anong oras na? Pebrero 25, 2010
Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.10 comments
ang pinakaiiwasan ko sa lahat ay yung mahabang diskusyunan. alam ko matipid ako magsalita kaya matutuwa ang mga power tripper sakin dahil naniniwala akong pag aaksaya lang ng panahon ang makipagtalo pa sa ganyan. either way, lumaban ka o manahimik ka, lagot ka.
sino ba ang gusto ma-late? at ano naman kaya ang maganda at katanggap tanggap na rason ang maaaring sabihin sayo ng isang taong puro kamalian at kakulangan ang napapansin mo. ayoko lang ikumpara ko ang sarili ko sa iba dahil alam kong wala naman ibang magaling sayo kundi yung mga lumalapit sayo pero sana naman sa ganitong pagkakataon, maging patas naman sana ang pagtrato mo samin. pagsabihan mo lahat ng empleyadong late pumasok hindi yung puro ako na lang. wag ganun. (more…)
araw ng mga puson Pebrero 9, 2010
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.Tags: diskarte, mahal kita, valentines
16 comments
ako ay nanumbalik na sa pananampalataya ng pagsusulat. medyo nalibang lang sa mga school activities ng anak ko at syempre sa iba pang bagay na may kinalaman sa pamilya. maayos pa rin naman ang lahat gaya ng dati. hindi lang talaga ako biniyayaan ni Manny Villar ng sipag at tyaga para ikuwento pa dito sa blog ang mga eksena.
this is it! nalalapit na ang araw na pinakahihintay ng magsing irog. ang araw kung saan maraming nagpapareserve. triple ang presyo ng mga bulaklak. pinakamalakas ang bentahan ng stuff toys at chocolates. at syempre pa ubusan na naman ng pera ito at pasiklaban ng creativity at thoughtfulness ng mga kalalakihan. wag nyo na tanungin kung anong kaya kong gawin para lang maimpress ang misis ko. makita nya lang ako nakasuot ng boxer shorts at mabigyan sya ng ilang minutong full body massage eh solb na yun. pero kung gastusin ang usapan, pass muna ako dyan. sa akinse pa kasi ang sweldo ko. walang kwenta. (more…)
