jump to navigation

pakarga Marso 10, 2009

Posted by gasti in muni-muni moments.
17 comments

nakakapagod ang mismong araw ng pahinga. totoo yan. dahil dito sa opisina, maghapon ka lang nakaupo. makikipagtitigan sa monitor at gagawa ng milagro. ganun lang yun. pero sa isang banda, napakaboring din dahil hindi ka naman makapamasyal, walang ehersisyo. minsan nga naisip na namin na magdala ng dumbells dito eh. para naman magsilitawan ang mga muscles namin na matagal ng nakabakasyon.

kapag wala namang pasok, maaga pa rin ako nagigising. parang excited na hindi maintindihan na tutungo sa sasakyan at maglilinis. kapag napagod, saka na lang babalik sa bahay para kumain. parang nakakapanghinayang kung itutulog mo na lang ang mga oras na pwede kang mamasyal at mag enjoy kasama ang mga mahal mo sa buhay. (may karugtong…)