dream come true Disyembre 8, 2008
Posted by gasti in movie review, muni-muni moments.12 comments
perstaym ko makapanood ng sine mag isa. hindi ko maipaliwanag ang saya at excitement na naramdaman ko nung mga oras na yun. para akong nanood ng porn sa unang pagkakataon. hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
bakas ang ngiti sa mga labi ko nung mapasakamay ko na ang ticket sa matagal ko ng inaabangan na laban. hindi ko na inisip kung malaking halaga ba ang limandaang piso sa mga panahong ito at kung mangangalay ako sa pagkakatayo dahil “standing” na lang ang binebentang ticket. bahala na. saka ko na iisipin kung ano magiging strategy ko para tumagal ng 5 oras sa loob ng sinehan na hindi tinutubuan ng ugat sa binti. (may karugtong…)

