jump to navigation

labanan natin ang tukso Enero 27, 2009

Posted by gasti in pampakiliti, pampaswerte, to whom it may concern.
18 comments

kung hei fat choi! year of the Ox na at syempre sinilip ko ang predictions sa mga kagaya kong pinanganak sa year of the dog. hindi naman sa binabase ko na ang buhay ko sa mga yan. alam ko naman na tayo lang ang gumagawa ng ating swerti!

eto ang sabi.
The Dog (1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006) should brace himself for many changes in 2009. These changes which could go to extremes are either good or bad. Then again, having many happy and joyful events can help the Dog avoid the bad and negative events from happening. That is because happy events like having a baby, getting a new house or getting married can offset any mishaps and redirect any negative energy towards the positive direction.

Dogs are also advised to stay on the move or be mobile. By being always on the move and consciously introducing changes to his life, the Dog can turn negative energy into good ones. It would be a good year to pursue plans of working abroad or going overseas, same goes true in renovating the house.(more…)

kulasisi Enero 23, 2009

Posted by gasti in muni-muni moments.
12 comments

nung una pa lang kita makita, nagandahan na ako sayo. alam ko sa puso kong gusto na kita pero pilit kong pinaglabanan ang kunganomang nararamdaman ko sayo dahil mali ito. hindi ko alam kung hanggang saan hahantong itong kalokohan ko. gusto kitang alagaan pero papayag ka kaya? sana. hindi ko alam ang iniisip mo kasi.

lumipas ang mga araw na ikaw pa rin ang laman ng isip ko. asan ka na kaya? nakakakain ka ba ng maayos? buhay ka pa ba? wag ka mag alala. hindi naman ako sumusuko sayo. darating din ang panahon na magkakasama tayo at sisiguraduhin ko sayong mababantayan kita ng husto. walang ibang tao o hayop ang pwedeng makapanakit sayo. magtiwala ka lang sakin. hindi kita pababayaan. (more…)

ang sagot sa kahirapan Enero 20, 2009

Posted by gasti in kamalasan, to whom it may concern.
12 comments

kung sa tingin mo hindi mo na kaya, kung sa tingin mo aping api ka na, kung sa tingin mo walang nagmamahal sayo. nagkakamali ka. sandamukal ang mga fixers na nagkalat ngyon.

“i fix broken hearts I know that I truly can.”

gusto mo bang mapadali ang iyong buhay? hindi mo na kelangang magpakamatay. tutulungan ka nila sa abot ng kanilang makakaya. pero may service charge. wala ng libre sa panahon ngyon.

sa totoo lang badtrip ako sa mga yan dahil sobrang kulit talaga. dinaig pa ang mga tindera sa palengke na malayo pa lang ay ipagsisigawan na nila sayo ang mga paninda nila. para bang mga kamag anak mo sila na matagal nawala’y sa piling mo at sabikĀ  makita ka. user-friendly. (more…)

pabaon Enero 15, 2009

Posted by gasti in subok lang, to whom it may concern.
10 comments

para sa kapakanan ng nakararaming bastos na magbabasa nito, bagalan nyo lang ang pagbigkas sa title nitong entry ko. mabuti na yung maliwanag. salamat.

yung mga batang pumapasok sa eskwelahan kadalasan pinapabaunan yan ng mga magulang o guardian nila. depende na sa estado sa buhay kung ano laman ng mga lunchbox o kung magkano ang iaabot na pera. wala namang kaso run basta ang importante may baon.

at syempre sa mahal ng gastusin sa panahon ngyon. kahit tayong mga nagtatrabaho ay pinapabaunan na rin ng misis o nanay natin ng pananghalian. walang masama dun. nakakasawa rin naman kung paulit ulit ang kinakain mo sa canteen na overpriced ang mga ulam. hindi naman kasarapan ang lasa. ang sabaw nakakaumay..ang noodles nakakautot..for supreme power..rower…rower! (more…)

i’m bettyful Enero 6, 2009

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
23 comments

napakagandang title para sa sa pagsisimula ng taon. ayos noh? parang naputukan lang. pero teka ano bang bago ngyong taon bukod sa gaganda si betty at sex scandal ni doc hayden at katrina halili? hmm….ilalabas ko na ba ang mga uncensored/never-before-seen/nakakadismayang pics ko? ok kalimutan nyo na yang pictures na yan dahil hanggang sa ngyon ay hindi ko pa rin nasisimulan ang pictorial.

anyways kwentuhan ko na lang kayo ng mga ilang eksenang naganap habang ako ay nakabakasyon. magbasa kayo maigi dahil kapupulutan nyo ng aral ito (parang mga kwento ni lola basyang lang) (more…)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 74 other followers