mas lapitin ng tsiks ang mayaman kesa pogi Nobyembre 23, 2009
Posted by gasti in muni-muni moments, pampakiliti, to whom it may concern.14 comments
maraming beses ko na napatunayan yan. siguro naman ay mas marami ang mga lalaking sasang ayon sakin dahil syempre alam naman nating lahat na ganun na ang labanan ngyon. kung mahal mo, ipagshopping mo.
nakakasuya na ang balitang Pacquiao-Krista love affair. napakawalang konsiderasyon naman talaga ng ibang tao satin. natabunan na tuloy ang pagkakapanalo nya kay Cotto at tanghaling bagong kampeon sa welterweight. Pitong beses nagkampeon sa 7 magkakaibang division ng boxing! kahit siguro maghapon kayong magbate ay hindi nyo magagawa yang ganyang klase ng achievement. mga wala kayong alam sa sports…tsk tsk! (may karugtong…)
why not? Nobyembre 4, 2009
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.Tags: boso pics, christine reyes, ogie alcasid, pakikiapid
12 comments
At sa di sinasadyang pagkakataon, at para bang ika’y nilalaro ng panahon.
Bigla kayong nagyakap, mga labi nyo’y naglapat,
ang inyong mga mata’y nagtatanong at nangangarap.
(hindi sadya? ok fine!)
sa mga mangmang sa larangan ng OPM, parte yan ng kanta ni Ogie Alcasid na pinamagatang “Ikaw Sana”. napansin nyo ba na karamihan sa mga awitin nya ay pawang tungkol sa pakikiapid. siguro nga yun ang nilalaman ng puso nya ng mga panahong nagkakagusto na sya sa ibang babae at unti-unti na syang humuhulagpos sa pagkakatali sa misis nya. magaling na composer. marami ang nakarelate. marami ang napakanta.
at syempre pa, walang kinalaman sa buhay ko yan. nananahimik ako dito sa kuta ko kaya wag nyo akong pagbintangan. wag ganun. wag kayo magturo. (may karugtong…)

