scandal mo, ipakita mo! Mayo 22, 2009
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.Tags: scandals
25 comments
hindi na talaga maiiwasan ang ganitong mga bagay. andyan na yan eh. kelangan mo lang magpakatatag. tibayan ang loob at wag lalabas ng bahay na walang suot na malaki at heavy tinted na shades at syempre, hapit na blouse. bakit kamo kelangan hapit ang suot? para ipakita sa buong madla na nagpupuyos ang dibdib mo sa galit dahil sa ginawang pambababoy sayo. ganun lang yun.
bakit ba masyadong naging malaki ang issue na yan? eh noon pa man ay kaliwa’t kanan na ang nagsilabasang mga scandals sa internet. mas malakas pa nga ang bentahan nyan sa Quiapo kesa sa mga orig vcd. at infairness sa ibang scandals, mas maganda pa nga ang quality nun at kadalasan eh mga estudyante pa ang nagbabanatan. bakit ngyon lang kayo naiskandalo ng ganito? ano bang pinagkaiba nyan sa mga naunang scandals? mas malakas ba sya umungol kesa kay Criselda Volks? haays! (may karugtong…)
masarap kamayin Mayo 12, 2009
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.10 comments
ayokong gutumin ang sarili ko sa pagkakataong ito pero hanggang ngyon ay hindi ko pa rin makalimutan ang episode ng “rated K” nung linggo. parang gusto ko na bigla pumunta ng Cebu at bumili ng isang buong lechon at lantakan ang malulutong na balat nito para mapatunayan sa sarili kong sikmura kung gaano kasarap mahimatay ng dahil sa highblood. ang sarap magfoodtrip diba? gusto kong tikman lahat ng mga ipinagmamalaking putahe ng ibat ibang probinsya. sawang sawa na ako sa mga instant noodles!
nasusuya na rin ako kumain sa mga fast food na gaya ng jollibee, mcdo, kfc atbp na bukod sa paulit ulit na menu at laging puno ng mga batang nagwawala ay wala silang maioffer na masarap na sabaw. lagi pa naman naghahanap ang dila ko ng mainit na sabaw na papaso sa dila ko. yung mahihigop ko ang katas hanggang sa pumulandit ang inaasam asam na bone-marrow. ♫♪ jai-ho! you are the reason that I breath…♫ (may karugtong…)
you know! Mayo 5, 2009
Posted by gasti in balitang isports, movie review, to whom it may concern, wasakan.18 comments
syempre alam nyo na.. wala ng duda! pound for pound champion of the world. Dave Batista! ang umangal ibabalibag.
nakaka-excite talaga manood sa sine ng mga laban ni Pacquiao. kahit mas matagal pa ang entrance at 3 national item na kinanta kesa sa kabuuang 5 minutes and 59 seconds ng laban na yun ay masasabi ko namang sulit ang ibinayad kong limandaang piso para makaiwas sa pagmumura kung aantayin ko pa ang laban nya maipalabas sa tv. 3 hours delayed. yan ang serbisyong totoo! (may karugtong…)

