jump to navigation

samalamig Abril 23, 2009

Posted by gasti in bakasyon stories.
13 comments

masarap talagang mamasyal. kundi lang nakakaubos ng pera ang paglalakwatsa eh di sana inaraw araw ko na. o kaya every weekends pero nakakapagod rin. kaya eto back to my bossings arms na naman. medyo natagalan lang ako mag update dito dahil tinamad ako magsulat. pero wag kayo mag alala dahil hindi naman ito dulot ng kunganomang depresyon na kagaya nung sa misis ni ted failon na nauwi sa pagpapakamatay. nasa ayos pa naman ako gaya ng dati.

gaya ng nabanggit ko sa huling entry, natuloy naman kami sa batangas at talaga namang sinulit ko ang bawat paglusong ko sa dagat. sa katunayan, andami ko ngang sugat sa talampakan at kamay. puro hiwa dulot ng mga matutulis na ligaw na bato na hindi ko alam kung pano napunta sa daanan ko. gaya na lang ng mga lumulutang na plastic ng boy bawang, peewee at ang pinakamatindi sa lahat, yung buong pagmamalaki kong dinampot at winagayway sa mga beachgoers na isang pirasong gamit na pantyliner. dabest talaga ang nagtapon nun. (may karugtong…)