ebony to ivory Nobyembre 25, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments.24 comments
sino ba naman kasi ang nagpasimuno dito sa pinas na ang ehemplo ng kagandahan ay ang pagkakaroon ng maputing balat? maayos naman ang kulay nating kayumanggi. wala rin naman sigurong masama kung nagkataong brownout nung ipinanganak ka sa bahay o ipinaglihi ka sa adobong pusit. hindi naman dapat ipamukha sa mga tv ads na kapag maputi ka ay kaakit akit ka na o lamang ka sa ibang nilalang sa mundo kapag mukhang nagbabad ka sa chlorox magdamag. wag ganun! nakakaano yung mga commercials nyo eh!
mas nakakaattract ba sa mga babae ang mapuputing kalalakihan? parang nababakla nababaklaan nga ako sa mga ganung tipo. lalo na yung mga nagpupulbo sa mukha! mukhang kumakasa sa grade 5. ayos na ko dito sa kulay ko ngyon. hindi na ako singputi nung toddler days ko salamat sa mga kalaro ko sa lansangan at nagkakulay ako kahit papano. (may karugtong…)
morning glory Nobyembre 24, 2008
Posted by gasti in kahihiyan, muni-muni moments.12 comments
pagminsan talaga sa buhay kapag tinamaan ka ng lintek..sunod sunod yan. at hindi ka titigilan hanggat hindi ka napapatumba at nag-eemo. ganyan ang pagsubok ng buhay.
napansin ko lang na sa tuwing may dumarating na pera ay may kasunod na pagkakagastusan. swerte na rin siguro kung tutuusin pero nakakapanghinayang din lalo na kung may iba kang plano para sa perang naipon mo. sayang din yun. kung iisipin mo ang mga bagay na sana ay mabibili mo sa halagang ibinayad mo sa lahat ng gamutang nangyari, manghihinayang ka talaga. pero hindi naman pwedeng pabayaan ang sarili mo. hindi naman kusang gagaling ang sakit ng hindi ka nalalagasan ng pera. kahit yung mga simpleng albularyo nga ay nanghihingi ng donasyon, mga doktor pa kaya. (may karugtong…)
life begins at 40 Nobyembre 17, 2008
Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.20 comments
maligayang pagbabalik sa aking blog. kamusta naman ang aking nagmumurang katawan na hinagupit ng sakit? hirap na nga umusad ng isang guhit ang timbang ko tapos ay mababawasan pa. life is unfair. mukhang hindi ko na maaabot ang target weight ko sa december kung hindi ko maibalik ang gana ko sa pagkain o kahit yung sipag man lang sa pagnguya.
pero ang nakakadismaya sa lahat, at ito ang pinakamatindi. tinutubuan na ako ng bilbil! hindi na talaga maiwasan dahil wala na rin akong ehersisyo na ginagawa. ayoko nito. masagwa. hindi ko lang pwede pwersahin ang sarili ko ngyon dahil may ubo pa ako at hindi pa bumabalik ang lakas ko na nawala sa banyo nung mga nakaraang araw na nagstay ako sa bahay. ayokong mag-”mukhang tatay”. iyon lagi ang bansag sa mga lalaking mukhang matanda na. hindi pa napapanahon ang ganyang itsura para sa edad ko kaya sisikapin kong maibalik ang lahat ng nawala sakin. kasama na ang virginity ko. (may karugtong…)
quality time Nobyembre 5, 2008
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.20 comments
karaniwan mo ng maririnig yang katagang yan sa opisina. hindi ibig sabihin nito na quality time with your boss. kalandian na yun. ang ibig ko sabihin ay kung papano mo gugulin ang 8 oras o higit pa sa loob ng opisinang pinagtatrabahuan mo. ilang movies at music na ba ang nadownload mo? ilang streaming videos na ang napanood mo? saan saan ka na nakarating sa panaginip mo? nakailang putok ka na? mga ganun ba.
hindi naman pwedeng habang buhay eh petiks ka na lang at hindi rin naman maaaring gugulin mo ang buong oras mo sa pagtatrabaho. kahit alam mong EMO ka, hindi ka pa rin nag iisa. tangena andami nyo na kaya nagkalat. parang inaraw araw nyo na nga ang selebrasyon ng halloween eh! (may karugtong…)

