jump to navigation

tungkol sa kahayupan Agosto 26, 2009

Posted by gasti in muni-muni moments, petskoto, to whom it may concern.
Tags:
trackback

mukha na talagang petshop yung labas ng bahay namin. mas maganda pa nga yung disenyo ng kapatid ko sa mga aquarium kesa sa mismong loob ng bahay. sabagay mahirap naman talaga panatilihing maayos ang itsura ng bahay kapag may batang makulit na nagstay sa loob. bukod pa sa sandamukal na damit na nakasampay na parang nasa ukay ukay. gusto nyo ng picture? wag na. may natitira pa naman akong hiya sa katawan.

balik tayo sa hayop. naikwento ko na dati na meron kaming alagang kulasisi. binawal na yata mag alaga nyan kasi endangered na. nabili lang namin nung december sa manong na naglalako sa palengke. meron din kaming 2 kinulayang maya na ngyon ay nangungupas na ang kulay saka dalawang finches na maitim. hindi naman sila sobrang ingay di gaya ng lovebirds na parang laging nagsusundutan sa pwet.

meron din kaming alagang 3 pagong na overstaying na sa loob ng humigit kumulang 10 years. 2 green turtle at ang isa naman ay kulay brown na binili ko pa sa Aranque nung 1st year college pa lang ako. madali lang alagaan kasi ang mga ito kahit isang besesĀ  sa isang buwan mo lang pakainin mabubuhay pa rin. binabalak ko na nga ibenta sa bioresearch para magkasilbi naman sila. hindi ko pa rin kasi naipapagawa ang pangarap kong koi pond na pwede ko rin paglagyan sa kanila.

at syempre ang isa pang magandang pandekorasyon sa bahay ay ang aquarium na may lumalangoy na kunganoman. wag lang kitikiti o dugyuting janitor fish. maituturing ding theraphy ito sakin dahil mabisa itong pampawala ng gutom. kuha ka lang ng isang karpa tapos iprito mo na, solb agad! hehe! pero kung di ka makatulog, makipag usap ka na lang sa isda. o kaya turuan mo ng mga tricks.

ayos din mag alaga nung maliliit lang kasi hindi masyado mabilis dumumi ang aquarium. 3 aquarium namin sa bahay. isang para sa karpa, isa para sa mga kinulayang bondat aka platty at yung isa na naging pansamantalang tirahan nung binili kong flowerhorn. di yata kinaya ang sobrang init ng araw kaya mas pinili nyang magpalamig sa ilalim ng lupa. anyways, nanganak naman ng sandamukal na supling yung mga platty kaya dun na sila nilipat.

buhay pa rin pala yung alaga kong superworm na pinapalaki ko pa para sana sa flowerhorn. ulamin ko na lang kaya? isama ko sa sarsarap. no more lonely rice!

wala na kaming aso kaya safe na safe ang mga bisita sa bahay. libre na ring manghimasok ng bakuran yung mga nanghihingi ng malunggay at dahong maria. maganda kasi ang tubo ng mga halaman samin dahil nagsilbi na rin yung libingan ng mga patay na hayop.

may mga guinea pigs din samin pero pinaubaya ko na yung pag aalaga sa tiyahin ko dahil ayaw ni misis ng kahit anong klase ng daga sa bahay. mukha pa naman sana malinamnam yung karne nun. ahehe!

at ang pinakaimportanteng alaga sa bahay namin ngyon ay si Sasha. ang blue tabby persian cat na ngyon ay 5 months old na. kumpleto sa bakuna at sagana sa mga vitamins at cat food. mas mukha pa nga sya masigla kesa sakin. hehe! wala lang ako pictures ng mga to sa ngyon pero try ko picturean lahat sa weekend. pati na rin yung pagpapaligo sa pusa kung sisipagin. nakakaexcite na nga itong parating na long weekend eh! I can smell it…sniff! sniff!

Photo0135Photo0132

bonus pics:

entitled “Bro sinusundo mo na ba ako? andugyot here! di ko ma-take”

Photo0098

eto naman ang tirador ng mga tira-tirang ulam. classic pusanggala! “ampunin mo na ako please?!”

Photo0103

About these ads

Mga Puna»

1. anakngpating - Agosto 26, 2009

base nyahaha,,toinx..

animal lover ka talaga kuya hehe..buti hindi yan pinag lalaruan ng anakis mo hehe..
dati may aquarium din kami 3 taon din tinagal nun nawala lang nung binasag ng malking janitor fish na nilagay ng kapatid kong pasaway hehe..as in ung galing sa ilog alam mo naman ang laki nun di ba haha..bata pa kapatid ko nun pinag katuwaan ung ganitor haha..
naalala ko maswerte ang may ariguana sa aquarium din..kaso nMATAY din ung alaga namen nun dahil nag brownout sa marikina nun haha..tapos may nakita rin kapatid ko nun pagong maliit pa kulay green ung bahay nya inuwi sa bahay namen..pinapatapon ng nanay ko galit na galit haha..kasi daw panget daw mag alaga nun hehe..babagal daw ang swerte na inayunan ko naman at sabi ko sa kapatid ko tapon na o kaya benta nya sa kalaro nya ng 10 piso nabenta naman haha..(mag kwento daw ba ko haha..)

aabangan ko na lang mga captured ng kahayupan mo kuya hehe..exciting..

gasti: haha! pasaway yang kapatid mo ah! basura kaya tingin ko sa janitor fish. teka ariguana ba kamo? mixed breed ng aruwana saka iguana? lols!
yung sa pagong ganun talaga iniisip ng nanay ko rin dati pero pumayag naman sya nung sinabi na di naman masama ayon sa isang feng shui expert na si Mang Ponso. ahaha!
nakapag pictorial na pala kami ng mga hayop sa bahay. update ko na lang next week sa entry na to.

2. azul - Agosto 26, 2009

pede na palang mag field trip ang mga bata jan sa bahay nio..parang zoo na sa dami ng alagang hayop..ahaha

madaming alaga=malaking bahay..

hmmmm… i see..i see…

gasti: pet shop talaga ang bahay namin. nakikitira lang kami sa mga hayop.

3. Maldito - Agosto 26, 2009

hindi ba zoo ang bahay niyo? zoo ata yan eh.ha ha ha…
ako hindi pede mag alaga dito sa cebu kasi mahal ang shipping at daming papers…kaya sarili ko nalang muna nilalagay ko sa hawla at inaalagaan.ha ha ha..
ako may picture ni samsam…scandal…ahahaha..
ay ano ba ang topic? kahayopan pala.

gasti: maigi rin para makatipid ka. mag alaga ka ng kuto at lisa. hahaha! asikasuhin mo na lang mga laruan mo. paliguan mo, damitan mo, palanguyin mo sa palanggana. parehas lang yun.
samsam scandal? ano yan parang tunog sinampay lang ah. lols!

4. lio loco - Agosto 26, 2009

akala ko nalipat na senio ang manila zoo. pwedeng mag-ekskarsyon? huhlolz!

gasti: oh buhay ka pala? haha! hindi naman mukhang zoo kaya. parang mini pet shop lang.

lio loco - Agosto 30, 2009

mejo mejo lang naman.

tae. hindi ko talaga maiwan-iwan ang pakikipaglandian sa buladaspir eh. haha.

5. smasherjane - Agosto 27, 2009

patay na pla si atlas.. kakalungkot nman..

gasti: babae nga pala yung flowerhorn. ahehe! di ko man lang napicturean.

6. bonistation - Agosto 27, 2009

hilig sa hayop! haha ganydan din ako dati ung bakuran namin nagmistulang mini zoo, kahit mayang costa eh pinapatos kong bilin sa mga ale sa simbahan haha, nag alaga din ako gn kulasisi at medyo matagal din sya amin isang umaga nakita nalang namin matigas na nakabitin padin patuwad kasi sila matulog diba? parang paniki lang.. siguru hindi na sya nagising parang atake lang din sa puso kasi ang taba pala nya hindi ko alam na napataba namin sya nhg husto.. kawawa nga ung dumadalaw sa kanya na kulasisi din na minsan kong pinagbalakan ng masama (mabihag at maisama sa kulungan hehe).

nag alaga din ako blue-naped parrot astig yun, chick palang sya nung nabili ko sa petshop tumagal sya ng limang taon at nakakapagsalita na .. pero nag paalam din kasi ayaw daw kumain namiss yata ako naging busy na kasi nun sa thesis at kung ano ano pa graduate na ng college.. marami pa tulad mo meron din akong dalawang pagong na kahit puro lumot na ung aquarium na kinalalagyan nila matatag padin sila at totoo na hindi ganun kalakas sa pagkain.. nag alaga din ako mga dagang kosta haha kabilis dumami hangaang sa mauso ung parang dalmatian na costa mixed breed na ang kulay tapos batik batik..

sa fish naman alaga din kami ng arowana umabot naman sa 12″ pero nung pinakain ng maliliit na galungong ayun hindi nakayanan.. inilibing nalang din namin sa gilid ng bahay… nag alaga din pala ako gn iguana.. napakatahimik na nilalang haha walang tanggi walang reklamo para lang din ung pet kong hipon sa maliit na aquarium sa kwarto.. haha

hahaysss sarap talaga mag alaga ng mga hayop/pets kasi libangan at pampalipas oras.. nung uumuwi ako sa pinas, bumili ako ng african lovebirds ganda kasi un sa umaga para kalang nasa kakahuyan kasi ang iingay nila.. at kung mag stay nako sa pilipinas ng for good gusto ko uling mag alaga ng ibat ibang klase ng pets!

malimit nga din ako tumining ng mga pets for sale sa sulit.com.ph hehe

aprub tong entry idoL!

aww nag enjoy ako s akwento mo idol kaya napakwento din! hehe

gasti: naks naman! pet lover ka nga dahil sa haba ng listahan mo ng inalagaan. haha! parang nagpost ka na rin ng entry sa blog ko? lols! dibale ayos yan. gusto ko rin yung usapang kahayupan paminsan minsan.
lagi din ako tumatambay dyan sa sulit.com.ph eh! hulaan mo na lang username ko dun. pampahaba nga pala ng buhay ang pagkakaron ng pet kaya magtayo ka na ng sarili mong zoo pagbalik mo ng pinas. mag uwi ka ng camel. haha!

7. jason - Agosto 28, 2009

talaga may mga bulate ka!

hehehehe

gaano ba kalaki sila pedeng lumaki??

teka maghamster ka na lang kaya

gasti: talagang nirekomenda mo ang mga kalahi mo? hehe! nag alaga na kami nun dati umabot ng mahigit 40 yung mga hamster. hirap mag-maintain eh ambilis dumumi ng kulungan saka anlakas kumain.

8. batangmangyan - Agosto 28, 2009

wow..para lang akong nakidaan sa zoo. mahilig din ako sa pets. meron akong labrador now, 2years old na sya, at ang name nya ay leoj. may aquarium din ako sa bahay, i have this 75- gal aquarium na may laman na ibat-ibang klase ng isda: hammerhead (black & albino), bala sharks, rainbow sharks, angel fish, tiger barbs, molly (lahat ng kulay), swordtail, rosy barbs, dwarf gurami at colored tetra, syempre di mawawala ang janitor fish haha. syempre ayoko ng plastic plants, mas malinis kasi ang buhay na plants, tsaka mas maganda sa isda. sabi nila hindi pwede pagsamahin ang mga isda na nabanggit ko, pero nagawa ko, hahaha. friends silang lahat. haha.

meron pa akong 1-gal na aquarium sa room ko, isang maliit na janitor fish lang at isang golden angel fish ang laman. hahaha, roommates lang kami.

haha, sarap ng buhay ng mga isda. si nemo nga pala ay na-meet ko na in person, sa balicasag marine sanctuary, sa balicasag island in bohol pala sya nakatira. hahays, nahawakan ko pa mismo ang haus nya. saya!

nakidaan lang sa aquarium mo. daan ka din sa e-bahay ko. salamat!

gasti: salamat batangmanyan sa pagbisita. makahayop ka rin pala at mabuti nameet mo na si nemo sa dagat. ako kasi sa aquarium ko lang sya nakita eh. dun sa bioresearch.

9. antuken - Setyembre 1, 2009

ang pamilya ko mahilig din sa hayop. marami kaming aso. may mga lovebirds at mga aquarium din. pero di ko na iisa-isahin at baka magmukhang blog ko na ito. hehehe.

ako, okei lang ang pets. basta wag sa loob ng haus. atsaka except cats. i hate cats. ang hilig iwasiwas ang mga buntot nila sa mga legs ko. eewww.

gasti: hehe! hindi naman masyado kumikiskis yung pusa namin sa mga binti pero mahilig dumamba na para laging may kalaban. mag isa lang kasi baka nabaliw na.

10. xG - Setyembre 1, 2009

bakit parang naniwala ako
na mas mukha pang masigla
yung pusang sasha na yan
kesa sa iyo?

natawa ako dun
seryoso
hahahaha

gasti: ahhhmm…hindi naman ako nagbibiro talaga nung sinulat ko yun. uu na mahina ako. marupok. dahil ako ay tao lamang..

11. myk - Setyembre 2, 2009

ang blue tabby persian cat ba ay blue talaga?

gasti: hindi naman skyblue ang kulay nun. mas mukhang gray nga sya kesa blue. pero mas lighter ang kulay kesa gray. anlabo ko mag explain ano? haha!

12. aLps - Setyembre 4, 2009

Get a dog!! :3

13. gasti - Setyembre 22, 2009

updated! with pictures na! nagkatuta na rin kami sa wakas. pero hindi ko pa na-picturean. bigay lang samin ng kapitbahay.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers

%d bloggers like this: