jump to navigation

tunay ka bang isa samin? Enero 15, 2010

Posted by gasti in Uncategorized.
12 comments

kabisado ko na yung kanta ni Manny Villar. pero hindi ko pa rin sya iboboto kahit pa paborito ng mga anak ko yang jingle nya. dun ako sa mga transformers.

pero magandang idea yung nakikihalubilo ka sa mga gusgusing bata pala. umaangat ang kapogian mo. nagmumukha ka pang malinis.

masarap rin yung pakiramdam na angat ka sa iba ano? hindi naman ibig sabihin na mayabang ka na pag ganun. gusto mo lang yung kakaibang saya na dulot ng pagkakadistansya mo at pag angat ng bahagya sa pangkaraniwang tao. nakakasawa rin maging simple at ordinaryo. (more…)

tw0 0ten Enero 6, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
13 comments

akalain mo nga namang magsusulat pa pala ako dito sa blog na ito. pwede ko na nga sana ituloy tuloy ang pamamahinga ko rito para mapagtuunan ko naman ng pansin ang iba pang importanteng bagay gaya na lang ng pagpapataba. maging bigaten sa 2010. ilang taon ko na nga ba plano yan? ahhh since highschool pa. demmet!

wag kayo maniniwala sa mga sabi sabing kapag naging tatay na, dun na magsisimula magsitabaan ang mga lalaki. kalokohan yan. 4 years na akong tatay at eto pa rin ako at mukhang kinulang sa dilig. hindi lang minsan ako sumubok magbuhat sa fitness gym pero anong ngyari? nagsara sila pareho. minsan ka na nga lang makatyempo ng gym na malapit sa bahay at 20-50 pesos lang per session tapos pag sinisipag ka na eh saka naman magsasara. bigyan nyo naman ako ng chance!

engagement/kasalan year na rin pala ngyon. andami ko kakilalang naghahapit magsipag asawa na. sakto na rin kasing edad para sa pag aasawa ang 27 kaya siguro yung mga kabatch ko naghahanda na isugal ang buhay at kapurian nila. best wishes na lang sa inyo lahat dyan. sana makabuo kayo agad.

balik tayo sa kinabukasan ng blog na ito. wag na kayo magtaka kung maging once a week o once a month ang update dito dahil nakadepende ang lahat ng yan sa sex life ko tamang pagkakapwesto ng mga bituin. at isa pa may gusto lang ako baguhin dito sa kuta ko. ayoko lang dumating yung panahon na kelangan ko pa gumawa ng krimen para makasulat at maipahatid kay Dr. Love ang aking mga hinaing. kunganomanyun malalaman nyo rin.

at syempre pa lilinisin ko na ang mga sidewalk vendors dito sa blog ko. aayusin ko na ang mga links. humahaba na kasi ang listahan ng pinagkakautangan ko. gagalingan ko na magbloghop next time. pinyuyir to all!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 74 other followers