why not? Nobyembre 4, 2009
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.Tags: boso pics, christine reyes, ogie alcasid, pakikiapid
12 comments
At sa di sinasadyang pagkakataon, at para bang ika’y nilalaro ng panahon.
Bigla kayong nagyakap, mga labi nyo’y naglapat,
ang inyong mga mata’y nagtatanong at nangangarap.
(hindi sadya? ok fine!)
sa mga mangmang sa larangan ng OPM, parte yan ng kanta ni Ogie Alcasid na pinamagatang “Ikaw Sana”. napansin nyo ba na karamihan sa mga awitin nya ay pawang tungkol sa pakikiapid. siguro nga yun ang nilalaman ng puso nya ng mga panahong nagkakagusto na sya sa ibang babae at unti-unti na syang humuhulagpos sa pagkakatali sa misis nya. magaling na composer. marami ang nakarelate. marami ang napakanta.
at syempre pa, walang kinalaman sa buhay ko yan. nananahimik ako dito sa kuta ko kaya wag nyo akong pagbintangan. wag ganun. wag kayo magturo. (may karugtong…)

