sa facebook na lang tayo magkamustahan Setyembre 28, 2010
Posted by gasti in muni-muni moments, one day in my life, to whom it may concern.6 comments
dalawang buwan na ang naigugol na panahon ko sa pag inom ng gamot. meron pa kong natitirang 4 na buwan para mag adik. ambagal ng asenso ko kung meron man. minsan may gana, minsan para ka namang buntis dahil sa maya’t mayang pagduduwal. tapos magtatae pa. what a shitty life.
nagmamadali na naman ako pumasok kanina dahil antagal ko lumunok ng gamot. yan ang kalbaryo ko tuwing umaga. hindi pwedeng kumain hanggat hindi pa nakakainom ng gamot. medyo tagmalas pa kasi traffic. naglalakad na ako ng mabilis papuntang building namin ng may mamataan akong isang pamilyar na mukha. “parang kilala ko tong mamang to”. nung ngumiti sya saka ko lang nakumpirma na sya na nga. klasmeyt ko sya nung hayskul at pareho kaming naging CAT officer. pareho kami ng kolehiyong pinagtapusan. pareho kaming pasko ang birthday. napansin nya agad ang kapayatan ko. (more…)
masarap sanang kainin yan Setyembre 15, 2010
Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.11 comments
ikinalulugod kong ipamalita sa inyo na buhay pa ko. gusto ko lang magpasalamat sa mga bloggers na nag alay ng dasal at nagtirik ng kandila sa tapat ng bahay nila. back to work na ako ngyon pero hindi ko pa masasabing ayos na ko dahil hindi ko pa rin nababawi yung 18 precious pounds na nawala sakin nung nakaraang buwan. napakahirap pa naman magpataba lalo na kung wala naman gana. minsan nagtatalo pa yung bibig ko kung spit ba o swallow. natural mas ok kung nilulunok. (more…)
