jump to navigation

closer you and I Pebrero 5, 2009

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
21 comments

masarap ang pakiramdam kapag ikaw ang nakauna. ganyan naman lagi eh. sino bang may gusto ng napagpilian na? ng tira-tira, ng latak? syempre gusto natin yung tayo ang makakabinyag.

lagi kong hinahabol ang first trip sa umaga. wala pang pila dahil marami pang sasakyan na nakaparada at syempre mas maaga ako makakarating ng opisina. hindi ko na hinahangad pang maupo sa bandang unahan ng sasakyan dahil nakareserve na yun sa mga babae. kumportable kasi dun tapos nakatutok pa sayo ang aircon di gaya sa bandang likuran na mas gugustuhin mo pang magbukas ng bintana dahil mas malamig pa ang hangin sa labas. parehas lang naman kayo ng ibabayad. (may karugtong…)