jump to navigation

ramdam ko kayo Hulyo 24, 2009

Posted by gasti in movie review, muni-muni moments, wasakan.
29 comments

ilang araw na rin akong nagtatyaga sa mga basura na ipinalalabas sa tv. kahit anong pindot ang gawin ko sa remote namin, may teleserye pa rin. ganun talaga ang buhay kapag walang cable kaya madalas pinipilit ko na lang matulog ng maaga.

ano pa bang aral ang matututunan ko kay Santino? kay Rosalinda? kay Zorro? kay Jillian? at sa magkapatid na David Garcia Jr.? napakadrama ng buhay nyo! samahan pa nitong mga political ads na paulit ulit lang. pakialam ko ba sayo kung lumaki kang Tondo at sanay ka sa hirap. isa pa tong si Kuya Mar na napaka catchy ng binibitawang salita..sa katunayan nga eh nakabisa ko na..teka..ehem! ehem!

(may karugtong…)

may pinagmanahan Hulyo 7, 2009

Posted by gasti in iskul bukol, muni-muni moments, self review.
Tags: , ,
21 comments

napakadaldal talaga ng mga bata. kahit ano na lang lumabas sa bibig may masabi lang..makapagpapansin lang. nakakatuwa rin naman kung minsan dahil hindi mo na kelangan ng radyo o tv para maentertain. pero pag katagalan na eh parang gusto mo na patulan at bigyan ng isang mahigpit na headlock at peoples elbow. Please don’t try this at home. (may karugtong…)