jump to navigation

samalamig Abril 23, 2009

Posted by gasti in bakasyon stories.
13 comments

masarap talagang mamasyal. kundi lang nakakaubos ng pera ang paglalakwatsa eh di sana inaraw araw ko na. o kaya every weekends pero nakakapagod rin. kaya eto back to my bossings arms na naman. medyo natagalan lang ako mag update dito dahil tinamad ako magsulat. pero wag kayo mag alala dahil hindi naman ito dulot ng kunganomang depresyon na kagaya nung sa misis ni ted failon na nauwi sa pagpapakamatay. nasa ayos pa naman ako gaya ng dati.

gaya ng nabanggit ko sa huling entry, natuloy naman kami sa batangas at talaga namang sinulit ko ang bawat paglusong ko sa dagat. sa katunayan, andami ko ngang sugat sa talampakan at kamay. puro hiwa dulot ng mga matutulis na ligaw na bato na hindi ko alam kung pano napunta sa daanan ko. gaya na lang ng mga lumulutang na plastic ng boy bawang, peewee at ang pinakamatindi sa lahat, yung buong pagmamalaki kong dinampot at winagayway sa mga beachgoers na isang pirasong gamit na pantyliner. dabest talaga ang nagtapon nun. (more…)

holy beach Abril 8, 2009

Posted by gasti in to whom it may concern.
11 comments

bago man lang tayo magkalimutan, gusto ko lang batiin ang mga nagdiwang ng kanilang kaarawan nitong nakaraang araw pati na rin yung magbday sa byernes santo kung sinomansya. enjoy pa rin dapat. wag ka magpapaniwala na porket natapat dyan ang araw ng bday mo eh byernes santo na rin ang mukha mo. di ganun yun.

saka yung mga natapat sa araw ng patay yung kaarawan, masuwerte kayo. maraming patay ang gusto makipagpalit ng katawan sa inyo makapaglasing lang..

anyways malamang kapareho ko rin kayong magbabakasyon sa iba’t ibang parte at sulok ng mundo. ingat na lang tayo sa byahe! long drive na naman to…

Batangas here we come! Gov. Vilma Santos! laking bear brand din kami…

sa wakas! makakapagtampisaw na naman ako sa dagat…sa piling ng mga sirenang mahilig kumain ng biko. matamis yaan!

tandaan! bawal masugatan sa byernes. hindi na gagaling yan.

sundoT2 Abril 3, 2009

Posted by gasti in movie review, muni-muni moments.
Tags: , , ,
14 comments

nagsimula na namang maglabasan ang mga pelikulang katatakutan ngyon. ewan ko lang kung bakit hindi man lang hinanapan ng magandang timing ang showing ng mga ito. for all seasons na ba talaga yan?

hindi naman sa malisyoso akong tao pero “sundot” ang naiisip ko pag binabanggit ang linyang “mag ingat ka! parating na ang iyong sundo..” hindi ko talaga magawang matakot sa mga pelikulang gawa ng pinoy ngyon. siguro dahil mga gwapo at maganda na ang nananakot di gaya dati na mga mukhang aswang at tikbalang talaga. o baka dahil sa bata pa rin ako noon kaya madaling takutin. (more…)

silence of the lambi Abril 1, 2009

Posted by gasti in kahihiyan, kamalasan, muni-muni moments.
13 comments

eto na siguro ang tamang oras para basagin ang aking pananahimik. tutal eh napapanis lang din naman ang laway ko ngyon dito sa opis dahil 2 oras na ko walang kausap at nagsosolo sa panonood ng babaeng haponesa na nakasuot ng schoolgirl outfit. april fools day na pala!

ano nga bang makabuluhang gawin sa araw ng mga foolish hearts? ano pa eh di makapanloko! ngyon pa lang, humayo na kayo at landiin ang mga ex-gf/ ex-bf nyo, wag kayo mag alala..kapag nagkabukingan at nahuli kayo ng mga bago nyong karelasyon, batiin nyo lang sila ng “happy april fools day! yari ka! hahahaha!” at back to normal na ulit ang buhay. (more…)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 74 other followers