tungkol sa kahayupan Agosto 26, 2009
Posted by gasti in muni-muni moments, petskoto, to whom it may concern.Tags: pets
14 comments
mukha na talagang petshop yung labas ng bahay namin. mas maganda pa nga yung disenyo ng kapatid ko sa mga aquarium kesa sa mismong loob ng bahay. sabagay mahirap naman talaga panatilihing maayos ang itsura ng bahay kapag may batang makulit na nagstay sa loob. bukod pa sa sandamukal na damit na nakasampay na parang nasa ukay ukay. gusto nyo ng picture? wag na. may natitira pa naman akong hiya sa katawan.
balik tayo sa hayop. naikwento ko na dati na meron kaming alagang kulasisi. binawal na yata mag alaga nyan kasi endangered na. nabili lang namin nung december sa manong na naglalako sa palengke. meron din kaming 2 kinulayang maya na ngyon ay nangungupas na ang kulay saka dalawang finches na maitim. hindi naman sila sobrang ingay di gaya ng lovebirds na parang laging nagsusundutan sa pwet. (may karugtong…)
propesyon Agosto 11, 2009
Posted by gasti in muni-muni moments, self review.22 comments
mahigit 3 taon na rin ako dito sa kumpanyang kinabibilangan ko ngyon. naalala ko pa, pinasok ko itong trabahong ito bilang isang tech support. marami ng araw at sweldo ang nakalipas at sa ngyon hindi ko na talaga alam kung anong posisyon ko dito. matagal pa bago ako magretiro at hindi ko rin nakikita ang sarili ko na tatanda sa ganitong trabaho. mabagal ang oras. lumalabo ang mata dahil sa maghapong pagbabad sa computer at sa sobrang kaunti ng empleyado, board games lang ang pwedeng malaro kung magkakaron ng sportsfest.
andito na naman ako sa sitwasyon na palaisipan ang future. alam kong hindi ako makukuntento ng ganito lang. nakakasawa rin namang magpainit ng itlog sa maghapon. gusto ko na ng pagbabago pero saan naman ako magsisimula? san ba talaga ang calling ko? Lord wag muna ah! bata pa ako. (may karugtong…)
basang sisiw Agosto 4, 2009
Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments, to whom it may concern, wasakan.15 comments
maulan na naman. marahil umiiyak ang mga anghel sa pagkamatay ni tita Cory kaya walang humpay din ang pagbagsak ng ulan sa buong Metro Manila. o baka naman sa Ortigas lang? di ko alam wala naman ako sa lugar nyo.
bagyong Jolina. taimtim kaming nanonood sa pagdadalamhati ni Kris Aquino sa tv habang ikunukwento nya ang mga huling kaganapan bago namatay ang kanyang ina. pulang pula ang ilong nito sa kakaiyak at kakasinghot sa sipon na naguunahan papunta sa bibig nya. nakakaawa sa totoo lang parang tinablan ako ng mga oras na yun. kahit pa wala akong masyado maalala nung panahon ng panunungkulan nya bukod sa nakakaburat na maghapong brownout at hindi ko mapanood ang paborito kong palabas. akala ko noon, sya nakaimbento ng generator para pagkakitaan tayo. mali ako. pero nababaklaan pa rin ako sa kulay yellow. sorry na Tita Cory! sleep well! (may karugtong…)

