jump to navigation

birthdays and holidays Disyembre 20, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
15 comments

alam nyo na. birthday ko sa pasko. wag kayo mag alala dahil wala naman ako hihingiin na pabor sa inyo dahil alam kong pare-pareho na tayong magiging busy sa mga pamilya at lovelife natin. ayos lang yun. sanay na naman ako eh! simula pagkabata ganito lagi ang eksena sa birthday ko. (more…)

writing lessons Disyembre 14, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments.
13 comments

naalala ko pa nung kinuha ko yung 2nd grading card ng anak ko. sinabihan ako ng teacher nya na praktisin ko daw sa pagsusulat ang anak ko dahil dun sya mahina. pero ipinagtataka ko lang eh tumaas yung grade nya ng 1 point sa card? anyways, may katamaran talaga tong anak ko sa pagsusulat. puro daldal kasi andaming kwento.

at dahil sa hindi sya gumagawa ng seatwork, naging assignment na lang ang mga ito. umabot na sa 20 pages ang kelangan nya sulatan. pagdating ko sa bahay kahapon, hinarang ko sya at mukhang mangangapitbahay na naman. pinaderetso ko agad sa kwarto para gumawa ng assignments.

syempre kelangan ko bantayan baka tumakas eh kaya nahiga muna ko sa kama. mahigit isang oras na ang nakalipas. napapadalas na ang reklamo nya at paghingi ng breaktime. nagsisimula na rin syang magkwento para siguro libangin ang sarili.

ilang sandali pa, bigla syang tumahimik. pagsilip ko sa mukha nya, saka ko lang nalaman na umiiyak na pala.
anak kong gwapo: ayoko na mag aral. di na ko pasok sa iskul. dito na lang ako sa bahay.
gasti: pag hindi ka nag aral, hindi ka makakakuha ng trabaho. pag wala kang trabaho, wala kang pera. walang pambili ng pagkain at gatas. walang pangtsiks, pangsugal, etc. etc. at ano naman ang gagawin mo dito sa bahay?
anak kong gwapo: dito lang ako sa bahay. kakain tapos matutulog tapos nood tv. saka papahinga.
gasti: yun lang? tapos ano pa? wala na?

lumingon sya sakin na para ba nagmamakaawa gaya ng mga pusang uhaw sa pagmamahal at kalinga. muntik na kong maihi sa salawal nung marinig ko ang banat nya.

anak kong gwapo: tapos… maghuhugas ng pinggan.

kinuha ko ang libro nya at lapis sabay silid sa bag. niyaya ko na lang sya bumaba para kumain. malamang gutom lang ‘to.

field trippin (kinder style) Disyembre 1, 2010

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
9 comments

excited ako bumangon para maligo at ihanda na ang mga gamit na dadalhin namin sa fieldtrip. naisip ko na gisingin na lang ang anak ko kapag aalis na sya. wala ng liguan gaya ng dati. may muta pa pero sugod na to.

balewala ang effort dahil pagdating namin sa school eh nakasakay na lahat ng estudyante. naiwanan ko pa sa ref ang lahat ng drinks na binili ko. at least hindi kami kulelat. second to the last lang. saka wala pa namang 7am. (more…)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 74 other followers