jump to navigation

life begins at 40 Nobyembre 17, 2008

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
20 comments

maligayang pagbabalik sa aking blog. kamusta naman ang aking nagmumurang katawan na hinagupit ng sakit? hirap na nga umusad ng isang guhit ang timbang ko tapos ay mababawasan pa. life is unfair. mukhang hindi ko na maaabot ang target weight ko sa december kung hindi ko maibalik ang gana ko sa pagkain o kahit yung sipag man lang sa pagnguya.

pero ang nakakadismaya sa lahat, at ito ang pinakamatindi. tinutubuan na ako ng bilbil! hindi na talaga maiwasan dahil wala na rin akong ehersisyo na ginagawa. ayoko nito. masagwa. hindi ko lang pwede pwersahin ang sarili ko ngyon dahil may ubo pa ako at hindi pa bumabalik ang lakas ko na nawala sa banyo nung mga nakaraang araw na nagstay ako sa bahay. ayokong mag-”mukhang tatay”. iyon lagi ang bansag sa mga lalaking mukhang matanda na. hindi pa napapanahon ang ganyang itsura para sa edad ko kaya sisikapin kong maibalik ang lahat ng nawala sakin. kasama na ang virginity ko. (may karugtong…)