kwan nila sa pagkalibog o umuusok ang ilong sa galit. Wala tayong alam.
(more…)